Kabanata 38

354 33 26
                                    

Words in my poems


Happy reading 🥛


"Are you sure hindi mo na ako isasama?" Si Sunny na nakanguso ngayon sa harapan ko habang hinahawakan ang kamay ko.


Mahina akong tumawa. Sinabi ko kasi sa kanya kahapon na baka sa bahay namin sa Aklan muna kami ng mga ilang araw.


"Sunny, kailangan kong asikasuhin ang bahay namin doon. Isa pa, gusto ko ring mabisita na sila mama. Don't worry, hindi kami lalagpas ng limang araw doon." I explained.


"Okay fine. But if —"


"Sunny, magiging maayos kami ng anak ko. 'Wag mo na kami idagdag pa sa mga iniisip mo. I know you're tired. Mauna na kami at baka gabihin pa kami sa biyahe. Please tell Treyden okay." Pahabol ko bago pumasok sa loob ng sasakyan.


Nakangiti namang kumaway si Sunny bago ko paandarin palayo ang sasakyan.
Nasa tabi ko naman si Archer na hawak-hawak ang biniling iron man robot sa arcade.


"Mommy, where are... are we going po?" My son asked while staring at me drive the car.


I smile without removing my gaze on the road. "My hometown. We're going to visit my family there."


"Is papa also there?"


Nawala ang ngiti sa labi ko matapos marinig ang tanong ng anak ko.


"Archer anak are you hungry? Open that bag in front of you there's food inside, eat first."


"Yes mommy." Archer answer before opening the bag in front of him.


Hindi ko na kakayanin pa at baka masabi ko na sa kanya sa susunod ang totoo. Hindi ko lang ipinaliwanag nang maaga sa kanya dahil alam kong bata pa ito, pero ngayong araw-araw niyang hinahanap ang Ama, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.


Like I can't process, but I'm living just fine. I just want to live my life like it's my own business. Pumunta kami ng Japan para kahit papaano makalayo ako sa mga bagay at tao na nagparamdam sa akin ng kahinaan ko.


Sinubukan ko silang takasan sa pagbabakasakaling maililigtas ko ang sarili ko sa pagkakalunod. Pero kahit anong layo ko sa kanila, kahit kailan ay hindi ko magagawang takasan ang sakit.


"We're here baby. Stay there first okay." Nakangiti kong sabi na walang ibang ginawa kung hindi ang kumain.


Ibinaba ko naman ang dalawang bag namin bago ko alisin ang seatbelt niya at punasan ang gilid ng labi nito bago siya buhatin palabas.


"Magandang umaga Martina. Maligayang pagbabalik." Si Tatay Nestor na nakatingin ngayon kay Archer.


Tatay Nestor!


Mabilis akong lumapit sa kanya. Mahigpit kong itong yinakap, nang humiwalay ako sa kanya, nakita ko ang mabilis niyang pagpunas sa luha niya.


"S-siya na po ba?" Nakangiting tanong ni Tatay habang nakatingin sa anak ko na seryoso lang din ang tingin sa kanya.


Hindi pa alam ni Tatay Nestor na nagkaroon ako ng anak sa lalaking 'yun, but knowing Tatay Nestor. Ilang taon ko siya nakasama at sigurado akong pansin niya na nagkaroon kami ng relasyon dati ni Iñigo.


I don't even need to explain to him, because by just staring at Archer is enough.


Sa unang tingin sa anak ko, hindi maipagkakaila ang dugo ng pagiging Dela Silva niya. Tsaka mo lang mapapansin ang pagkakaparehas namin kapag tititigan.


Fourth of July (Classic Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon