𝗖𝗛. 𝗩𝗜𝗜: 𝐀𝐧 𝐢𝐧𝐬𝐩𝐢𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐲

1.3K 233 29
                                    

Ashiya's Pov,

Natapos ang buong araw ko sa pakikinig sa mga discussions ng mga prof. namin "haaymaygaaadd", pagkapasok ko nasa bahay agad na ako nagpalit dahil wala naman na ako gagawin at 6:40 pm na kami nakauwi ni kuya naisipan ko muna magbasa dahil mamayang 8pm pa kami mag-di'dinner.

Sabay-sabay kase kumakain kaya 8pm o 9pm kami nag-di'dinner dahil inaantay namin si papa. Pagkatapos ko magpalit kinuha ko cellphone ko at nag-online sa facebook.

Minutes later, naka log-in na ako hindi ko na tinignan yung mga nag add, friend-request at notifications, nag scroll-down nalang ako sa newsfeed ko at may na'spotan akong maganda sa paningin na na curious ako, pinindot ko na yung post at nag-simula na ako magbasa:

Papunta ako sa isang public school noon. Dahil sa pagiging kikay ko ay medyo marami akong friends. Writing ang hilig ko, hindi nga lang halata.
Fourth year high school noong nakilala ko ang lalaking nagpatibok ng aking puso.
First day of school. Kahit kilala ko na ang mga magiging classmates ko, ewan ko ba kung bakit kinabahan ako.

Nang makapasok ako sa aming classroom. May hindi pamilyar na mukha ang aking nakita. May bago kaming kaklase. Hindi ko maitanggi, ang cute niya. Parang ang bait-bait. Mukhang una pa lang ay tinamaan na ako.

Pinagpakilala siya sa amin ni Ms. Villanueva, ang aming guro. Pagtayo pa lang niya ay nakakakilig na. Ano pa kaya kapag nagsalita at ngumiti siya? Nailapag ko ang aking siko sa may desk table at ang palad sa ilalim ng aking baba, habang nakatitig sa kaniya.

"A pleasant morning to all of you. Actually, I cannot say anything about myself for now, only my name Carlo Chu, I hope you understand, thank you."

Dahil ang suspense ng sinabi niya, lalo tuloy akong naging interesado.
Sa labis na pagkakatitig sa kaniya ay nawala na ako sa aking sarili. Para akong nasa ulap. Mayamaya'y siniko ako ng katabi kong si Grace, isa sa aking mga kaibigan.

Hindi ko napansin na nakaupo na si Crush.
Noong recess time, sinubukan kong humanap ng paraan, upang makalapit sa kaniya. Marami akong naisip, kaya lang baka makahalata siya. Ewan ko ba, kung bakit masiyadong atat si kupido, hindi man lang pinaabot ng second day of class.
Gustong-gusto ko na siyang lapitan, lalo na't nag-iisa lang siya sa table, nakakaawa naman.

Pagkatapos ng ilang minuto ay bigla siyang tumayo, upang pumila sa tinadahan ng chocolate shake. Iyon na ang pagkakataon ko para lapitan siya. Na-excite ako. Nang malapit na ako sa kaniya ay biglang lumipat ang isa kong schoolmate na nasa linya ng mango shake. Siguro ay natagalan sa pagkakahanay.

Nasayang ang pagkakataon. Ngunit malakas akong babae, nagpaka-positive ako. Isang tao lang naman ang nasa pagitan naming dalawa. Sigurado, next time makakatabi ko na siya.

Noong second day of class. Iaayos daw kami ni Ms. Villanueva ng seats. Para naman kaming, elementary, nakakatawa. Kailangan pang ipili nang makakatabi sa upuan. Habang lihim na natatawa ay biglang may sumagi sa aking isipan.

"Pagkakataon ko na naman ito. Kailangan ko nang mag-rosary, baka sakaling pagtabihin kaming dalawa."

"Class, dahil mga dalaga at binata na kayo. Kailangan ang pagkakahati ng seats n'yo ay base sa kung ano ang gender n'yo,"
pagpapaliwanag ni Ms. Villanueva.

 𝕿𝖊𝖆𝖗𝖘 𝕺𝖋 𝕭𝖑𝖔𝖔𝖉: 𝐀 𝐖𝐚𝐫 𝐖𝐢𝐭𝐡𝐢𝐧 𝐋𝐨𝐯𝐞 [𝐁𝐨𝐨𝐤¹]Where stories live. Discover now