Kabanata 41

364 28 30
                                    

Marriage?


Happy reading 🥛


"Ayos na ba ang lahat?" Tanong sa akin ni Iñigo, nasa loob na kami ng sasakyan niya.


Nasa tabi ako ni Iñigo habang nasa likod naman si Archer na umiinom ng gatas ngayon.


"Yeah." Sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya.


"Are you ready, son?" Tingin ni Iñigo kay Archer.


Itinaas naman ni Archer ang dalawa niyang kamay. "Yesh."


"Yesh." I heard him whispered with a smile.


Ngumiti rin ito sa akin na hindi ko lang pinansin bago paandarin ang sasakyan. Mabagal lang ang pagmamaneho nito. Minsan ay napapansin ko siyang tinitingnan si Archer sa salamin tapos ngingiti.


Nagulat ako ng biglang maramdaman ang kamay ni Iñigo sa kamay ko. His hand is on my hand while driving.


I cleared my throat. Hindi ganoon kahigpit ang hawak niya sa akin pero hindi ko inalis ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.


"Are you hungry?" Mahinang tanong ni Iñigo sapat para marinig ko.


I know he's asking me.


"No." Tipid kong tanong bago tumingin sa labas. Nahihiya pa rin ako dahil sa nangyari kanina.


Sobrang nakakahiya talaga.


Tahimik ang naging biyahe namin hanggang sa makarating na kami sa malapit na park.


Archer loves park so much.


May arcade rin dito kaya rito na lang kami pumunta. Karga-karga ni Iñigo si Archer habang bumibili naman ako ng tokens. Gusto muna kasing maglaro ni Archer bago kumain.


Nagulat pa ako dahil sa mga babaeng biglang nagsipuntahan kung nasaan banda sila Archer para lang panoorin sila habang naglalaro. Minsan ay tumitili pa sila tuwing nakaka shoot si Iñigo ng bola.


"Papa, look I want that." Turo ni Archer sa iron man na sobrang laki.


Nanliit ang mata ko, masyadong maraming tinuturo si Archer ngayon, ibang-iba nung ako ang kasama niya na sapat na sa kanya kung ano iyong bilhin ko. Ngayon, palagi siyang nagtuturo sa ama niya.


Mahina akong natawa.


"Ay papa raw. May asawa na pala." Rinig kong sabi nung isang babae.


I sighed before walking towards Iñigo and Archer, pinunasan ko ang noo ni Archer na naging dahilan ng pagsinghap ng mga babae sa likod.


My body shivers when Iñigo lean and whisper something. "I know you're just doing this to make them jealous—"


"I'm doing this for Archer, shut up."


I heard him chuckled.


"Pagkatapos niyo, puntahan niyo lang ako." Turo ko sa pakainan, "Bibili lang ako ng pagkain." Hindi ako makatingin kay Iñigo habang sinasabi 'yun.


Hindi ko na hinintay pa ang isasagot niya at mabilis na tumakbo papasok sa ice cream parlor. Hindi ko rin alam kung bakit ako nandito.


"Hi ma'am, what is your order?" Tanong sa akin ni ate na nagbabantay sa counter.


"Three vanilla ice cream, 'yong dalawa large and 'yong isa small. Also, hawaiian pizza." Turo ko sa pizza na nasa menu nila.


Matapos matanggap ang number, tipid kong nginitian si ate at tahimik na umupo sa pang-tatluhang upuan.


Dahil salamin ang harang nila, kitang-kita ko si Iñigo na sobrang daming dalang paper bag.


I cleared my throat when they get inside.


"Hi mama." Karga-karga ni Inigo si Archer na dahan-dahan nitong inilapag sa tabi ko bago umupo sa tapat ko.


"Papa, bought me a lot... of t-toys." Hirap nitong sabi sa akin.


Ginulo ni Iñigo ang buhok ni Archer. "It's because you're a good boy."


Maya-maya pa, dumating na ang order namin.


"May idadagdag pa po kayo?" Namumulang tanong ni ate kay Iñigo.


"Wala na." Ngiti ko. Tumango ito at mabilis na umalis.


Iñigo wet his lips while smirking.


"Baby you're tired, so after this uuwi na tayo okay? Nakatanggap din ako ng text galing kay Tomie na hinahap daw ako sa kompanya. So, maybe tomorrow uuwi na tayo sa condo." I explained.


"B-But mama, we're a fam... family now. Papa should stay with us."


Mabilis akong tumingin kay Iñigo na nakangiti ngayon.


"Our son's right. I should stay with you. You're living in a condo, just the two of you, so, I think it's time for us to live in our own house. What do you think?" Tanong sa akin ni Iñigo.


"Bukod sa mansion, wala akong ibang bahay pa—"


"Meron ako. I have a house. And it will be enough for the three of us."


I know.


I fake my laugh. "Wow, kasal tayo?" Tapik ko sa braso nito.


"Then I'll marry you. Be my wife and live with me." This time, seryoso na si Iñigo.


Hindi ko naman alam ang sasabihin ko, is he serious or what?


"What do you mean?" Mahina kong tawa.


"Uuwi tayo bukas, I'll go with you."


I gasped. "W-what?"


"I want to marry you." He whispered.


"If this is the only way to make you and Archer mine, then I will risk everything. Because I love you, Martina. I loved you in the past, I will love you from this moment, and I will keep on loving you and Archer." Hinawakan nito ang kamay ko.


Tumingin naman ako kay Archer na kinakain na rin ang ice cream ko. Halatang walang naiintindihan sa mga nangyayari.


I bit my lips real hard because of embarrassment.


Hindi ko na lang siya pinansin at tahimik na kumain.


Marriage? With Iñigo?

Fourth of July (Classic Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon