Toffer's POVOctober na at 3 months na ang nakalipas simula nung aksidente.
Van, as I see is now moving forward without her but different from before.
I feel sad pero hindi ko magawang malungkot dahil masaya ako. Wanna know why? Okay! Madali akong kausap. :)
Simula nung unang pagkikita namin ni Saphirre, ay hinanap ko kung saan siya nakatira. Then, nalaman kong ka-subdivision namin sila, swerte ko no? Hahaha. Okay next...
Nung nalaman ko yun ay pinuntahan ko agad siya at kinulit ng kinulit.
Siguro nasanay na siya ngayon kaya ayun, lagi kaming magkasama at marami rin akong nalaman sa kanya. O di ba, improving na ako? Ahahahaha :)
"Guys..." sabi ni Sandra na kakarating lang.
"Bukas gaganapin ang engagement party/emerging ng company ng Dela Fuente at Ferrer." panimula niya.
Dela Fuente, apelyido ni Kent na leader ng Red Knights at Ferrer, apelyido ng papakasalan niya.
"Kailangan natin pumunta dun para mamanmanan ang mga kinikilos ng dalawang grupo."
As you all know, ang mga Ferrer ay makakapangyarihang tao pagdating sa politikal at business matters.
"Hindi sila pwedeng mag-merge... Kaya kailangan nating i-sabotage ang engagement party." I agree dahil kapag nangyari yun, mas lalakas ang Red Knights...
"Here's the plan..." Then in-explain na ni Sandra isa-isa.
"Pupunta ako since kulang ng isa... Ang theme ay Masquerade Ball, you need partners..."
"Do we really need to have one?" Tanong ni Van. Tsk. Tsk. Oo nga pala...
"Yes, don't worry I'll pair with you. Since required na dapat may partner."
"Paano ako?" Tanong ni Wayne
"Aba! Maghanap ka, Chick-magnet ka naman di ba?" Pagalit na sigaw ni Sandra
"Tss. Akala ko naman tayo ang pair."
"asa..." sabi ni Sandra, sabay baling ng tingin sa akin.
"Ikaw Tof, meron na?"
"Aahhh..." nag-iisip ako ng biglang may pumasok na idea sa akin
"Ah, oo okay na." Sabi ko
Ngayon kailangan ko nalang siyang kumbinsihin pero... paano?
************************************
"Sige nanaman, phirre... Samahan mo lang ako..." Pagmamakaawa ko kay phirre... Saphirre ^____^
Nandito ako ngayon sa bahay niya since lagi akong nakatambay dito, nakasanayan na rin.
"A-YO-KO- NGA!" Sigaw niya since siya ang nasa kusina, siya kasi nagluluto...
Natikman ko na ang luto niya, lagi kasi akong nandito. Dito na rin ako nakikikain.
At sobrang sarap niya magluto... PRAMIS *U*
"Oo nga ate! Pumayag ka na!" Sabi ni Sachi. Parehas kaming nakaupo dito sa sala.
"Isa ka pa! Tinutulungan mo pa ang Kuya Toffer mo? Tsss."
Pumunta ako sa kusina kung nasaan siya.
"Sige na, please. Minsan lang naman ako humingi ng favor..." Sabi ko, pero di niya ako pinansin. Since nakatalikod siya, sa akin kasi doon siya nakaharap sa niluluto niya.
"Please?"
"Tss. Ang kulit mo rin noh?"
"Did I say anything?" Grabe naman tong phirre na to. Haaay...
Umupo na lang ako sa stool malapit dun.
"Ano suko ka na?"
"Hindi! Hangga't di kita napapasagot ng oo, di ako susuko..."
Biglang napatayo ng tuwid si Saphirre
Teka... Bakit? O.O Aish! Mali yung statement! Parang nililigawan ko siya >//////<
"Ah.....a.... I mean.. Hangga't hindi ka pumayag na sumama sa akin, hindi ako titigil ng pangungulit sa sayo."
"Tss. E di magsawa ka." Sabi niya.
Ang hard naman niya. nang biglang...
"Ate! Huwag pa-hard to get! Alam kong gusto mo dahil di ka nakasama sa JS Prom niyo... Edi sumama ka ngayon para may experience ka naman." Sabi ni Sachi.
"Ang daldal mo talagang bata ka!" Sabay bato niya ng sandok sa ulo ni Sachi
"Huhuhu~~ Brutal ka talaga ate! Huhuhu~"
Ba't kaya di siya nakasama nung JS Prom?
"Kailan JS Prom niyo?"
"Ah! Kuya Toffer! Nung second year sila! Tapos mga August yun!"
"Aish! Ang inay mo!" Sigaw ni phirre...
August? Two years? Posible kayang...
"Huy Toffer!" Sigaw ni phirre
"Oh?"
"Natulala ka na diyan?"
"Ah. Wala. Sige una na ako. May pupuntahan pa pala ako." Naglakad na ako papuntang pintuan ng biglang hawakan ni phirre ang kamay ko.
Aw shet. Bumibilis tibok ng puso ko kaya binitiwan ko yun kaagad.
"Sorry." Tapos naglakad na ulit ako. Pagkalabas ko ng gate ay may biglang sumigaw.
"BUENAVISTA!" Napalingon tuloy ako. Tapos tumakbo siya para maabutan ako since mabilis akong maglakad.
"O sige na... *hingal* payag na... *hingal* ako..." Sabi niya habang naghahabol ng hininga niya.
"Huh?"
"Aish! OO NA SASAMA NA AKO SAYO BUKAS! AT TALAGANG PINAULIT MO PA HA!" Weh?
"Talaga?"
"Aish! Ewan! Bahala ka na, di bale wa.." Di ko na siya pinatapos na magsalita at hinila ko ang kamay niya paharap sa akin para yakapin siya.
"Thanks" Grabe lang! ANG SAYA KO! WOOOOH!
Bumitaw na ako. Kahit na gusto ko pa siyang yakapin.. Haha
"Geh. Una na ako!" At naglakad na ako ng may ngiti sa labi.
"AYOOOOOOOS!" Sigaw ko.
-xoxo-
A/N: Hello wassup guys. Kahit na gabi na ay nag-update na ako bilang pa-"thank you" sa mga patuloy na nagbabasa ng story namin. Hihihi thanks talaga ng marami! pero mas maganda kung mag-comment naman kayo. Paramdam rin para malaman namin kung nagustuhan niyo yung chap. Pero ily guys. Hahaha. Keep on reading. Be a fan. Comment. Vote. :)
-KithHyun ^^