40 (CLOSER)

391 30 27
                                    

THIRD PERSON.

Hindi akalain ni Taehyung na ganun na lamang ang galit ni Tzuyu sa pagkamatay ni Somi. Saksi siya kung paanong isinumpa nito ang balak na paghihiganti kina Jane at Lisa, dahil si Jane ang tinuturo nyang pumatay sa kapatid. Agad na nilukuban ng takot si taehyung dahil siguradong sa kanya at sa pamilya nya maibabaling ang galit sakaling matuklasan ni Tzuyu na siya talaga ang totoong pumatay sa kapatid.
.
.
.
"Kinuha na lahat sakin ng tarantadong Jane na yun! Si Nanay, si Lisa at ngayon pati si Somi na kapatid ko, kaya dapat lang na kunin ko din ang lahat sa kanya!" sigaw nito kasabay ng pagbato sa wine glass na hawak nya. Nagpupuyos ito sa galit at hindi niya ito mapakalma.

"A-anong balak mong gawin??" tanong ni Taehyung. Nangangatal ang tinig nya sa pagkakasabi nito.

Mas lalo pa syang kinabahan ng bigla syang tutukan nito ng baril.

"T-tekaaaa!!" awat ni Taehyung na napataas ng kamay.

"Mamamatay silang lahat!! HAHAHA." sambit nito. Sobrang nakakatakot ang banta sa tono ng pagsasalita nya.

"O-okay pero pwedeng ibaba mo muna yang baril at baka maiputok mo!" kabadong sinabi ni Taehyung.

Tatawa-tawa namang ibinaba ni Tzuyu ang baril.

"Duwag ka pala ha. HAHAHA pano ka naging agent?!" pang-aasar nito sa kanya at sabay baling ng tingin at lagok uli ng alak.

"Sinusumpa ko bago sumapit ang 40 days ng kapatid ko eh paglalamayan na sila." determinado nitong sinabi at napatango nalang si Taehyung dahil sa kaba.

Kabado man ng husto subalit hindi nya ito ipinapahalata kay Tzuyu.

Makalipas ang ilang oras;

Mag-isa na lamang ngayon si Taehyung sa kwarto nya at naglalaro pa din sa isip nya ang mga sinabi ni Tzuyu kanina. Hindi siya mapakali sa mga nalaman nya kaya naman agad nyang tinawagan si Jane para sana ipaalam ito. Alam nyang galit siya pero kailangan nya itong malaman.

"I know how much you hate me now for betraying you but please hear me out this time!" sambit nya habang dinadayal ang number ni Jane.

Pabalik-balik syang naglalakad habang naghihintay na sagutin nya ito.

"Jane please!" bulong nya.

"The number you have dialled is out of reach, please try your call later.."

"AIISSH!!" inis nya subalit sinubukan nya pa din. Kailangan nyang mag-ingat dahil baka biglang mahuli siya, patay na sigurado.

Naka-ilang ulit pa siya ng sa wakas sinagot na ito ni Jane.

"Why the hell you're calling me huh?! Fvck you taehyung, you traitor!!" galit na bungad ni Jane sa kanya.

"Jane, i know sobra ang galit mo sakin ngayon but i have my reason why i did that. I'm so so--.."
.
.
.
"STOP!! I don't want to hear a single word from you. Kung di dahil sayo hindi sana kami magkakahiwalay ni Lisa. Don't ever call me again. Di pa tayo tapos. Maghaharap din tayo!"
.
.
.
"W-wait Jane! May kailangan akong sabihin. It's important so i must warn you." tarantang sinabi ni taehyung.

"Whatever is that, wala akong balak pakinggan. Sinungaling ka. I shouldn't trust you!" mabilis na sagot ni Jane.

"Jane, wait!! Mag-iingat kayo ni Lisa, tzuyu is planning to.."
.
.
.
"BEEP..BEEP..BEEP.."

"Arrgghh bullshit!!" inis nya ng babaan na siya ni Jane.

Napabuga nalang siya ng hangin at laking gulat nang may biglang may kumatok sa kwarto nya.

Love You Till The End Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon