Selene
Kung meron mang panget na part ang isang bakasyon ay itong mga ganitong araw iyon. Ang araw kung saan wala akong maisip na gawin kung hindi tumunganga sa aking kwarto at hindi malaman ang gustong gawin.
Kinuha ko ang cellphone ko sa tabi ng aking unan ng marinig ang notification sound ng messenger.
Nate Geoffrey Gonzales sent a message to your group.
Hmp. Ano nanaman kayang trip nitong Geo na 'to?
NatGeo: Guys G sa rob nood sine walang magawa dito sa bahay
Chinnie: ur treat?
Janine: libre?
Roda: basta libre g ako
Dianne: guys update me ha kung libre g din akoNatGeo: mama niyo libre. mga uto parang walang natanggap na cash gift sa mga magulang! tara na daw sabi ni Cliff. Pag di daw kayo sumama di na siya tutulong sa paggawa sa bulletin board.
Cliff: what? wala akong sinasabi @NatGeo wtf
Selene: sine? wala ba kayong mga tv sa bahay niyo? swimming nalang!!!! Arat na kahit dyan lang sa malapit.
Chinnie: halla true. miming na miming na ako.
Janine: @Ma'am Olly madam miming daw po join ka na
NatGeo: G daw sabi ni cliff si Selene naman na daw nag-aya. Pere seye hehemeken eng lehet.
Cliff: wtf. hindi kami magkasama ni Geo. Saang resort ba?
And voila! May gagawin na ako ngayon. Napagpasyahan ng buong klase na g na daw kami sa swimming sa isang resort dito lang sa Santiago. May mga kasama rin kaming matatanda including some of my classmates' parents and our grade 9 adviser Ma'am Olly. Hindi kami pwedeng magswimming ng kami kami lang because we are all minors palang. We don't want to risk anything.
Bago ko igayak ang mga gagamitin ko, I decided to text first my family on their own numbers and then I also send a message to our Family Group Chat
RamfaFamfaFam
Selene: Hi, Fam! Pwede po ba akong sumama sa class outing namin? Uuwi rin po ako ng mga 5:30pm. Kasama po namin si Ma'am Olly and yung mama po nila Chinnie. Dyan lang po kami sa may Spiral's po.
Mama: okay anak ingat. pinapasabi ng papa mo na sumabay ka nalang kila chinnie umuwi.
Steven: ma, ako na susundo sa kaniya. Don't worry. @Selene bring a sunblock and a paracetamol.
Halos matawa ako sa message ni kuya. Kahit kailan talaga mas maarte pa yon kaysa sa akin. I just told them 'yes po' and then ready all my things. Dadaanan nalang daw ako nila Chinnie dito since walang available na maghahatid sa akin dahil wala si Kuya Robert na family driver namin. Pinagdala rin ako nila Tita Suling, our kasambahay, ng mga pagkain. Buti nalang raw ay kakapalengke niya lang kaya may nailuto siyang marami rami. Bat naman daw kasi biglaan yung puting namin.
"Selene, anak, mag-iingat ka don ha. Wala kang kasamang guardian, disisais ka palang anak. Huwag ka pupunta sa malalim." paalala ni Tita Suling. She's our kasambahay since I was just a child and she said that I am her most favorite alaga sa aming tatlo nila Ate at Kuya.
I jokingly rolled my eyes at her and laugh.
"Tita, opo! Atsaka marunong naman po akong lumangoy hahahaha." humahalaklak na sabi ko sa kaniya. Napabuntong hininga nalang siya sa akin at pinaakyat na ako sa taas para i-double check ko daw yun mga gamit ko.