Chapter IV

6 1 1
                                    

Selene

Recognition day. Last day na sa school, and I'm soooo happy! Makakatulog na rin ako sa wakas kahit anong oras ko gusto after this.

"Oy Selene! Sino kasama mong aakyat sa stage?" tanong sa'kin ni Chinnie. Napansin niya kasi ata na wala pa akong kasamang guardian.

"Si kuya Steven." sagot ko sabay tingin kay tita Criselda at ngiti.

"Huh? Asan sila tito at tita?" nagtatakang tanong niya.

"Nasa business trip kasi sila, gusto nga nilang umuwi agad dito kaso kailangan kasing maisara yung deal na yon. Recognition lang naman 'to di pa moving up." paliwanag ko kay Chinnie. Kinausap na ako nila mama at papa, at naiintindihan ko naman sila. Ngayon lang din naman kasi nangyari yung ganito, hindi naman ako spoiled na anak para magtampo tampo agad. Good girl etu.

"Ahh... Eh, asan si kuya Steven?" nagtataka niyang tanong atsaka luminga linga.

"Sinundo lang saglit sa Clinic si ate Stacy, gusto rin daw kasing manuod eh." sabi ko.

Tatlo kasi kaming magkakapatid, parehong nakatapos na yung dalawa at ako nalang ang nag-aaral. Si kuya Steven na panganay ay isang Engineer at ang pangalawa nasi ate Stacy ay isang Dentista. Hinatid na ako kanina pa ni kuya dito, sinundo niya lang saglit si ate Stacy kasi lalabas daw kaming tatlo after ng ceremony. Regalo daw nila sa akin. Wew.

"Selene!" sigaw ng isang boses kaya napalingon ako. Nakita ko si ate Stacy na kumakaway sa akin habang may camera na nakasabit sa leeg niya. Kinawayan ko siya at nag-mwestra na lumapit na kasi magsisimula na ang program.

Lumapit siya sa akin at agad akong niyakap pagkatapos ay hinalikan sa pisngi.

"Congrats, bunso! You're always making us proud! May regalo sa iyo mamaya si ate." maligayang sabi niya habang hawak ako sa magkabilang pisngi. Nginitian ko siya ng malapad at sinabing umupo na kasi magsisimula na ang program.




"Madrigal, Selene Ayanna." tawag ni ma'am Olly sa pangalan ko sa stage kaya nagmartsa na kami ni ate papunta don. Si kuya Steven dapat ang kasama kong aakyat sa stage at magsasabit ng medals sa akin ang kaso ay nagpumilit si ate na siya nalang kasi super proud daw siya sa akin kaya pinagbigyan nalang ni kuya, hindi na siya nakipagtalo kasi alam naman naming dalawa na kahit kailan ay hindi siya mananalo kay ate. Stacy the boszxcs.

Pagdating namin sa stage ay agad akong nakipag shake hands sa adviser ko na si Ma'am Olly, sa isang head teacher at kay tita Marga na siyang principal. Nakipagbeso pa siya sa amin ni ate at nagsabing makikikain daw siya sa amin mamaya. Tumango nalang ako habang nakangiti atsaka na kami bumaba ni ate.

"And now, from the class of Special Science, Mr. Antonio, Azrael John." tawag ni Mrs. Cruz sa isang pangalan at nakita ko doon yung lalaking nagbukas ng pinto para sa amin non ni Cliff. And speaking of Cliff, okay naman na kami. Buti nalang at hindi dumating kay tita Marga yung nangyari nung nakaraan, kundi, naku! Lagot talaga ako. Atsaka hindi ko rin naman kayang magalit ng matagal sa isang tao, magpapalipas lang ako ng ilang oras habang pinapakalma ang sarili ko then after that eh, okay na ulit ako.

"Forte, Brett Louie." pagtawag sa pangalan na pumukaw sa atensyon ko. So, yun pala yung buong pangalan niya? Tsk. Kaya pala hindi ko mahanap yung account niya sa Facebook and other social medias kasi ang unique ng pangalan niya.

"Is that Carlo?" rinig kong tanong ni ate kay kuya kaya nabaling ang tingin ko sa tabi ni Louie at nalaglag ang panga ko ng makita si kuya Carlo, kuya Steven's bestfriend. "Is that his brother? Pogi, ha." dagdag pa ni ate at mahinang tumawa. Tumango lang si kuya at tumingin na ulit sa harap.

