Kabanata 27

363 35 54
                                    

Separation Between Us


Happy reading 🥛


Martina's POV


Huminga ako nang malalim bago bitawan ang piano.


Mariin akong napapikit. "Anong katangahan ba ang naisip mo Martina? Bakit mo ginawa 'yun?" Bulong ko sa sarili ko habang mahinang sinasampal ang pisngi.


Muli ko na namang naalala ang ginawa ko kay Iñigo kanina. Nakakahiya. Kung pwede lang lumipad para makauwi na lang kanina ko pa siguro ginawa.


Kung nandito lang si Sunny at nakita niya ang ginawa ko kanina, paniguradong maghapon na sermon ang aabutin ko.


Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko dahil sa biglaang pagtunog ng cellphone ko.


"Hel-"


"Kumusta ang one piece?" Mabilis nitong pagpuputol.


One piece?


"S-Sunny what are you talking about?" Nadagdagan ang hiya na nabubuo sa akin dahil sa tanong niya.


"Nauutal ka because? Pft, umamin ka na lang. Hindi ka man lang nagsabi na mapapaaga pala honeymoon ninyo ni best friend." Malakas niyang tawa.


I shake my head. "Hindi 'to honeymoon. Niyaya niya lang ako kasi uuwi na siya sa katapusan."


"Ahh, okay. Sulitin mo 'yan. Lakihan ang nganga-"


"Sunny stop, ang bastos mo-"


"Since birth."


"Okay enough, ibaba ko na-"


"Okay, bye."


I sigh.


What a pain.


Paano na ako ngayon?


Paano ko na haharapin si Iñigo niyan?


"Nakakainis naman bakit kasi ngayon pa." Bulong ko.


"You look annoyed. Are you okay?"
Mabilis kong nilingon ang pinanggalingan ng boses. Then I saw Iñigo leaning on the door while staring at me with his both hands inside his pocket.


"Uhm, nothing. I'm fine."


Tipid itong ngumiti. "Good to know. By the way are you free tonight?"


Malamang. Mukha ba akong abala pa sa lagay na 'to? Kaya nga ako sumama sa kanya kasi ang dami kong oras na pwedeng sayangin.


"Bakit?" Kunot-noo kong tanong. I chuckled. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang itanong ang bagay na iyan. Iyon nga ang ipinunta namin dito.


"Are you free tonight?" Pag-uulit nito sa tanong.


"Yeah. Why?"


He smirked. "You'll see it later." Kindat nito bago ito maglakad papalayo.


Ano naman kaya ang binabalak niya ngayon? Napailing na lang ako bago lumabas papuntang sala.


Iñigo's not around.


Wala ni isang tao sa paligid. Siguro kami lang talagang dalawa ang nandito ngayon.


Mabilis na nanlaki ang mata ko sa biglang naalala ang sinabi ni Sunny kanina.


Fourth of July (Classic Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon