Selene
Natapos ang contest at ang section namin ang nakakuha ng title, super happy ng buong klase kaya naman nahihiya akong i-open ang pag sama nila sakin sa SSG office. Makapal mukha ko pero 'di ako lill joy, uy! Nagce-celebrate pa sila eh.
"Wooo! Una palang tiwala na ako na section natin ang makakakuha ng title eh!"
"Oo nga hahahaha dalang dala kasi ni Diane yung snow white! Kutis at tindig palang eh!"
Napangiti ako sa mga pagsasaya ng mga classmates ko, totoo naman kasing una palang alam na namin na malaki ang tsansa na kami ang makakuha ng title. Hindi naman kasi sa pagmamayabang pero every may contest na ginaganap sa school eh, ang section namin ang nakakasungkit ng pagkapanalo.
"Guys! Mamaya na tayo magsaya, kailangan pa tayo sa SSG office para i-clarify yung kay Selene." pagpuputol ni Janine, ang president namin, sa kasiyahan ng lahat.
Napayuko ako sa kahihiyan. Haaays. Pang ilang bagay na ba 'to na nasira ko? Okay sana kung ako lang kaso ngayon pati sila madadamay, nakakahiya.
"Uhh... Guys? Ako nalang ang pupunta. Ako lang naman ang may kasalanan, baka pati kayo pagalitan." napatingin sila sakin at napasimangot. Ang bait ko shet!
"Ano ka ba Selene? Para sa section naman natin yung ginawa mo kaya sasamahan ka namin, kung hindi naman dahil sa pagmamadali mong maidala yung sapatos kay Diane eh hindi naman mangyayari yon." sabi ni Janine na sinang ayunan ng lahat.
"Atsaka anong silbi ni Roda? Naturingang SSG secretary na malakas kay ma'am Amy hahahaha." gatong ni Yves kaya natawa ang lahat.
"oh siya, tara na garod at ng matapos na 'to! Nagluto daw ng meryenda si mama sa bahay para sa celebration natin mamaya." singit ni Diane na nakabihis na pala kaya nagpasya na agad kaming magpunta na sa SSG office, baka daw kasi lumamig mga niluto ng mama ni Diane, di na daw masarap. Buti ako, mainit man o malamig, masarap pa rin.
Pagkadating namin sa SSG office ay kaming tatlo lang ni Janine at Roda ang pumasok sa loob at nanatili lang ang mga classmates namin sa labas. Baka lalong magwala si Ma'am Amy pag lahat kami pumasok. Maungit pa naman yun. Half charot.
Naabutan namin si ma'am Amy na nakangiti habang kausap yung lalaking nakabungguan ko kanina. May kasama din silang mga senior high students na mga officers din, nakilala ko yung isa na si kuya Jeremy na president ng SSG. Super bait niyan sakin, crush ata ako.
Kinatok ni Roda yung table para makuha yung attention nila kaya napabaling sila sa'min. Agad umasim ang timpla ng mukha ni ma'am Amy ng nabaling sa'kin ang tingin niya. Napayuko nalang ako sa sobrang kahihiyan.
Shit, andaming tao dito sa loob, baka ipahiya niya pa ako sa harap nila huhuhu.
Nilakasan ko nalang ang loob ko at nag-angat ng tingin sa kanila. Huminga ako ng malalim at nag-umpisa nang humingi ng tawad habang nangingiti ng alanganin sa kanila.
"uhh... Ma'am, pasensya na po sa nangyari kanina. Nagmamadali po kasi ako na maibigay yung sapatos po sa classmate naming kasali sa contest dahil mali po yung sapatos na naibigay sa kaniya." pag-uumpisa ko.
"Tss." sabi nung lalaking nakabungguan ko at sinimangutan ako. Luh, ahas ka girl? Maka 'tss' to wagas. Napatingin ako sa gawin niya kasi nainis ako sa ginawa niya. Sinimangutan nya lang ako lalo atsaka umirap. Luh.
