Kabanata 32

328 30 28
                                    

Family


Happy reading 🥛


It's been a week since I lost my family. A lot of people shed their tears with me during the funeral.


Kasabay ng pagpatak ng mga luha ay ang malakas na pagbagsak ng ulan.


Isang linggo na rin umuulan.


It's getting colder and colder each passing day. I hug myself with this soft comforter that my mom made for me when I was like 10 years old.


"Martina, kumain ka na." Si Sunny na kakapasok lang sa kwarto ko dala-dala ang mga pagkain.


"Wala akong gana Sunny, iwan mo muna ako—"


"Hindi ako aalis dito Martina. Ilang araw mo na kaming hindi kinakausap. Simula nung umuwi tayo mula sa ospital ganyan na ang kinikilos mo—"


"Sunny please, not now. Y-you don't understand." Pagpuputol ko sa kanya.


"Ano sa tingin mo ang nararamdaman namin ngayon? Do you think we're happy? No, Martina. Mahal ko ang mga magulang mo kahit hindi sila ang nagpalaki sa akin. I also lost my parents before. I know that feeling, nasasaktan din ako."


Tears start rolling on my cheeks again. God, please I'm so tired of crying.


Dahan-dahang umupo sa tabi ko si Sunny. "Please be strong Martina—"


"You know what hurts me the most?" I fake my smile before looking at Sunny's eyes.


"Iyong kinuha sila sa akin nang sabay-sabay. O-one day Sunny. O-one day. I lost everything, in just one day. N-namatay si lola at naaksidente naman sina mama at papa."


"And there I thought, I still had Iñigo with me. Funny how I believed him. He just used me."


Sunny start crying. "G-go ahead. Just let it out Martina. I will listen."


Sa unang pagkakataon, ngayon ko na lang ulit naramdaman na may nagmamalasakit pa pala sa akin.


"I can't explain the feelings inside me Sunny. I want to cry that day but instead of crying, I stand strong. Kasi alam kong walang kakapitan ang mga magulang ko pag pati ako magpapakita ng kahinaan. P-pero, masyadong mabilis ang mga pangyayari para sa akin eh." Muli kong pinunasan ang sunod-sunod na luhang tumutulo sa pisngi ko.


"Nasaktan si papa kaya siya nagpadalos-dalos. A-alam mo bang, sobrang galit ako kay papa nung araw na 'yun. K-kasi bakit hindi nila ako inisip. N-nasaktan din naman ako eh. Bakit sila sumunod agad? H-hindi nila ako inisip—"


"I know your mom and dad love you—"


"But why? Sunny if they love me, then why? Bakit nag-iisa na lang ako ngayon? H-hindi ko kaya Sunny, hindi ko kayang mag-isa. Natatakot akong mag-isa. I lost them all. I lost Iñigo too." Nahihirapan kong sagot.


Sunny hugged me. "Anong plano mo kay Iñigo? Do you want me to call him?"


Mabilis akong humiwalay sa pagkakayakap kay Sunny at seryosong tiningnan ang mata nito.


"I already did. Please 'wag na. Oo masakit na pati siya nawala rin sa akin, pero ayokong guluhin ang buhay niya—"


"But you're pregnant Martina. Honestly, I really hate that man right now and I don't think I want to hear a word from him, but we both know that he's the father." Sunny spoke.


Fourth of July (Classic Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon