I.T.M.S. || Case 24

166 7 0
                                    

- Trish -
.
.
.
.
"So nagkita kayo ulit?" Tanong ni Eli sa kabilang linya.
Matapos ko nga sabihin sa group chat namin na nagkita kami ni Rafi sa opisina ay hindi na ako tinatantanan ng mga ito. May pa video chat pang nalalaman ang mga loko.

"Mag move on kana kasi talaga bruha. Yung for real ha. Ganyan talaga ang buhay siz. Syempre 2 years yun, baka may iba ng mahal. Napakasakit naman ouch" pang-asar na sabi ni Shey.

"Wag nyo naman asarin ang kapatid natin mga bruha, baka mapainom na naman kami nito haysss." Sabi naman ni Eli.

"Hay, baka mag out of town na naman tayo para maka move on sya ulit. Huy bruha dapat this time totoong move on ha. Nakakaubos kasi ng savings. Yung last na nabroken heart ka dyan sa tatay ng anak mo ay kung saan saan tayo nakarating. Saan ba tayo ngayon para makapag-ipon na?" Sabi naman ni Hannah na tumatawa tawa habang inaasar nila ako.

"Pwede mag suggest? South Korea naman tayo para naman makasilay sa mga oppa ko" sabi naman ni Leo.

"After South Korea, Japan naman. I level up na natin yung pagpunta natin ng Singapore 2 years ago para maka move na ng tuluyan yan bruhang yan" sabi naman ng tumatawang si Hannah.

"Bat feeling ko dadalhin na naman tayo ni Eli sa Retreat house?" Sabi naman ni Shey na naniningkit pa.

2 years ago kasi, after ng alam nyo na, break up namin ni Rafi ay ginawa ng mga kaibigan ko ang lahat para mabawasan ang kalungkutan ko.

Staycation dito, sleepover dyan, kain dito, swimming dyan. After all we did, alam nila at kita nila sa mga mata ko ang kalungkutan. And Eli's last resort, she brought us to a retreat house in Tagaytay.

We really had fun there actually. So peaceful, parang ang lapit mo sa nature, ang lapit mo Diyos. Sabi nga ni Leo, going there gave us the true meaning of rest. Pahinga ang puso, isip at katawang lupa.

Pinagdasal ko talaga doon na sana ay sumaya ako at malaman ko kung ano ba talaga ang purpose ko sa mundo and then God answered my prayers right away,  i found out I was pregnant with my baby boy.  And the rest is history.

"Tigilan nyo nga yan. Walang out of town o country na mangyayari ok? Walang ganun kasi naka move on na ako." Sabi ko sa mga ito.

"Weh?" Sabay sabay na sabi ng mga ito.

"Totoo nga kasi, tigilan nyo nga ako. Alam ko naman na kayo ang may gusto na gumala. Dinadahilan nyo pa ko" sabi ko sa mga ito.

"Ay sayang naman, akala ko makakagala na tayo ulit" sabi naman ni Shey.

"So how's your sudden meetup?" Tanong naman ni Eli.

"Wala lang. Civil lang. Professional lang." Sagot ko sa mga ito habang umiinom ng gatas.

"Walang kirot?"tanong ni Hannah.

"Wala"

"Walang panghihinayang?" Sabi ni Leo.

"Wala"

"Walang daydreaming na lalapitan ka nya para sabihin na Trish na-miss kita?" Sabi naman ni Shey.

"Wala!"

"Wala na bang 2nd chance?" Sabi naman ni Eli.

Napatigil ako sa tanong na yun ni Eli. Pero agad ko naman ginising ang sarili ko at sinagot sila.

"Wala, wala, wala. Sya sige guys, tatabihan ko na ang mahal na prinsepe. Bawal maingay at baka magising. bye!!" Sabi ko sa mga ito at pinatay ang tawag.

I lay down beside my prince after that call.
"Wala na nga ba talaga?" Tanong ko sa sarili ko at tiningnan ang baby ko. "Do you want to meet your daddy, baby?" Sabi ko sabay niyakap ko ito hanggang sa unti unti na rin ako nakatulog.

I.T. is My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon