I.T.M.S. || Case 36

125 3 0
                                    

- Trish -
.
.
.
.
"Iba talaga pag may-ari ng kompanya yung nangailangan ng team. Kahit nasa project kami ay na-pullout kami agad agad para lang mapunta sa inyo" natatawang sabi ni Tin sa akin.

Yup its Tin..my besh.

Rafi did his homework for one day. To build a new team.

And we have no choice but to get trusted resources/employees that we know. 

The FC peepz.
Tin,Sean,Fam,Kurt  will lead this team.

"Kung may choice lang kami diba? We have no choice besh" sabi ko dito.

"Besh, matanong ko lang. Nagbago ka na ba? Di ka na naman siguro tumitira o nagpapa-umaga sa office no? Besh, walang patayan ha? Tandaan mo, dinadala ko ang inaanak mo." naniningkit na sabi nito.

"Sira, hindi no. Siguro kung di ka buntis baka patayan tayo sa trabaho. Char. Pero dont worry besh, this is a typical 8AM to 5PM job, bawal magpa-gabi dito. Flexi time pa nga kung gusto mo." natatawang sabi ko dito. Halos lumuwa kasi ang mata nito sa pagkakadilat ng sinabi ko na patayan sa trabaho.

"Wag mo kami pinakakaba besh. Matanong ko lang, bat dito kami mago-office? Bat hindi doon sa area nyo?" Tanong nito.

"Well this team is still a secret until we found a way to fix the issue. No rush naman, sunod pa rin naman sa process. Kaya dont worry.  Rafi will explain everything later." Sagot ko dito ng pumwesto na sila.

For now we setup their work areas in a conference room for the leads, while for the members are located in the function room beside the conference room. So magkatabi lang din naman.

When Rafi came ay inexplain nito lahat lahat kina Sean kung bakit may binuong team. At kitang kita namin ang gulat sa mga ito. Lalo na sa mga numerong nanakaw sa mga tao at sa kompanya.

He also mentioned that everything discussed on this room are all confidential.

Ng magpaalam kami kina Tin at pabalik sa opisina namin ay naalala kong kuhain ang pinagawa kong laptop kaya naman nagsalita ako.

"Mauna ka ng bumalik sa office mo love, may kukunin lang akong laptop sa IT depatment." Sabi ko dito.

"Ako nalang kukuha love, baka mapagod ka pa. Alam mo naman na ayoko na napapagod ka." sagot naman nito.

"Ay sus, ang thoughtful  naman ng asawa ko.
Pero ako na sir, baka magtaka pa sila bat yung boss pa ang kukuha ng laptop ko." Biro ko naman dito.

"See you later love, sige na punta na ko doon. Bye! Mwah" Sabi ko dito at nagmadaling umalis. Baka mangulit pa kasi ng kiss eh hindi nga pwede.

On my way to IT department, i saw familiar people.

Si Janina ba yun? Tanong ko sa isip ko.

Habang nakita ko syang papalayo ay nakita kong lumalakad si Lia na tila sumusunod sa kanya.

Baka naman nagkataon lang sabi ko sa isip ko, kaya naman nagpatuloy ako.

Ng papunta na ako sa IT department ay nagbago ang isip ko.

Wala naman mawawala kung susundan ko sila diba?. Nasa AMZ lang naman ako, madami ako pwedeng idahilan pag nakita nila ako.

Agad naman ako tumalikod pabalik at sumunod sa kanila.

Kahit nagmamadali pa ko sundan sila ay mahirap na silang makita sa dami ng tao dito.
This floor is too busy. Aside from IT department kasi ay nandito din sa floor ang malaking canteen ng company,  almost resto like with Venice theme ang buong makikita.

I.T. is My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon