Memory 3

78 1 0
                                    

Ilang araw ng di nagpaparamdan si Ian pagkatapos nung nangyari sa locker room.

Umiiwas ba siya saakin? wala naman akong ginawang masama eh.

Ilang beses ko narin pinuntahan siya sa bahay nila pero ang sabi ni tita wala daw siya palagi raw umaalis.

Nakailang tawag narin ako at text pero wala parin.

Nalulungkot ako kasi namimiss ko na siya hindi bilang boyfriend bilang bestfriend wala akong kakulitan.

Pinuntahan ko rin siya sa classroom niya kapag free time ko pero sabi ng mga classmate niya kakaalis niya lang.

Hindi naman siya ganyan dati eh palagi nga kaming sanay umuuwi ng magkasabay.

Saturday ngayon at wala akong ginawa kundi magbasa at magbasa ng mga libro.

Naka 10 libro na ako sa 4 na araw oo ganyan katagal nawala si Ian.

Para bang iniwan niya ako.

(tock tock)

"Shana..."

"Mommy?"

"Shana papasok ako ha?"

"Ah sige po mommy"

nakaupo ako sa kama at biglang pumasok si mommy.

Nakita kong may dala siyang sulat at hindi ko alam kung kanino galing

"Shana may problema ba? hindi ka naman ganyan ha? palagi kang nakakulong sa kwarto nagbabasa. Mauubos mo na ang mga libro na nasa book shelf mo oh dalawa nalang ang natitira ano bang nangyayari sayo ha?"

"Mommy kasi eh si Ian hindi ko alam kung nasan parang iniiwasan niya ako"

"Oh"

linagay ni mommy sa palad ko ang sulat na dala dala niya kanina.

Tiningnan ko at parang isang invitation.

pinagmasdan ko lamang ito at tiningnan ko si mommy

"Birthday ng kapatid ni Ian si Marian at alam mo naman gustong gusto kang makita ni marian. Nasa baba ang susuotin mo binilhan na kita lahat ng mga kakilala mo andun daw sabi ng Tita Reyan mo."

"Formal attire po mommy?"

"oo anak eh"

"ayaw kong sumama mommy"

"anak malay mo andun si Ian at pwede kayong makapagusap doon sa birthday party. Sayang naman baka hindi mo na makausap yun ulit tanungin mo kung anong problema ganyan ang magkaibigan. Sige bumaba ka nalang ha at kakain na tayo ng lunch"

himalikan ako ni mommy sa noo at umalis ng walang hinihintay na sagot.

sa tingin ko nga kailangan kong pumunta para makausap ko kung anong nangyayari kay Ian imposible naman na wala siya sa birthday ng kapatid niya.

Tiningnan ko ang invitation at binuksan ko bukas ng gabi ito gaganapin.

"Fine."

seriously hindi ako sanay sa mga ganyan na party I rather sit here and read. or Eat while watching tv or sleep

well that's my life nothing more, nothing less.

tumayo na ako at nagayos.

Tumingin ako sa salamin at nakita ko ang sarili ko alangan naman makita ko si ian eh salamin mga gagi.

Malaki na ako kailangan ko narin asikasuhin ang sarili ko.

jusko naman kasi shana para kang lalaki kung makagalaw eh.

Nagsuklay ako at dumiretso na sa baba para kumain.

hindi ko maintindihan pero kinakabahan ako para bukas.

Sana andun siya.

Sana...

Obsession and DepressionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon