9 (Fear of Losing)

505 16 0
                                    


ROSÉ's POV.

Nagtext sakin si Lisa na nakabalik na daw sila dito sa company at ngayon ay pinapupunta nya ako sa office nya dahil may sasabihin daw na importante.

Ano na naman kaya yun?
These past few months napaka hands-on ni Lisa sa pagpapatakbo nitong kumpanya. Bihira nalang nga si daddy humarap dito eh kada may investors meeting lang dahil siya pa din naman ang chairman of the board.

Kumatok muna ako bago pumasok.
.
.
.
"Good morning Lis. What's the matter at bigla mo akong pinatawag?" bungad ko agad at saka naupo sa harap nya.

"Ohh bilis mo ah hehe. Ahm this is regarding the contract deal na nabanggit ko sayo nung nakaraan. It's already done. Partner na natin ngayon ang Hotel Moon na isa sa pinaka successful ngayon." anunsyo naman nya sakin.

Napangiti naman ako ng malaki pagka rinig ko sa mga sinabi nya.

"Woah! Ang galing! Congrats Lis este CEO Lalisa Manoban. You really did a job well done and that calls for a celebration!" sabi ko naman sa kanilang dalawa ni Nayeon.

"Aba. Gusto ko yan ah! Saan ba? Hehe." sabat naman ni Nayeon na abala sa pag-eencode.

"Edi sa bar ko. Saan pa ba hahaha." sagot ko.

Hinihintay ko ang reaksyon ni Lisa pero napasimangot nalang ito bigla.

"Sorry hindi ako makakasama eh. Maghahanda ng dinner si Jane mamaya at hindi ko pwedeng ipagpalit yun hehe sorry agad." tugon nya naman.

"Naks nagpapaka mabuting asawa ah. Tama yan wag ka na sumama at baka pati ako madamay sa galit ni Jane kung nagkataon hehe. Next time ka na sumama." sabi ko pa.

Saglit pa naming tinalakay ang tungkol sa naging pag-uusap nila ng Top investor na sinasabi nya. Bilang President kasi ng company eh dalawa kami ni Lisa na nagtataguyod nito dahil kami lang rin ang inaasahan ni daddy.

Ilang oras ang mabilis na lumipas;

Lunch time na. Naisipan kong tawagan si Jisoo para sunduin ako dito at makakain kami ng sabay. I miss her na rin eh kahit kahapon lang eh doon ako nagstay sa unit nya hehe.

-📱-
ME: Hello babe, saan ka? Pick me up tapos mag lunch tayo.
BABE: Ay babe sorry hindi ako makakapunta dahil nasa mission kami ngayon. Biglaan nga kaya di ko na rin nasabi sayo agad. Sunduin nalang kita pag out mo. Sorry.
ME: Ganon ba? Okay lang ako nalang kakain mag-isa. Ahm just take care there please? Bumalik kang safe ha? Hihintayin kita mamaya.
BABE: Oo babe i will. Ingat ka din dyan. Sige bye na babe i need to go na.
ME: I love you babe.
-📱-

Hays. Di na nakasagot sa I love you ko. Siguro nandun na sila sa location.

And so dahil mag-isa akong mag lunch ngayon eh dito nalang ako sa cafeteria ng company para di na ako lalayo pa. Tinatamad akong mag drive.

~~~~~
JISOO's POV.

Saglit lang yung call namin ni babe dahil kailangan ko nang i drop ang tawag at nandito na kami.

Napabuntong-hininga nalang ako.

Hays. Alam ko deep inside nagtatampo na yun kahit sabihin nyang ayos lang. Wala eh ganito ang trabaho ko at para sa akin hindi lang ito isang trabaho kasi ito na ang passion ko. Ang makatulong sa mga kapwang nahihirapan at naapi.

Ramdam ko naman na suportado ako ni babe pero aminado akong nagkukulang na din ako sa kanya.

Sana lang hindi ito makasira sa relasyon namin. Ayokong mawala siya sakin.

Love You Till The End Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon