Chapter Ten: final act

3.3K 242 112
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


AUTHOR'S NOTE: Finally! 'Eto na ang FINALE ng DIABLO: Scent of a Murderer. Maraming salamat sa mga sumuporta sa kwentong ito mula umpisa hanggang huli. By the way, this story is a collaboration with other two great Wattpad writers-- Maxinejiji and MsButterfly. Pwede ninyong basahin ang other stories na handog ng "DIABLO" sa kani-kanilang Wattpad account. Check it, guys. Sobrang worth it. Finished na rin ang "DIABLO: Behind the Cursed Ruins" ni MsButterfly. At abangan nating lahat ang entry ni Maxinejiji. Pang-finale namin yan.

Again, thank you so much. Sana ay magustuhan ninyo ang pagwawakas ng kwentong ito...





-----ooo-----


IISA lang ang kilalang taong-grasa sa San Cristobal at iyon ay si Mang Gerry. Bukod sa pagiging palaboy ay may problema daw ito sa pag-iisip. Matagal na daw ganoon si Mang Gerry na pagala-gala sa San Cristobal. Ilang beses na itong dinadala sa mental hospital pero palagi itong tumatakas kaya hinayaan na lang itong pagala-gala at hindi naman daw ito nagbibigay ng perwisyo at gulo. Mabait daw ito kaya binibigyan ng pagkain ng mga tao kapag nanghihingi.

Dinala ako sa presinto kung saan naroon si Mang Gerry upang ipakumpirma sa akin kung ito ba ang nakita ko sa talahiban. Pagpasok ko ay agad ko siyang nakita na nakaupo sa monoblock. May posas ang mga kamay at palinga-linga sa paligid na parang hindi alam ang nangyayari.

Nakatayo ako sa may bungad ng pintuan at nakatingin kay Mang Gerry. Hindi ako maaaring magkamali—siya iyong nakita ko sa talahiban!

Maya maya ay napatingin siya sa akin. Matagal. Hanggang sa unti-unting nagbago ang ekspresiyon ng kaniyang mukha. Naging mabalasik iyon. Akala mo ay isa siyang mabangis na leon na handang umatake.

Nagsisigaw siya at sinugod ako. Kahit nakaposas ang mga kamay niya ay nagawa niya akong sakalin. Natumba kaming dalawa sa sahig habang nasa ibabaw ko siya

Gulat at takot ang lumukob sa akin sa ginawa ni Mang Gerry.

"Papatayin kita! Papatayin kita!!!" Paulit-ulit niyang sigaw.

Mabuti't naging maagap ang mga pulis na naroon para awatin si Mang Gerry at ilayo sa akin. Patuloy pa rin siya sa pagwawala kahit na naipasok na siya sa maliit na kulungan. Inalalayan ako ng isang pulis na makaupo dahil para akong hihimatayin.

"Kaya mo bang makumpirma kung si Mang Gerry ba ang nakita mo, Miss Avila?" tanong ng pulis sa akin. Tumingin ako sa kaniya at tumango.

"Opo, sir. Siya po ang nakita ko. Ang hindi ko po sigurado ay kung siya ang pumatay sa babae dahil hindi ko iyon nakita ng akto." Sigurado kong sagot.

Umiling-iling ang pulis. "Sige. Hihingan ka namin ng official statement. Hindi na siguro kinaya ng utak ni Mang Gerry ang nangyari sa asawa niya kaya ginawa na rin niya ang ginagawa noon ni Diablo." Palatak ng pulis.

D I A B L O: Scent of a MurdererTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon