Chapter I

17 1 0
                                    


Selene

English month ngayon at may program na ginaganap. Well, bilang nasa first section kami ay kailangang hindi kami nagpapahuli sa mga ganitong contest sa school. Malaki kasi ang expectation samin hindi lang ng mga teachers kundi na rin ng mga kapwa namin students na kasali sa  regular section.

"Hoy Dianne, 'wag ka kakabahan mamaya sa stage ha? Andito lang kaming Excellence para sumuporta sa' yo. Talunin mo silang lahat, huh?! Aja!" sabi ng president namin kay Dianne na gaganap na Snow White.

Disney princesses kasi ang ipoportrait ng mga participants so expected na puro babae ang mga kasali. Since sya kasi ang pinaka maputi samin, sya na ang napili tutal marami din naman syang supporters from other sections and grade levels. Ganda siya e.

Pumunta na si Dianne sa backstage at naiwan kaming mga supporters niya dito sa baba.

"Halla!" biglang sigaw ni Janine.
"bakit?" sabay-sabay naming tanong kaya bahagya kaming natawa.
"Pangkis yung naibigay kong sapatos kay Dianne. Kagago sino nagpalit nung mga sapatos?" nagpapanic na tanong ni Janine.

Napakamot ako sa ulo ko. Anobayan! 'Di man lang nila napansin yon, palibasa mga kabado ampotek. Feeling mga first timers sa contest amp.

"Huwag ka na magpanic. Akina at itatakbo ko sa kaniya." sabi ko sa kaniya.

"O eto." sabay abot ng red na takong. "Pakibilis na lang kasi mag-start na yung program."
"Yang pwesto ko dyan bantayan niyo." sabi ko sabay takbo na papunta sa back stage.

Kailangan kong bilisan baka may sumingit sa pwesto ko----"OUCH!"

Dahil sobrang bilis ng takbo ko at dahil na rin sa malakas na pagkabunggo ko, tumaob ako at---at--at ang gwapo ng nadadaganan ko ngayon. Mahabagin! Bakit may Greek God sa campus?!

Saglit akong napatanga sa mukha niya at bumalik lang ng bahagya niya akong itulak.

"Medyo mabigat ka. Pwede bang tumayo ka na?" sabi niya kaya agad akong tumayo at pinagpagan ang sarili. Ouch ha, 48 kilos lang ako gago!

Tumayo na rin sya at pinulot ang mga dalang trophies. Agad ko ring pinulot ang sapatos na ibibigay ko kay Dianne.

"Sorry, nagmamadali kasi ako. Pasensya na talaga." sabi ko sabay lakad paalis. Gusto ko mang titigan pa ang mukha niya pero kasi mag-uumpisa na ang program kaya kailangan kong makabalik. Grades muna bago landi.

Ngunit agad akong napahinto ng magsalita siya.

"Maibabalik ba ng sorry mo tong trophy na nabasag?"

"h-huh?" kinakabahang tanong ko sabay baling ulit sa direksyon niya.

"Tss. Pumunta ka mamaya dito sa SSG office. Kausapin mo mamaya si ma'am Amy at ipaliwanag mo ang nangyare." sabi niya sabay talikod na sa akin.

Agad akong kinabahan dahil pakiramdam ko papagalitan ako ng bongga mamaya ni ma'am Amy. Aish. Di na dapat ako nagpresinta kanina. Bwisit.

Isinawalang bahala ko na lang yon agad ng tumakbo papunta sa kawawang si Dianne na pangkis ang bwisit na sapatos. Depota. Bahala na kung mapagalitan.







-

"Ano? Okay na ba?" tanong ni Janine pagkakita niya sa akin.

"Oo." nakabusangot kong sabi.

"Eh bat nakasimangot ka?" tanong niya.

"Nasira ko yung isang trophy bwisit. Sino ba nagpalit don sa mga sapatos?! Kung sino ka man nakakabanas ka ah! Huwag mong binabaom katangahan!" nanggagalaiti kong sabi.

Bigla silang natahimik at biglang humagalpak ng tawa.

"HAHAHAHAHAHAHAHA! NAKASIRA KA NANAMAN?!"

"ANO BA KASING NANGYARI?! HAHAHAHAHAHA."

"ANO DAW GAGAWIN SAYO MAMAYA?"

Sa lahat ng mga tanong nila, sa huli ako pinaka kinabahan kaya naman biglang nag-init ang mata ko at pakiramdam ko maiiyak na ako kaya nanahimik na lang ako. Kinakabahan na rin kasi ako.

Yumuko na lang ako at pinakalma ang sarili. Maiiyak na kasi talaga ako. Matapang ako pero, shet! Ibang usapan na pag ganito, hindi ako sanay na mapapunta sa SSG office! Ngayon lang!

"Pumunta daw ako mamaya sa office ng SSG. Kakausapin daw ako ni ma'am Amy. Hays." nanghihinang sabi ko at ibinaling na ang atensyon sa stage.

Sa lahat ng mga bagay na nasira ko dito sa school, ngayon lang ako ipapatawag sa SSG office. Hays. Buti na lang hindi POD. Baka ipatawag pa sila mama pag don. Ipapaliwanag ko na lang ang nangyari.

Pero AAAAAAHHHH! Kilala kasi si ma'am Amy sa isa sa mga pinaka masungit na teacher dito sa school. Kahit maliit lang yung kasalanan mo papagalitan ka niya ng bongga. Hindi naman ako takot mapagalitan, takot lang ako kasi baka ipahiya niya ako mamaya. Kilala din kasi siyang magaling mamahiya. Tsaka uy! Baka magkaron ako ng record dito sa school gagi, madami pa akong pangarap.

"Hoy Selene. 'Wag ka na ngang kabahan dyan. Sasamahan ka nalang namin mamaya sa SSG office. Tutal para naman sa section natin ang ginawa mo, baback-up-an ka namin." pag-aalo niya sakin.

"Guys! Samahan natin mamaya tong si Selene sa SSG. Para sa section natin ang ginawa niya. Kaya kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat! Okay?!" sabi ni Janine.

"Okaaaaay!" sabay-sabay na sabi nila kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.

Nginitian ko na lang sila at bumaling na ulit sa stage dahil nagsisimula na ang programa.

"GO DIANNE! GO 9-EXCELLENCE!" sabay sabay naming sigaw.

Ang gaganda nilaaaa!

So far si Dianne ang pinaka nagsta-stand out dahil sobrang bagay na bagay sa kaniya yung costume niya. Ikaw ba naman sinputi ng labanos eh. At hindi rin maitatanggi ang kagandahan niya. Hindi ako mag-sa-sana all kasi, duh?! Mas maganda ako sa kanya? Charot lang ng mga half.

Pero kinakabahan talaga ako shet! Kinginang trophy kasi yon!

-----

Mean To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon