"Is she okay?"
"Sorry but No nung nahulog ito sa hagda-"
narining kong may dalawang matandang naguusap.
Maputi ang paligid ng namulat ko ang aking mga mata maraming dumagsa papunta sakin.
"Shana! Doc gising na po siya!!" isang batang lalaki
"Shana anak jusko may masakit pa ba sayo?" sabi ng matandang babae
"Baby okay ka lang ba?! masama pa ba pakiramdam mo? may gusto ka pa ipabili?" umiiyak na sabi ng pangalawang matandang babae.
"Misis..."
"Yes doc?"
"May sasabihin po ako sainyo dun po tayo sa labas" sabi ng matandang lalaki na nakaputi.
"Sige po doc"
agad silang lumabas kasama ang yun dalawang matandang babae.
"Shana..." sinabi ng lalaki na kasing edad ko lang ata at umiiyak ito
"Sino ka ba? Pwede ba umuwi na baka hinahanap na ako ng mga magulang ko"
umupo ako sa aking pagkakahiga ngunit agad agad niya akong hinawakan at tinulungan makaupo
"Ano ba?! bitawan mo ak-araaaay!"
sumakit ang ulo ko at hindi ko alam kung bakit masakit na masakit ito parang imiikot ang aking paningin mangiyak ngiyak na ako sa kakapigil ng sakit na aking nararamdaman.
"Doooooc!!!! Titaaaa!!! Mommy!!!"
Malakas na bumukas ang pinto at biglang nangdilim ang aking paningin.
huli kong narinig ang mga katagang ito
"Shana don't leave me I love you so much"
naramdaman ko na may tumulo sa aking mukha.
Ian's POV
Matapos ang aksidenteng nangyari doon sa party agad namin sinugod si shana sa hospital
ano naman kasing kagaguhan ang ginawa ko?! Bestfriend ko pinagpusta ko!! at ang mas malala pa nasaktan mo siya tngna mo!!!
lintek na Ian!!! Nagpadala ka sa mga kaibigan mong walang kwentaaa!! Mas importante sakin si shana.
Oo mahal ko siya pero hindi ko kayang sabihin yun dati dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin.
Simula ng pagkabata mahal ko na siya ngunit binalaan ako ng tatay niya na wag ipagtapat ito sakanya.
Hindi ko alam kung ano ang rason.
Kaya hanggan magkaibigan lang kami.
Pero nasilawan ako sa pera kinailangan ko para sa aking sarili lamang! napaka-selfish ko walangya!!!
gag* ka ian!!!!
pinagsasampal ko sarili ko at pinagsusuton ang pader di ko kinaya ang mga nangyayari.
Pinalabas kami ng doctor dahil sa kanina nawalan ng malay si shana.
mataas ang pagkakahulog niya at natamaan ang ulo niya.
Mabuti ngang nasugod agad namin kundi dead on arrival ang mangyayari
umiyak ako ng umiyak hanggan sa nakaramdam ako ng yakap mula sa likod ko
si mommy.
hindi kami nagimikan dahil alam ni mommy na di ko pa kayang pagusapan ang mga nangyayari.
ng lumabas ang doctor lumapit si tita sheila pero ako, hindi.
Mas pinili kong wala akong marinig dahil mas masasaktan lang ako kung may masamang naidulot ang pagpusta ko dahilan sa pagkakahulog niya sa hagdan.
Biglang umiyak si tita sheila at nagmamakaawa sa doctor na gawin ang lahat para magaling ang anak niya.
Nang umalis ang doctor linapitan ko si tita na nakaupo.
lumuhod ako at hinawakan ang tuhod nito at ipinatong ko ang noo ko sa tuhod nito hindi ko napigilan umiyak habang ginagawa ito.
"t-tita patawad po. a-ako po a-ang dahilang k-kung bakit n-nangyayari ang mga l-lahat na ito. S-sorry tita!"
Naramdaman ko na may humahaplos.
"Ian..."
"T-tita?"
"Pwede mo ba akong tulungan?"
"Yes tita. A-ano po iyon?"
"Tulungan mo akong makarecover si shana. Alam kong magagalit yun lalo na kapag nalaman niya ang lahat. Bestfriend ka niya at alam kong ikaw lang ang makakatulong sa pagpapagaling niya."
sinabi iyon ni tita habang umiiyak pero di na gaanong kalakas.
Tiningan ko si tita sa mga mata nito.
"Opo tita makakaasa ka. Mahal ko po ang iyong anak gagawin ko po ang lahat para makarecover siya."
BINABASA MO ANG
Obsession and Depression
RomanceMasarap magmahal pero masakit kapag nasaktan. Lahat tayo dumadaan sa ganyan walang taong hindi nararanasan ito. Because of obsession it also leads to depression. Having that painful feeling that can break you into small pieces. We love too much and...