Chapter VII

0 0 0
                                    

Selene

Nag-back flip pala si Azrael at ako yung nabagsakan niya. Di daw nila ako nakita kasi sa pinaka ilalim ako ng pool lumalangoy. Sorry ng sorry sa akin si Azrael dito sa isang gilid. Kanina ko pa sinasabi na okay lang pero makulit talaga. Tinatanong pa ako kung ano daw bang gusto kong gawin sa kaniya. Balisan ko daw siya para fair daw kami.

Gago ba 'to? Anong gusto niya, mag back flip din ako tapos bagsakan ko siya? Utot!

"Selene, okay ka lang ba talaga? Sorry ha, di talaga kita napansin. Tell me what you want, gusto mo ba akong balisan? Sige na, dali!" kanina pa niya sinasabi yan. Tinignan ko siya at bumuntong hininga.

"Wala akong kailangan. Nagpapahinga lang ako saglit kaya, pwede ba? Pumunta ka na don kasi mamamatay na ako sa tingin ng mga kaklase mo." mahinahon kong sabi sa kaniya.

Sobrang sama na kasi ng tingin ng mga kaklase niya sa akin. Lalo na yung mga babae at si Louie. Wala namang pake yung iba nilang kaklaseng lalaki pero etong mga babaeng to kasama si Louie ay parang sasabak na sa giyera. Parang ako pa yung sinisisi nila sa nangyari.

"What happened?" napaangat ako ng boses ng marinig ang boses ni Cliff. Wala kasi siya rito kanina nung nangyari yon kasi nagpaiwan siya sa cottage para tumulong magligpit doon.

"Lagot ka, Azrael!" sigaw ni Janine kaya sumunod ng nangantyaw yung iba. Muling umingay ang paligid at halos magsumiksik na ako dito sa gilid sa sobrang hiya at pagkapikon.

Bumuntong hininga ako at nilingon si Clifford baga magsalita.

"It was an accident, Cliff. Nabagsakan niya lang ako kanina." sabi ko at nilingon si Azrael na seryoso ng nakatingin sa akin. "And please lang po. I said I am okay. Bumalik ka na sa pwesto mo kasi hindi ko na nagugustuhan ang tingin ng mga kaklase mo at ang pangangantyaw ng mga kaklase ko. I already accepted your apology kanina, that's already enough." sabi ko sa kaniya. Tumango lang siya sa akin at mabagal na kumilos para bumalik sa mga kaklase niya.

Bumuntong hininga ako ng kumalam nanaman ang sikmura ko kaya nagpasya akong kumain muna ulit sa cottage. Hinanap ko si Chinnie at nagpaalam na kakain lang ako saglit kaya napapantastikuhang napatitig siya sa akin at tumango tango nalang. Tinawag niya pa akong timawa kaya nilublob ko mukha niya sa pool. Tumatawa naman siyang umahon at itinaboy na ako.

Umahon muna ako sa pool at naglalad papunta sa cottage. Nagulat pa ako ng sumabay sa akin si Cliff. Nilingon ko siya ng nagtataka kasi akala ko magsi-swimming na siya kasi naka-ready na siya. Naka shower na nga eh.

"Kakain ka ulit?" tanong niya kaya nahihiya akong tumango nalang.

"Ikaw, di ka pa ba magsi-swimming?"

"Mamaya na, may nakalimutan ako sa cottage..."

Hindi ko nalang siya inimik. Hindi ko alam pero nahihiya ako sa kaniya. Pagbalik namin sa cottage ay may halong pagtataka at pang-aasar ang tingin sa amin nila Ma'am Olly pati ng ibang mga parents doon.

"Oh, bakit kayo bumalik? Ikaw Cliff kapupunta mo palang doon, ah?" nagtatakang tanong ni Ma'am.

"Nagugutom po kasi ako ma'am/Nagugutom daw po siya." sabay naming sabi ni Clifford kaya natawa lahat ng tao sa cottage. Nagtataka naman ang tingin ko sa kaniya kasi sabi niya kanina may nakalimutan lang siya dito kaya siya bumalik.

Nagkibit nalang ako ng balikat at hindi na pinatulan lahat ng pang-aasar sa amin. Kumuha nalang ako nung nakita kong carbonara at blueberry cheesecake na dala raw ng mama ni Claire. Limang magulang ang kasama namin rito at si Ma'am Olly. And speaking of ma'am Olly, muli akong napalingon sa kaniya at nanlaki ang mata ko nung makita siyang kasama nung adviser nung special section.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mean To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon