Soren Pietrro's Pov,
Flashback
Paalis na kami ngayon sa arena ng mga barkada ko ng biglang dumating nanaman ang grupo nila Roswell.
Maglalakad na sana ako patungo sa sasakyan ko ng may isa sa kasamahan ni Roswell ang binato ang kotse ni ko.
Hindi ko na ito pinansin ngunit binato niya uli yung sasakyan ko kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at hinabol ko ang gago nayun.
Sa isang oras na habulan ay nahabol ko siya. Laking gulat ko ng matanggal ko ang mask ng lalaking bumato ng sasakyan.
Walang iba kundi Shaun!
"Ano bang kagaguhan mo at sumali ka sa grupo nila Roswell" mahinahong ani ko.
Inalis niya kamay niya sa pagkakakwelo ko sa kanya.
"Hahaha sumali? sila ang sumali sa akin kuya!" matigas na magkakasabi niya.
Walang ano ano ay sinapak ko siya dahilan ng pagputok ng labi niya.
Tinignan niya ako ng masama at binawian ako ng suntok sa mukha.
Nagsuntukan kami ng ilang minuto at lumayo siya sa akin.
"Kasalanan mo ito lahat kuya!" galit na ani ni Shaun.
"Ano bang pinagsasabi mo bakit ka nagkakaganyan" galit naring ani ni ko.
"Ikaw ang bahalang umalam at bago mo pa maintindihan yun isa sa kaibigan mo mawawalan ng tiwala sayo! at kilala mo kung sino ang tinutukoy ko Kuya" nakangising ani naman niya ngayon.
"Kung ano man sinabi sayo nila papa wag lang maniniwala" inis na ani ko.
"Bakit kuya sigurado kabang wala kang alam tungkol sa pamilya ni Lance?" natatawang ani niya.
"Kung may alam man ako wala ka na dun" seryosong ani ko.
End of Flashback
Dahil halfday napag-usapan naming magkita kita sa Dance Studio.
Hindi dahil may practice kami sa sayaw kundi dahil napag-isip isip namin na mag celebrate o magspend ng simpleng bonding time hindi bilang magbabarkada kundi parang magkakapatid after all the stressful days like sa school, relationship and sa battle na naganap 3weeks from now.
Nakatanggap ako ng sunod sunod na text mula kay Jaques, Maverick, Vash And Kalix na mauuna na sila sa Dance Studio.
Ni-replayan ko ang isa sa kanila na mahuhuli at susunod nalang.
Ilang oras ang nakalipas nagpasiya na akong tumungo sa Dance Studio habang naglalakad nakarinig ako ng group ng lalaki na nagtatawanan na parang may pinagtritripan lalagpasan ko na sana at dededmahin ang grupo ng mga kalalakihang ito ngunit may narinig akong bigla umiyak at halos mag magkaawa at pamilyar ang boses na aking narinig.
At agad ko itong pinagtaka at ako'y napahinto ng ilang minuto kung tama nga ba ang pamilyar na boses na aking narinig.
At sa aking hindi inaasahang pagdududa ako'y nagulat, nanggigil at nanlaki ang aking mga mata ng marinig ko ang eksaktong boses ng bunso kong kapatid na si Eliza.
YOU ARE READING
𝕿𝖊𝖆𝖗𝖘 𝕺𝖋 𝕭𝖑𝖔𝖔𝖉: 𝐀 𝐖𝐚𝐫 𝐖𝐢𝐭𝐡𝐢𝐧 𝐋𝐨𝐯𝐞 [𝐁𝐨𝐨𝐤¹]
General FictionThis is a mixed genre, a story of a man whos unexpected mystery and a very long and intense deep secret that will come when he will encounter a family of noble high profiled clans. Whom will be able to change his life and meet a woman he will love a...