Ian's POV
Hindi ko alam kung bakit hinalikan ako ni shana. At bakit niya yun ginawa? ano yun trip trip lang ba?! pambihira para akong bakla nito oh! Pagkatapos num walang nagsalita samin kahit isang tingin wala. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin ko sht nakakatorpe ito tsk.
Sige magsasalita nalang ako, ano ba kasi ang sasabihin ko sakanya ah kung masarap ba ang chocolates ay tae hindi pa pala niya kinakain. kung okay lang siya? ay tanga mo naman hindi siya okay tsk. alam ko na!
"Shana ang gwapo ko!!"
"And?"
"ito naman oh! napakasuplada naman ng bestfriend ko"
lumapit ako sakanya at timabihan kahit nakakahiya ginagawa ko na para bumalik na ang dating pagtingin niya sakin. kinuha ko ulit yun braso niya at yinakap eh wala ganon ang gusto ko!
"Ano ba ian!! Ang baho mo!!"
"Oh?! Mabango ako!! Konti na nga lang ipaligo ko yun cologne na ginagamit ko!! tapos ang sasabihin mo sakin mabaho ako?!"
tumingin ako kay shana ng nakakaloko hahahahahaha
"Shanaaaaa! naglilihi kaba?! --aray kooo!!"
"Tae virgin pa ako!! hindi ako buntis!!"
"eto naman shana nagbibiro lang naman ako"
pulang pula na siyang masyado dahil sa sinabi ko. nagbibiro lang nama ako hindi ko alam na napakadefensive niya sa mgabagay na ganun hindi naman siya ganyan dati.
sana bumalik na siya sa dati namimiss ko na ang dating shana. sana maalala niya na ang lahat.
umalis ako sa kinauupuan ko napagdesisyon ko na lutuan nalang si shana alam kong nagugutom lang yun.
"oh? san ka pupunta?"
"sa kusina ipagluluto sana kita ng paborito mong pagkain okay lang ba?"
"sige thank you"
tumayo siya at pumuntang sa taas. sosyal gusto niya meryenda in bed ganun?!
pumunta na ako sa kusina at naghanap hanap ng mga pagkain na pwedeng iluto. Gusto kasi ni shana ang matatamis kaya brownies nalang ang ibabake ko. wala akong ibang maisip na pagkain maliban dyan. Ramdam ko kasi na gusto niya ng brownies.
nagsimula na akong magmixed ng mga ingredients pero parang may kulang, tinikman ko siya kulang sa asukal kaya kinuha ko at linagyan ito.
linagay ko na ito sa oven at naghintay. ilang oras na ng natapos na ito tumaas ako kaagad at nakita ko si shana na nagbabasa ng libro.
"shanaaa oh!"
lumapit ako sakanya at umupo sa tabi niya alam kong magugustuhan niya 'to luto ko ito syempre masarap!
"wow brownies! marunong ka pala magluto"
"oo naman nagaral ako para sayo hindi ka kasi marunong magluto kaya ilang bestfriend mo nagaral ako para kapag nagugutom ka ako ang tatawagin mo"
"aba aba ang korni mo bilang best friend sus may gusto ka lang ata sakin kaya ganyan ka"
"kapal mo naman sa gwapo kong ito magkakagusto ako sayo?! ew never!!"
"OKAY hindi na ako gutom sige pwede mo na yan itapon!"
"eto naman oh! joke laaaaang kainin mo na please pinaghirapan ko pa naman yan"
kinuha niya ito at pinagmasdan niya. sinimulan na nuyang kainin ang ginawa kong brownies
buglang kumunot ang noo ni shana pero di ko alam baka nasarapan lang talaga siya sa gawan ko hahahaha speechless eh
"ah marunong kaba talaga magluto?"
"oo naman kakasabi ko palang diba?"
"kasi ang alat diba dapat matamis ito?"
"ha? nagtoothbrush kaba? baka sa laway mo lang yan"
"oh tikman mo!!"
kinain ko sht yan oo ang alat ano ba?!
tunakbo ako pababa at naramdaman kong sumunor rin si shana tiningnan ko ang mga lagyansn kaya pala ang alat linagyan ko ng asin akala ko sugar ay jusko ian!!
BINABASA MO ANG
Obsession and Depression
RomanceMasarap magmahal pero masakit kapag nasaktan. Lahat tayo dumadaan sa ganyan walang taong hindi nararanasan ito. Because of obsession it also leads to depression. Having that painful feeling that can break you into small pieces. We love too much and...