Chapter 7

243 11 1
                                    

Sapphire's POV 

Hayyyy, dahil sa nangyari kanina ay ne-detention kaming parehas. Siya, pinaglinis ng CR ng boys habang ako naman ay pinaglinis ng Gym, ayos na yung kesa sa CR. Habang hinihintay ang oras ay pinagstay kami sa detention room, since 2 hours nalang naman. Actually sanay na naman akong ma-detention halos buwan-buwan lagi akong nandyan kaya, sanay na sila.

Pagkalipas ng 2 oras ay lumabas na kami ng detention room nauna na sya kasi tinawag pa ako ng prof na bantay.

"Ms. Cruxette, here's the broom and dustpan, ang mop at basahan ay nadoon na rin, CLEAN WELL" Pang-aasar niya.

Padabog akong dumiretso sa gym, andami pa namang lilinisin dito sa laki ng gym baka bukas pa ko makakatapos. -____-

 Nagsimula ako sa pinakagilid ng gym at nagsimula na ako baka kasi wala akong matapos.

Nang matapos ako sa bleachers ay umupo muna ako ng saglit, grabe pawisan na ako. Since may vest yung uniform namin ay hinubad ko yun at pati uniform ko, tutal nakasando naman ako at wala namang tao. At nag bun na rin ako ng buhok pagkatapos ay nagsimula na akong mag mop.

Nang bigla akong nakarinig ng dribble ng bola.

"Sino yan?" Tanong ko pero walang sumagot so pinagpatuloy ko nalang yung pagmomop.

Few minutes passed ng nakarinig ako ulit ng dribble ng bola. Sino ba yun? Kanina pa yun ah! Pumunta ako sa direksyon ng tunog nung bola at nakarating ako sa boy's locker/shower room. At nakarinig ng usapan ng mga lalaki.

"Sino ang bumugbog sayo?"

"T*ng*na! Isang babae lang may gawa sakin neto"

"Babae? Natalo ka nang babae? HAHAHAHAHA!"

"Tss. Di ba nga bawal tayo gumawa ng kahina-hinala? Kaya nag-iingat lang ako kung pwede sana ay tinutukan ko na sya ng  baril" Sino kaya pinag-uusapan nila?

"What's her name?"

"I remember the teacher called her "Cruxette, Sapphire, Cruxette" Teka... Pangalan ko yun ha.

"Paglabas nya ng school, make sure she doesn't go home without a mark on her face if you want, kill her. Understood, RED KNIGHTS?"

"Yes BOSS!" Patay! Gangster ang nakabanga ko. O.O WHAT TO DO? Sa sobrang kaba ko e natabig ko ang mga racketa sa gilid at nagsibagsakan yun.

"Sinong nandyan" DOUBLE KILL >.<

3rd person's POV

Sa kabila ng banda. Si van ay nagmamasid sa may gilid ng locker room. Dahil sinundan niya ang Red Knights, at para na din makakuha ng impormasyon, sulit rin ang pagpunta niya dahil may nalaman syang kahinaan ng kalaban.

Paalis na sya na ng makarinig na may papatayin silang babae (pero di niya narinig ang pangalan ng babae, dahil sa may nagtext sa kanya, Si Violet.

From Violet <3

Van, sa park around 5:00 pm. Okie? ^___^

Napangiti siya ng maalala kung anong meron, may date nga pala sila, dahil busy sila sa trabaho nila di nila ito nagagawa ng madalas, kaya susulitin na nila ngayon.

To Violet <3

Okay. Be right there.

Message sent. Kasabay nun ay narinig niya ang pagbagsak ng raketa.

"Sino yun?!" Sigaw ng leader ng Red Knights

 Who could that be? Tanong ni Van sa sarili

Sapphire's POV

WHAT TO DO? Pinagpapawisan na ako hanggang sa may humila sa kamay ko at dinala ako sa janitor's closet

"shhhhh" sabi ng isang boses lalaki

"Habulin nyo kung sino yun! Hindi pa siguro nakakalayo yun" Sigaw ng lalaking narinig kong nag-utos na patayin ako.

Nung siniguro ni Kuya na wala na yung tao ay tsaka ako nagsalita

"Salamat pero sino ka? Tanong ko. Since madilim dito at ang sikip pa (___) Di ko makita ng maayos yung mukha niya.

Bigla niyang nilapit yung mukha niya sa tenga ko and I could feel his breath. Pasalamat siya hindi siya bad breath kundi kanina ko pa to sinuntok >.<

"I can't tell you my name, you might die, let's just say, I'm your knight and shining armor" he said using his cold voice, that sent shivers all over my body.

Tae. Kinakabahan na ako. Sino ba to? Baka rapist, nako wag naman sana.

Lumayo na sya saakin pero bago sya umalis ay nakita kong may wolf na marka yung may band sa left na braso (sa taas) 

"By the way, nice curves" sigaw niya, sa sobrang gulat di kaagad ako nakagalaw.

Tinignan ko yung suot ko, >//////< Taena. Nakalimutan kong naka sando lang ako.

Lumabas ako ng janitor's closet pero wala na sya. KAINIS, SINO KAYA YUN?!?

*****************************************************************************************

A/N: Sino kaya yun? Any guess ^_^ V may binigay akong Clue

swagfireflies --- follow niyo ko. hihihi ^^ --KookiErica

Im in love with a BAD GUY [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon