Selene
Today is our 4th quarterly exam at hindi pa ako nakakapag-review. Magdamag kasi akong nasa social media lang at hinahanap kung may account ba yung si Louie. Super hirap pang maghanap dahil ang alam ko lang naman sa kaniya ay 'Louie' lang. Hindi ko na alam kung may second name pa ba siya or kung ano ba ang apelyido niya. Nahihiya naman akong magtanong kila Roda kasi hindi na nila ako tinigilan ng pang-aasar kahapon. Atsaka, baka mamaya ipagkalat pa nila, eh andaldal pa naman nitong mga 'to, mamaya kapag nasalubong namin eh tuksu-tuksuin ako. Huwag nalang ako magtanong uy!
"Selene..." tawag sa'kin ni Chinnie habang kinakalabit ako. "Pakopya mamaya ha? Hindi ako nakapag-review ih." nangingiwing sabi niya.
"Gaga, hindi rin ako nakapag-review. Hintay nalang tayo, may mga umiikot naman na sagot, hintayin nalang natin." nakangising sabi ko.
So, ganito kasi yan, tuwing may nagaganap na quiz or exam, yung klase namin is nagkakaisa. Sabihin niyo na na madugas or what, pero kasi ang gusto naming lahat eh makapasa kami at lahat kami magmo-move up na may honor. Hindi naman din kaming laging nakaasa sa iba, may rule din kami na hindi ka bibigyan ng answer ng iba kung wala kang maibibigay na kapalit. Give and take kumbaga. Atsaka lahat naman dito may, ehem, may angking talino. Hindi naman kami mapupunta sa first section kung wala kaming utak diba?
"Guys! Male-late daw si ma'am ng 15 minutes kasi may emergency meeting sa faculty. Mag-review nalang daw muna then ayusin yung mga a-applyan niyong special awards." sigaw ni Janine sa harap kaya napahinga kami ni Chinnie ng maluwag.
"Pass your papers." maotoridad na sabi ni ma'am Olly kaya ipinasa na naming lahat ang papel namin sa harap. Mabait si ma'am Olly, super. Sobrang supportive pa siya sa amin kaya super love namin siya. Feeling ko nga alam niya din na nagpapalitan kami ng sagot kaya palabas labas siya ng room eh, parang binibigyan niya kami ng oras para makapag-brainstorming.
Nag-check kami ng mga papel namin at so far, lahat ng scores namin ay matataas at magkakalapit. Parang nabunutan ako ng tinik kasi after this ay, tantararan! Bakasyon na! Kukunin lang namin ang awards namin next week sa recognition ceremony then after that ay pwede na ulit kaming magliwaliw ng walang problema.
"Class, sinong may alam kung saan ang room ng Special section grade 9? Pwede bang pakibigay ito sa adviser nila?" tanong ni ma'am Olly sa klase.
Ipinagpatuloy ko nalang ang pag-aayos ng gamit ko, 'di ko naman kasi alam kung saan yon kaya bakit ako sasagot?
"Ma'am si Selene po alam niya!" sabay na sabi ni Roda at Janine kaya nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanila. What?! Alam nilang alam ko tas ako hindi? Wow. Amazing tangina.
"Ma'am hindi k---" naputol ang sasabihin ko ng bumaling sa'kin si ma'am Olly ng nakangiti at nakalahad na ang mga papel sa akin. Shet, ang ganda ni ma'am, sino ba naman ako para tumanggi?
"Selene? Pwede mo ba ibigay to kay Mrs. Cruz? Salamat, anak." nakangiting sabi ni ma'am Olly kaya hindi na ako nakatanggi. Pumunta ako sa harap at kinuha ang mga papel sa kaniya. Kadaming test papers naman neto e balita ko nasa 30+ lang ang special section.
Lalabas na sana ako ng room ng may pahabol pang sinabi si ma'am Olly.
"Cliff? Pwede mo bang samahan si Selene? Parang nabibigatan kasi siya sa mga hawak nyang papel." sabi ni ma'am Olly kaya naghiyawan ang mga classmates ko. Mabigat naman kasi talaga to, ano bang nakakatuwa ba't sila nag-gaganyan.
Walang imik na tumayo si Cliff at lumapit sakin tsaka kinuha ang halos lahat ng papel na hawak ko. Nahiya pa, 'di pa kinuha lahat. Lol.
Umalis na kami sa room ng walang imik.