23 (Struggles)

354 14 0
                                    


LISA's POV.

Agad kong inalalayan si Jane papasok ng bahay. Isinandal ko na muna siya sa sofa para makapag pahinga.

"Mahal, saglit lang ha? Timplahan kita ng kape para mawala yang sakit ng ulo mo." sabi ko.

"Si-sige mahal. Thank you." pabulong nyang sagot.

Nagmadali na akong tumungo sa kusina para magtimpla. Kumuha na din ako ng ice pack para mas maibsan ang nararamdaman nya.

Bakit ba bigla nalang sumakit ang ulo nya? Hindi naman ganun kadami ang ininom nya saka sanay naman siya sa champagne. Ano kayang nangyari? Napaisip ako bigla.

Naalala ko tuloy yung sinabi ni Tzuyu sakin kanina.

"Well i'm not yet done. Nagsisimula palang ako."

Yan ang sinabi nya.

Di ko tuloy maalis na hindi mapa-isip talaga. Hindi kaya may kinalaman siya? Baka may ginagawa siya na laban sa asawa ko?? Alam ko naman na mainit ang dugo nila sa isa't-isa. Hays kailangan ko itong malaman.

Agad kong binalikan si Jane sa sala dala ang kape na initimpla ko para sa kanya.
.
.
.
"Mahal oh magkape ka muna." alok ko. Tinulungan ko siya na maka-upo habang idinadampi ko naman ang ice pack sa ulo nya.

"Lisa, i don't know what just happened, like sanay naman ako pero sumakit ang ulo ko ng ganito. Nakaka ewan!" reklamo nya sakin.

"Hays. Siguro stressed ka lang at napagod kaya sumakit din ang ulo mo. Much better na magpahinga na tayo after mo dyan okay? May pasok ka pa bukas." tugon ko naman.

Ayoko na muna magsabi kung di ako sigurado baka lalong gugulo kapag sumabog itong asawa ko sa galit, i know her. Ayaw kong babalik siya sa dating Jane na nakilala ko na mapaghiganti.

Ilang saglit ang lumipas;

Nakahiga na kami at patulog na, pinainom ko na din siya ng gamot para mawala ng tuluyan sakit ng ulo nya para naman maganda ang gising nya bukas.

"Goodnight Kamahalan ko."
"Goodnight din Mahal."

At natulog na kaming magkayakap na dalawa.

~~~~~~~
ROSÉ's POV.
-Kinabukasan-

I'm excited gosh! Two days nalang nandito na uli si Jisoo at sa susunod na araw na ang first anniversary namin. I miss her so bad! Walang nanlilibre sakin sa buffet eh hmmpp. Kahapon nagpa-utos nalang ako kay Somi para bumili ng lunch ko tinatamad kasi akong bumaba.

Kagigising ko lang at napatingin ako sa orasan sa gilid ko, it's almost 10 AM. Wala naman akong pasok today dahil day-off ko.

Tatawagan ko nalang si Jisoo. For sure nasa station na iyon.

-📱-

ME: Hello babe. Good morning hehe.
BABE: Late morning babe. Kakagising mo lang ano? Kanina pa ako naghihintay ng text mo eh.
ME: Hehe yes babe, off ko naman kasi. How are you? Nagbreakfast ka ba bago pumasok?
BABE: Kaya pala. Okay lang babe busy lang dito. Yes po nagluto ako kanina bago umalis eh. Ikaw mag breakfast ka na po.
ME: Very good. Wag ka pasaway dyan. Lagot ka sakin pag-uwi mo dito.
BABE: Behave naman ho ako eh. Miss na miss na kita.
ME: I miss you too babe. Di bale two days nalang nandito kana ulit. Ililibre kita hehe.
BABE: Wow naman excited tuloy lalo ako na umuwi. For the first time ililibre mo ako hahaha.
ME: Kaya bilisan mo nang umuwi ha?
BABE: Opo. Ohh sige babe mamaya nalang ulit may gagawin na kasi ako. Have a nice day babe. I love you.
ME: Take care babe. I love you too.

Love You Till The End Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon