Chapter 41: 𝐖𝐡𝐚𝐭 𝐬𝐡𝐨𝐮𝐥𝐝 𝐈 𝐝𝐨?

972 40 31
                                    

Ashiya's Pov,

Flashback

hindi ko inaasahan na makikita ko ang hari ng mga bakulaw sa loob ng sasakyan ni Xeon my loves.

Yung tipong ang saya ko dahil natupad na yung pinapantasya ko tapos makikita ko pa siya.

Ganun talaga eh no? yung ayaw mo makita nagpapakita ng hindi mo inaasahan.

At akala niya siguro nasaktan ako sa sinabi niya kay Xeon.

Noway high way! sa ganda kong to? hindi magugustuhan ng isang Xeon Aldrich Veneno? wow ah taas ng confidence ashiya.

Anyway wag na natin balikan ang nakakawalang ganang pangyayari. Importante masaya ko yieeee!

Oo masaya ako kahit na hindi ko katabi si Xeon at inunahan ako ng kaibigan niyang timawa/bakulaw.

Hinatid na muna namin si bakulaw bago daw kami mag date ni Xeon my loves ehe! choss lang yun hmp!

Habang nasa byahe naguusap kami ni Xeon panay sulyap sakin at sa kalsada at ang nakakainis nakatitig ang bakulaw sa front mirror na nakatapat sa mukha ko.

Nang nagtama ang mga mata namin inirapan at umiwas siya agad. attitude ka boy Hahaha.

At sa ilang oras na katahimikan na bumabalot sa loob ng kotse napag desisyonan ni Xeon magpatugtug ng musika.

At sa hindi ko inaakala na yung kantang gusto ko yung maririnig ko at mukhang gusto rin ni Xeon and kantang "Crush". destiny ata kami enebe.

Habang nasa pantasya ako dahil sa titig ni Xeon. Naudlot yun ng magsalita si bakulaw at niliko yung sasakyan.

Doon lang ako nagising sa realidad na muntik na pala kaming mabangga. Galit na galit si bakulaw dahil sa nangyari. Kahit naman siguro sino pero pakiramdam ko kasalanan ko (・_・;)

Hindi naman nagtagal yung bangayan nila kaya nagpatuloy sa pagmamaneho si Xeon.

 𝕿𝖊𝖆𝖗𝖘 𝕺𝖋 𝕭𝖑𝖔𝖔𝖉: 𝐀 𝐖𝐚𝐫 𝐖𝐢𝐭𝐡𝐢𝐧 𝐋𝐨𝐯𝐞 [𝐁𝐨𝐨𝐤¹]Where stories live. Discover now