I.T.M.S. || Case 15

244 5 0
                                    

- Trish -
.
.
.
.
I woke up with unfamiliar feelings surrounding me.  Shet nasaan nga ba ako? Saka ko naalala lahat ng nangyari kanina. From the incident hanggang sa napunta ako dito kina Rafi.

Hindi ako masyado makagalaw sa higpit ng pagkakayakap nya sa akin. Ginawa ba naman akong unan?
Naalala ko na naman lahat. Di ko maiwasan na kabahan at matakot pag naalala ko, pero nawawala iyon habang nararamdaman ko ang pagkakayakap nya sa akin.

Sa totoo lang,  I dont want to be dependent on someone para lang mawala ang takot ko. Siguro hayaan ko nalang muna itong pakiramdam na ito ngayon, at dapat mamaya ay maka move on na ako from this experience.

Sa pag,iisip ko, Di ko mapigilan mapatitig sa maamo nyang mukha. Mukha talaga syang anghel kung tutuusin, wag lang talaga didilat at gigising kasi nagiibang-anyo sya at nagkakasungay sa paningin ko.

Pero di ko maiwasan mapangiti ng maalala ko kung paano sya nag-alala. Pati na rin yung pag-aalaga nya kanina. Ganito pala ang pakiramdam ng may nag-aasikaso at nag-aalaga na someone. Someone? Someone ano nga ba kami bi Rafi? Friends siguro?

Siguro yung cons pag pinakikita mo na matapang ka at independent sa harap ng boyfriend mo. They didnt bother to ask if you are ok.
At least ngayon, kahit boyfriend "kuno" naramdaman ko kahit papaano yung feeling na someone is there for you. Na may mag-aalaga sayo. Kahit saglit lang.

Unti unti kong inalis ang kamay nya sa akin at bumangon. Ang hirap pa alisin nito bilang ang higpit ng kapit nya at the same ang bigat pa nito.

Agad ako tumungo sa labas ng kwarto nya. Balak ko sana magluto ng breakfast hanggang sa may nag doorbell dito.

Sunod sunod ang doorbell nito kaya naman agad ko itong pinuntahan at sinilip. Nakita ko na si Sarah ito, his younger sister kaya naman pinagbuksan ko sya agad. Wala naman masama na makita nya ako dito.

"Ate Trish!" Gulat na kita nya sa akin.

"Goodmorning Sarah" sagot ko naman dito.

"Good morning Ate Trish. What happened to you??sinaktan ka ba ni kuya? Gusto mo ako magpakulong dyan pag sinaktan ka?" Tanong nya sa akin.

"No no, hindi ganoon ang Kuya mo. Pasok ka muna. Gigisingin ko lang si Rafi" sabi ko dito habang hinihila ko sya papasok ito sa loob.

"Wag na Ate Trish. Tumawag sa akin si kuya kaninang 4am. Pinadala nya sa akin to, para daw sayo. I asked him why you dont have spare clothes here, girlfriend ka naman nya. Teka Ate, what happend to you" she said to me.

"Dont tell me, kuya is so dominant? Tell me Ate, open naman ako sa ganyan. Pag sinasaktan ka at hindi mo na kaya ate ay isumbong mo sa akin ok? " she continue at napapa-iling ako at natatawa sa sinasabi nito. Mga kabataan talaga ngayon. Tinanggap ko naman ang inaabot nyang paper bag sa akin.

"Naku nag-abala ka pa. Sorry ginising ka pa ng kuya mo ng napaka-aga. Emergency kasi akong nadulas, gawa siguro sa puyat. Kaya eto. Pati damit ko nadamay" sagot ko dito at napa-ah nalang sya.

Napaisip tuloy ako. Hows Rafi in bed kaya? Is he gentle or rough? Ano ba naman itong naiisip ko? Erase erase. Nahahawa pa ko dito kay Sarah.

"I just came here to give you that Ate, I have to go na rin. May aayusin pa kasi ako sa AMZ"

"Nasa AMZ kana? Late na ata ako sa balita" sabi ko naman

"This week lang Ate, tapos na daw ang happy happy ko sa buhay. I need to help my parents na from now on. I promised to my parents naman na once I reached 24, i will join the company. So eto na yun. Wala na akong takas" sabi nito na natatawa pa.

I.T. is My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon