𝗖𝗛. 𝗩𝗜𝗜𝗜: 𝐀𝐧 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐢𝐫𝐢𝐧𝐠 𝑳𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐭𝐨𝐫𝐲 (𝐏𝐚𝐫𝐭 𝟐)

1.4K 226 21
                                    

Cailey POV,

"Ano ba Cailey, ganun-ganon na lang yon? Sa loob ng apat na taon, tatalikuran mo yung relasyon na meron tayo? Kingina naman Cailey! Mahal kita! Mahal na mahal kita. Tapos aalis ka? Iiwan mo ko? Papatayin mo ba ko ha? Bakit? May nagawa ba kong mali sayo? Ano? Sabihin mo naman! Hindi yung ganitong mukha akong tanga na naghihintay ng sagot kung bakit kailangan mong tuldukan yung relasyon na meron tayo! "

"Wala ka ba talagang sasabihin? Magsalita ka naman oh! Bakit ba kailangan mong gawin to? Wag ka namang bumitaw oh. Wag mo namang sayangin yung apat na taon na pinagsamahan natin. Parang awa mo na Cailey! Hindi ko kaya! Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. Please. Wag kang bumitaw. Mahal na mahal kita."

"Umalis ka na Gab"

"Umalis? Hindi ako aalis dito hangga't hindi malinaw sakin kung bakit mo ginagawa to! Cailey!Para mo na din akong pinapatay! "

"Umalis ka na sabi!"

"Ayoko!!!! Hindi ako aalis dito hangga't di mo sinasabi sakin kung bakit ganun na lang kadali para sayo na iwan ako. Hindi ako aalis dito hangga't---"

"HINDI NA KITA MAHAL!! MAY IBA NA KONG MAHAL! AYOKO NA SAYO! HINDI NA KITA MAHAL! KAYA UMALIS KA NA!!"

"Hindi totoo yan Cai! Mahal mo ko! Nagbibiro ka lang naman di ba? Mahal mo ko!!!"

"Hindi to biro Gab! Sorry pero di na kita mahal! Umalis ka na! Umalis ka na dahil hindi na kita kailangan sa buhay ko. Iba na ang mahal ko. HINDI NA IKAW ! KAYA UMALIS KA NA!!! "

Umiiyak na sigaw ko at mabigat sa loob na isinara ang gate ng bahay namin.
Masakit iwan at bitawan ang lalaking mahal na mahal mo. Masakit piliing palayain ang lalaking minahal mo ng sobra dahil alam mong yun ang mas makabubuti para sa kanya.

Masakit ipagtabuyan at paalisin sa buhay mo yung lalaking walang ibang ginawa kundi ang ipaglaban ang relasyon niyo. At ang pinakamasakit sa lahat ,yung makitang umiiyak yung lalaking mahal mo na walang ibang ginawa kundi ang pasayahin ka at buuin ang araw mo. Wala na. Wala na ang lahat.

Napakalakas ng ulan sa mga sandaling ito. Pero mas pinili kong manatili sa lugar na kinatatayuan ko kahit pa basang-basa na ko. Naririnig ko pa din yung sigaw niya. Yung pagkalampag niya sa gate at pagpupumilit na buksan ko iyon. Yung bawat paghikbi niya na sobrang kumukurot sa puso ko.

Yung pagsigaw niya ng mahal na mahal kita na dumudurog ng lubusan sa damdamin ko. Bakit? Bakit nga ba kailangang mapunta tayo sa ganito? Bakit pareho tayong nasasaktan ng ganito? Bakit ang unfair satin ng mundo? Mahal na mahal din kita Gab.

Pero mas mabuti na nga sigurong mawala ako sa mundong to na tapos na kung anong meron tayo, kesa mawala ako sa mundong to na ako pa din yung nasa puso mo. Iiwan kita ,hindi dahil sa hindi na kita mahal. Iiwan kita dahil gusto ko, bago ako mawala , may ibang tao na magmamahal sayo gaya ng pagmamahal ko.

Gusto ko na may ibang tao na magpapasaya sayo at makakasama mo ng matagal na hindi ko magagawa sayo. Hindi ako magtatagal sa piling mo kaya hindi ako ang karapat-dapat para sayo. Im sorry Gab. Im sorry...

Napaluhod at napatingala sa langit habang nagpapatakan ang ulan kasabay ng pagpatak ng luha ko.
Hanggang sa maramdaman ko na lang ang bisig na nakayakap sakin. Si mama..

"Anak. Pumasok ka na sa loob. Tahan na. Tara na. Umalis na sya. " umiiyak na tonong sabi niya.

"Mama." para kong bata na umiiyak sa balikat ng isang ina. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Para kong iniwan ng mundo , kahit ako yung nangiwan sa lalaking naging mundo ko.

 𝕿𝖊𝖆𝖗𝖘 𝕺𝖋 𝕭𝖑𝖔𝖔𝖉: 𝐀 𝐖𝐚𝐫 𝐖𝐢𝐭𝐡𝐢𝐧 𝐋𝐨𝐯𝐞 [𝐁𝐨𝐨𝐤¹]Where stories live. Discover now