Bumaba na sila Louie sa stage at dadaan sila sito sa side namin. Nasa tabi kasi kami ng daan. Lalagpas na sana sila sa amin ang kaso ay nag-landing ang tingin ni kuya Carlo sa akin at kay kuya Steven na katabi ko kaya huminto sila sa harap namin.

"Pare!" masiglang bati ni kuya Carlo kay kuya Steven kaya tumayo din si kuya at nag bro hug sila. Pfft, para silang babae hehehe. Lumipat ang tingin sa'min ni kuya Carlo at kumaway. Magsasalita na sana siya ang kaso ay kinalabit siya ni Louie na parang naiirita na ang itsura.

"Kuya, nakaharang tayo sa daan." malamig na sabi ni Louie kaya agad na nagpaalam sa'min si kuya Carlo at nagpunta na sila sa upuan nila. Lumingon ako sa kanila at sinundan sila ng tingin hanggang sa makabalik sila sa proper seat nila. Pagkaupo nila ay agad napatingin sa akin si kuya Carlo kaya kumaway uli siya at ngumiti kaya tumingin din dito si Louie. Kakaway na sana ako ang kaso ay inisnaban niya ako kaya binaba ko nalang ang kamay ko. Heck, galit pa rin ba siya sa akin? Tibay ah.



After ng recognition ay dumiretso kami nila ate sa mall dahil bibili daw siya ng regalo niya sa akin at kailangan niya ako para makapili daw ako ng gusto ko. Agad kaming dumiretso sa Rudy's, isang guitar shop kaya agad na nanlaki ang mga mata ko at nakangangang nilingon si ate at kuya. Excited akong napapadyak at nahampas ko pa si kuya Steven bago nangungunang pumasok sa loob.

"Gosh! Are you serious, ate? Hindi ba 'to joke?" nagniningning ang mga matang tanong ko kay ate habang hinihimas ang bawat gitarang nadaraanan ko.

"Yes, bunso. Pili ka na kung anong gusto mo, ate will pay for it." nakangiting sabi ni ate ng lingunin ko siya kaya agad agad akong kumilos para maghanap ng kulay ng guitar na gusto ko.

Napadpad ang tingin ko sa isang wooden acoustic guitar. Sobrang simple lang niya pero nakuha niya ang atensyon ko. Lumapit ako doon at binuhat ito. Triny ko mag-strum at napangiti ako ng marinig ko ang tunog na mula doon.

"I like this, ate." nakangiting sabi ko kay ate at nagpatuloy sa pag-strum sa gitara.

"Ma'am, kung gusto niyo po ay pwede ko pong i-carve ang pangalan niyo dyan sa may gitara. Ituro niyo lang po kung saan banda at ano ang ilalagay ko." sabi nung bantay ng shop kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko.

Tinignan ko ang gitara at tinignan kung saan banda ko pwede ipalagay ang pangalan ko.

"Kuya dito nalang po sa tabi ng sound hole, and I want you to carve my name." sabi ko habang inaabot sa kaniya ang gitara atsaka kumuha ng papel para isulat ang pangalan ko doon.

'Selene'

"Is it okay kuya if you put on a heart beside my name?" nakangiting tanong ko at ngumiti lang siya at tumango kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko. Feeling ko ay mapupunit na ang labi ko.



Nagpaalam kami saglit don sa Rudy's at sinabing babalikan nalang namin mamaya ang gitara pagtapos naming kumain.



Pumasok kami sa isang restaurant at naghahanap na ng mauupuan ng may tumawag kay kuya.

"Steven! Bro! Here!" tawag ng isang boses kaya inilibot ko ang tingin ko sa loob at nakita ko si kuya Carlo na kumakaway kay kuya. Napatingin ako sa harap niya at halos mapaatras ako ng makita ko si Louie na masamang masama ang tingin sa akin. Aalma na sana ako kila kuya na humanap nalang kami ng ibang table ang kaso ay huli na ang lahat, lumapit na siya kay kuya Carlo at lumipat sila sa 5 seater table. Wala na akong choice kundi ang kumamot nalang sa batok ko at lumapit na rin sa kanila.

Ano ba namang klaseng coincidence 'to!

Mean To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon