Selene
Feeling ko ako yung gustong hiwain nitong Louie na 'to imbes yung steak. Parang sobrang laki ng kasalanan ko sa damuhong to kung tignan ako ng masama!
Luh, feeling niya siguro gusto ko rin maki-table sa kanila. Hoy crush kita pero 'wag mo akong titignan ng ganyan!
Huwag mo akong tignan na parang gandang ganda ka sakin kasi beke me fall eke.
"Congrats, Selene! What gift do you want?" magiliw na tanong sa akin ni kuya Carlo.
Wow galante naman tong si kuya, may pa-gift pa!
"Halla kuya wala!" yang kapatid mo nalang sana hehehe. Todo iling pa ako kay kuya Carlo kasi nakikita ko sa gilid ng mata ko kung gaano kagigil maghiwa ng karne si Louie! Ano nanamang kasalanan ko?!
"Bro, hindi kailangan ng regalo ni Selene. She's not a materialistic person. Just treat her nicely." kuya Steven said.
Tumango tango lang si kuya Carlo atsaka bumaling sa kapatid niya.
"How 'bout you, Louie? What do you want?" nakangiting tanong ni kuya Carlo kay Louie.
"Home." tinatamad na aniya. Halos mabilaukan ako kasi pigil na pigil kong matawa. Kingina netong lalaking to, ganon nalang ba siya kainis sakin?
Biglang namula si kuya Carlo, nahiya ata sa inasal ni Louie tsaka pabiro nitong kinabog kabog ang likod ng kapatid. Eh, saktong umiinom si Louie ng tubig, ayon tuloy nasamid.
Super pigil ko na talaga tawa ko dito. Feeling ko nga mauutot na ako kasi ayaw ko talagang matawa. Napangisi ako pero agad ring nabura nang balingan ako ng nakamamatay na tingin ni Louie.
Kung yung iba may killer smile, yung sa kaniya killer look! Galet na galet gustong manaket?
Nginitian ko nalang siya ng tuluyan as a sign na nagso-sorry ako for laughing at him pero inismiran niya lang ako at nagulat pa ako ng may maramdamang sumipa sa paa ko sa ilalim ng lamesa.
Napatingin ako doon at napakunoot noo nang makitang paa iyon ni Simang. From now on, I'm gonna call him(Louie) Simang kasi wala na siyang ibang alam kundi sumimangot! Nakakaurat!
Inangat ko ang aking tingin at tinumbasan ang kaniyang masamang titig sa akin. Medyo bumwelo ako at malakas na sinipa rin ang paa niya sanhi na medyo umalog pa ang aming mesa at mapatingin sakin si ate Stacy at kuya Steven.
"What's wrong, Selene?" nakakunot noong tanong sa akin ni ate. Nananantya ang kaniyang titig at tila binabasa ang akjng ekspresyon.
"Oh, nothing ate. Parang may lamok lang na kumagat sa legs ko kanina so I just tried to shoo it using my foot. My apologies po." mala anghel na sabi ko kaya nagsitanguan na sila at bumalim sa pagkain at pagke-kwentuhan.
Dumapong muli ang tingin ko kay Louie at para nanaman siyang papatay. Sobrang pula nang mukha niya at parang gustong gusto na niya akong suntukin. Nginisian ko nalang siya sabay tuck ng buhok ko sa likod ng aking tenga at nagpatuloy sa pagkain.
Ha! Kung ayaw niya sa akin, ayaw ko rin sa kaniya! Sino siya para sipain ako? Kalalaking tao nanininipa 'di naman inaano! Parang gago!
-
Natapos ang dinner namin na pinapatay ako ni Simang sa tingin niya. Mukha ngang napansin din yon ni kuya Carlo kaya nung nagpaalam na hindi na niya pinilit pa yung kapatid niyang epal na magsalita.
Pagdating namin sa bahay ay agad akong nag-shower at ng matapos ay kinuha ang bago kong gitara at cellphone upang tawagan si Chinnie.
Ipapakita ko sa kaniya ang bago kong baby at susubukan ko siyang tugtugan ng gusto niyang kanta. Chinnie is my best friend since kinder and I really love her so much! Siya ang una kong tutugtugan gamit ang aking baby Guitar!
"O ano nanaman yon, Selene?" nayayamot na bungad niya sa akin. I just smiled at her sweetly and gently raised my guitar for her to see it and her eyes immediately widened and shined with so much adoration.
"What song do you want?" mayabang na tanong ko sa kaniya habang naka chin up pa.
" OMG!!! I missed hearing your voice, Se! Can you please play one of Ari's song?" she pleaded with her oh so cute puppy eyes.
Napasimangot ako at tinignan siya ng masama.
"Kingina mo naman, Chinnie. Acoustic lang tong hawak ko at hindi ko gaanong gamay chords ng mga kanta ni Ari! Iba muna, pag-aaralan ko palang yun eh!" naiimbyerna kong sabi.
"Hoy tanga papa-request ka tas pag nag-request hihindian mo! Ikaw na nga lang bahala hmp!" nagtatampong sabi niya.
I just smiled sweetly at her and started strumming whatever song comes into my mind first.
Sa hindi inaasahang—-
"AAAAHHHH! Shuta kang babae ka ang ganda talaga ng boses mo! Intro palang natitibo na ako!!" halos manginig pa siya sa kabilang screen. Napaka oa talaga netong babaeng 'to.
Nginisian ko siya sabay hawi sa aking buhok.
"Thanks, Chi. Bukas nalang kita kakantahan kasi naiimbyerna ako sayo. Nagmo-moment akong kumanta pinutol mo. Wala na tuloy akong gana." kunwaring naiinis kong sabi kahit na may ngiti sa labi.
Hey, don't get me wrong ha. I really love it when she do that, cheer me and praised my voice. Pero kasi nahihiya pa rin ako sa kaniya ih. Hindi kasi ako sanay na pinupiri ako sa pagkanta kasi iilan lang din naman silang nakakaalam na may talent ako dito. Ewan ko pero kahit super duper mag beshy kami nahihiya pa rin akong kumanta sa harap niya. I just tried it now since we were just Video Calling each other lang naman pero I'm super shy pa rin e.
"Haynako, Se. Sakin ka pa ba mahihiya? You have a wonderful voice. Huwag mong itago yan." I smiled at her words. "Pagkakitaan natin. HAHAHAHAHAHA" dagdag niya kaya nawala ang ngiti ko at matalim siyang tinignan. Pinatay ko ang tawag at naiiling na itinabi ang aking mga gamit.
Hayop na babaeng yon, pagkakakitaan pa ako! Hays, it's been a long day, feeling ko drain na drain ako. But I am really happy because kahit papano nakaganti ako sa Louie na yon. Hmp! Hindi ko na siya crush! Ekis na siya sa akin. Parang tanga naman yon laging galit hindi naman inaano!