"Pasensya na po talaga. Sa susunod po kahit nagmamadali ako titignan ko na po yung dinadaanan ko. Sana po mapatawad niyo po ako." dagdag ko atsaka ako tumingin kay ma'am Amy tsaka hilaw na ngumiti. Kinakabahan talaga ako shet! Gusto kong umiyak!
Lumambot naman ang ekspresyon niya ng makita ang naluluha kong mata atsaka bumuntong hininga. Tinanggal niya ang salamin na suot niya atsaka tumango tango."Sa ngayon, palalampasin ko ito. Tuparin mo yang pangako mo na hindi na ito mauulit dahil maraming napeperwisyo." mahinahing sambit niya kaya lumuwag ang paghinga ko at ngumiti sa kaniya saka tumango tango.
"Tanga kasi." mahinang sambit nung lalaki ngunit sa sobrang tahimik ng room ay narinig ng lahat kaya nawala ang ngiti sa labi ko. Nagsinghapan ang lahat kaya tahimik ulit akong napayuko at pinigil ang pamumuo ng luha. First time kong matawag na tanga, ouch.
"Louie!" napapasinghap na sabi ni kuya Jeremy sa kaniya. Tinignan lang siya nung Louie tsaka naiinis na lumabas ng office.
Tinignan ako ng mga senior na may awa sa mata at sinabi na okay na daw ang lahat. Pinagsabihan nalang ulit kami ni ma'am Amy at humingi rin ng pasensya sa inasal nung Louie.
-
Nandito kaming buong magkaka-klase sa bahay nila Diane para mag-celebrate ng pagkapanalo. Buti nalang at maluwang ang garden nila kaya nagkasya kaming 40 na estudyante kasama ang adviser namin.
"Grabe naman yon! Dinaig niya pa si ma'am Amy sa kasungitan! Hindi lang naman siya yung nasaktan eh!" nanggagalaiti na asik ni Chinnie habang kumakain ng salad. Naikwento kasi nila Roda at Janine yung nangyari kanina sa office.
"Sinabi mo pa! Biruin mo? May mga senior students pa don tas may teacher pa tas kung sabihan niya si Selene. Balita ko nasa special section pa naman yon. Grabe magsalita!" gatong ni Janine na halatang naiinis din.
"Ganoon talaga yon guys. Pero mabait naman yon. Ewan ko nga kung bakit bigla siyang nag-ganon kanina kasi eh okay naman siya kahit tahimik lang. Baka napikon lang talaga." paliwanag ni Roda kaya nabaling ang atensyon namin sa kaniya.
Napabuntong hininga nalang ako. Sayang, type ko pa naman sya tas ganon niya ako trinato. First time kong masabihan ng tanga. Sakit pala ajuju.
"Mga anak, pabayaan niyo na. Atleast diba okay na yung issue? Atsaka kaibigan ko yung adviser nung bata, mabait naman daw talaga yon." pagsingit ni ma'am Olly kaya tumango nalang kaming lahat. Luh ma'am, sinabihan akong tanga non, ma'am.
"Sayang, crush ko na sana eh HAHAHAHAHAHAHA." sabi ko sa kanila kaya nagsitawanan sila at kinantsawan ako.
"Hoy Selene umayos ka! Katabi ko lang dito si Cliff! Nawalan na ng ganang kumain!" hiyaw ni Geo kaya lalong umingay ang mga baliw.
Napatingin ako sa gawi nila habang tumatawa pero agad akong nabilaukan ng makitang masama ang tingin sakin ni Cliff. Hinagod ni Chinnie ang likod ko habang tumatawa.
"Hoy Cliff move on na! May bago ng gusto si Selene HAHAHAHAHAHAHA" kantyaw ng mga classmates ko kaya mas lalong napasimangot si Cliff at lumingon sakin at mas lalo akong sinamaan ng tingin.
"Utot." walang emosyon niyang sabi kaya mas lalong napatawa ang lahat, pati ako at si ma'am Olly di na napigil ang sarili kaya bumulanghit kami ng tawa. Haynako, hirap maging maganda!