22 (Rivalry)

408 13 0
                                    


LISA's POV.

Nandito na kami sa elevator ngayon pababa sa parking. Inabot din pala kami ng alas dose kaya naman patay na ang ilaw sa ibang floors, nakaka kaba tuloy. Well dalawa lang naman ang kinatatakutan ko, ang makakita ng multo at ang galit nitong asawa ko.
.
.
.
"TIIIINNGGG!!"

At agad ko syang hinila palabas sa elevator.

"Grabe mahal rinig na rinig ko yung kabog ng dibdib mo kanina sa loob. Takot na takot. HAHAHAHA."

Aba at nakakuha na naman ng ipang-aasar sakin hmmpp.

"Ehh paano kasi malay mo merong biglang lumitaw na multo tapos hindi tayo basta makakalabas o kaya bigla nalang tayong makulong dun. OMG!" pangangatwiran ko sa kanya.

"HAHAHA. Nakakabilib yang imagination mo Lisa pwede nang makagawa ng movie. Tara na nga at baka may kung ano pa tayong makita dito." tawang-tawa nya pang sinabi.

Madali ko syang hinila papasok sa sasakyan ko. Ito na gagamitin namin pauwi, pahahatid nalang bukas itong sasakyan nya.

"Lisa, nagugutom ako. Gusto kong kumain."

"Opo. Maghanap tayo ng bukas pa tapos dun tayo kakain." sagot ko at saka umalis na kami.

Habang nasa byahe ay dito ko na ikinuwento sa kanya ang nangyari sa amin ni Daniel.

"Mahal, alam mo ba ha na may sira-ulong driver kahapon ang pasaway na bigla nalang lumitaw sa harap ko, kaya ayun muntik na kami madisgrasya buti nakapag preno ako agad." kwento ko sa kanya.

"Really?? Aba sira-ulo nga ah. Nakilala mo ba kung sino yun??" tanong nya.

"Hindi eh. Ayaw kasing bumaba ng kotse nya pero natandaan ko ang plate number eh PON-487. Oo tama yan." sagot ko sa kanya.

"Good. Buti nakuha mo. Mamaya iuutos ko kay Jisoo na i trace ang plate number na yan." sabi nya pa.

"Hmm. Wag na natin pag-aksayahan ng oras Mahal tutal ayos lang naman kami ni Daniel." giit ko pa. Tumango nalang siya sa pagsang-ayon.

Ilang sandali ang lumipas;

Saktong may nakita kaming mamihan dito sa tabi. Naalala ko yung pinakain ko si Jane sa ganito eh sarap na sarap siya nun.
.
.
.
"Lisa Stop! Dito tayo. Namimiss ko na ang lasa nyan. Dali na." pagmamadali nya sakin. Sabi na eh magugustuhan nya dito.

Itinabi ko lang ang sasakyan sa gilid at agad na kaming bumaba.

Nauna pa siya sakin at dali-daling nag order sabay pumwesto na.

"Nagugutom ako Lisa kaya wag kang magulo dyan ha." pagsusungit nya pa.

"Hahaha eh kumain ka lang po ng kumain sige." sabi ko naman. At maya-maya ay dumating na ang order namin. Walang anu-ano eh agad nya itong nilantakan kahit mainit pa.

Myghad sumanib yata bigla si chipmunk sa kanya at naging ganito kasabik sa pagkain.

"Dahan-dahan Mahal at baka mabulunan." paaalala ko habang pinagmamasdan syang kumain.

"Hindi maaubos yang mami mo kung tititigan mo lang ako Lisa. Kain na!" puna nya. Wala talagang lulusot sa talas ng mata nito. Napapasubo nalang ako habang nakatingin sa kanya.

"Mukhang ginutom ka masyado sa ginawa ko sayo kanina. Ehem!" sabi ko sa sarili at nangingiti pa.
.
.
.
"Ay luh baliw nginingitian yung mami. Creepy myghad!" puna nya.

"Baliw sayoooo. HAHAHAHA." banat ko pa pero sinamaan ako ng tingin. Hahaha.

Sa kakaganito namin hindi na namin namalayang nakatapos na pala kaming kumain.

Love You Till The End Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon