AN: 🤫
-----------
- Raphael -
.
.
.
.
"Gab, can you do me a favor?" Sabi ko kay Gab sa kabilang linya."What do you want this time brother? Nakakadami ka na. Hindi na libre ang request mo ngayon Raph" Sagot naman ni Gab.
"Change your new senior manager in AMZ" sagot ko naman.
"Una, sabi mo magdagdag ako ng senior manager, para hindi magdoble ng project si Trish. Tapos ngayon papalitan ko naman yung nilagay? Hanap -palit hanap-palit. Whats your problem man?" Iritang sagot nito.
"Gagawin mo ba?" Sagot ko dito.
"Ikaw humanap, kumpanya nyo naman yan!" Sabi nito.
Well he has a point bat nga ba hindi na ako ang diretchong mag-alis?
"Sige na lover boy, ibaba ko na to, pinatatawag ako ni Daddy. Puntahan ko lang. See you! paalam!" Sagot nito sa kabilang linya at binaba ang tawag.
Di nga pala magiging madali ang pagpapalit ng tao s AMZ. Pagagalitan ako ni Dad pag may pinaki-alamanan akong empleyado dun. Think Raphael. Think. I need to find ways to get rid that f*ck*r.
Nakakainis naman itong meeting na pupuntahan ko.
Hindi ko tuloy alam kung makakasunod ako kina Trish sa team building nila.When Im about to leave and go the airport. I received a message from Koko.
"San na u sir Raph. Dito na us. Joke lang sir.
Pero sir concern citizen lang at dahil kayo naman ang manok namin. Ibabalita ko lang na may umaaligid kay Ms.Trish." sabi ni koko at agad ko syang tinawagan."Sino umaaligid? Nasaan kayo?!" Reply ko dito.
"Relax sir Raph, on the way na kami sa Isla Kahel. Eh si Sir Matt, panay ang tabi kay Ms.Trish. actually magkatabi sila ngayon sa sasakyan. May pa breakfast pa take note. At tapos may kape pa. Tapos panay pa goodshot pa. Naku may balak pa ata humilig sa balikat ni Ms.Trish oh. Inaantok kuno" Sagot nito sa akin.
Agad naman nagiba ang timpla ko at tinawagan ang sekretarya ko.
"Cath, cancel all my meetings today. Inform them i have emergency. Reschedule it next week." Sabi ko dito.
"Ok po sir, paano po pag wala silang maibigay na available na schedule?" Tanong nito.
This is an important meeting at 6 months bago kami nakapag-set ng meeting dito. We agreed to meet them in Cebu dahil wala nga silang schedule sa Manila.
Pero ayoko naman makasama ni Trish ang Matt na yun.
Looks like i have no choice. Grrrr. Fck.
-----
- Trish -
.
.
.
"Besh! Wait may sasabihin ako sayo!" sigaw ko kay Tin na kausap si Sean. Kelangan ko na gamitin sina Tin, Di kasi ako makatakas dito kay Matt na lagi kong katabi. Kahit ba ok naman kami at pwedeng maging friends ay naiilang pa rin ako. Di ba nya naiisip na magEX kami?"Sige Matt, mauna na ko. Sabay kami ni Tin. See you nalang doon" paalam ko dito at mabilis na umalis.
Ng makarating kami sa kwarto ay eto chika agad ang naganap.
"Hay sa wakas besh, nakasama din kita. Nabburyo na ko kay Sean. Gusto ko girl talk naman. Para ka kasing binabakuran ni Matt, hindi kita mahatak-hatak. Muling Ibalik na ba ang tamis ng pag-ibig?" Sabi naman nito na may pakanta-kanta pa ulit sa dulo.
"Sira, past na yun. At ayoko na rin maalala pinag-gagawa ko dati. Nakakahiya kaya. Ang immature" sabi ko dito na syang kinatawa namin.
"Kaya nga, ikaw naman yun. Eh sya naka move on na ba?" Tanong naman nito.
BINABASA MO ANG
I.T. is My Story
Humor[Completed] Work life Balance ? Ano yun? Trish must be lucky on her career but in love? At the age of 29 she is already a senior manager in one of the biggest IT company in the Philippines. Sabi nga nila wag ka aabot ng senior manager level na sin...