27 (Braver)

370 12 0
                                    


THIRD PERSON.

"MAHAAAAL WAKE UP PLEASE!! STAY PLEASEEE!! MAHAAAAL!!" sigaw ni Lisa habang sige sa pag-iyak.
.
.
.
"TULONG!! CHIPMUNK TUMAWAG KA NG TULONG!!"

Nag-uunahan na sa pag-labas ang lahat at ni wala man lang isa sa kanila ang tumulong, lalo na si Tzuyu na bigla nalang nawala sa kanilang paningin.

Halos hindi na magkanda-ugaga si Lisa at Rosé sa kanilang gagawin. Si somi naman ay abala sa pag secure ng mga files gaya ng utos ni Jane sa kanya.

Nang sa kalagitnaan ng kaguluhan ay isang tawag ang natanggap ni Rosé.

-📱-

TAEHYUNG: Rosé si Jane?? Asan na si Jane??
ROSÉ: Duguan siya at wala nang malay. Hindi namin alam ni Lisa ang gagawin. Nasaan ka ba??
TAEHYUNG: May importante akong inaasikaso. Pero may mga tauhan na akong papunta dyan para samahan kayo papuntang hospital. Please be safe. Secure jane. Susunod ako.
ROSÉ: Pero nasaan ka nga??
TAEHYUNG: *toot toot toot*

-📱-

Agad nyang itinabi ang phone at lumapit kina Lisa.

"Lisa, parating na ang tulong. Aiisshh!" sabi nya kay Lisa na sige pa din sa pag-iyak.

"Bilis!!! Yung asawa ko baka mapano na!!" sigaw nya pa sa taranta.

Ilang minuto lang ang lumipas at dumating na ang kanilang hinihintay.

"Tulungan nyo kami pleaase. Yung asawa ko! PLEASE!!"

"Opo mam. Wag ka pong mag-alala."

At agad nilang kinuha si Jane habang nakasunod si Lisa.

Nagmamadali silang lumabas ng building at agad na sumakay sa kanina pang naghihintay na sasakyan.

"PAKI BILISAN NYO!!" utos pa ni Lisa na hindi na mapakali. Naiwan naman si Rosé kasama si Somi para asikasuhin ang kumpanya.

-Sa Kabilang Banda-

Mabilis na nilisan ni Tzuyu ang lugar kasama ang ilan nitong mga tauhan. Laking tuwa nya sa mga nasaksihan kanina. Ito ang mga tagpong hinihintay nya.

Nasa sasakyan na siya pabalik sa Hotel nang nakatanggap siya ng tawag na kanina nya pa hinihintay.

-📱-

UNKNOWN: Mam, siguradong hindi na aabot ng buhay sa hospital ang target. Tatlong bala ba naman ang pinaulan ko sa kanya eh.
TZUYU: Good Job. Ipapadala ko nalang sa bank account mo ang bayad. Hahaha magaling.
UNKNOWN: Salamat mam.
TZUYU: Sige.

-📱-

"Finally, wala na sa landas ko ang babaeng yun! HAHAHA." pagdiriwang nya sa tuwa.

~~~~~~~
TAEHYUNG's POV.

Sobrang kaba ko sa mga naganap kanina, grabe si Jane hindi siya nagpa-awat at talagang itinuloy ang plano kahit sobrang delikado. Kaya agad akong nagpadala ng mga tauhan ko at tinawagan si Rosé para madala na siya sa hospital.

Sa ngayon hindi ko na alam ang balita tungkol sa kanya pero siniguro kong magawa ang plano nya.

Hawak ko na ngayon ang gunman na inutusan ni Tzuyu, dahil simula palang nang nakapwesto siya sa tapat ng Manoban Distillery building ay sinubaybayan ko na siya. Hinintay ko hanggang maiputok nya ang sniper gun na gamit nya at saka ko siya sinunggaban at ginulpi.

Inutusan ko din muna siya na tawagan si Tzuyu para ipaalam na nagawa na nya ang plano nang sa gayon ay mapaniwala ang babaeng iyon.

At ngayon siniguro kong hindi makaka alis ito dahil kakailanganin siya ni Jane sa mga susunod na araw.

Love You Till The End Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon