35 (BREAKING APART)

511 9 0
                                    


JANE's POV.
.
.
.
"TAEHYUNG, dun tayo sa park! Baka nandun siya." utos ko sa kanya habang abala pa din ako sa pagdial sa number ni Lisa.

Nagtext din si Jisoo sakin para sabihing naghahanap din siya. I told her to update me para mas mabilis namin syang mahahanap.

"Come on Lisa, pick up the fvcking phone!" gigil ko. Magkahalong pag-aalala at frustration ang nararamdaman ko ngayon.

"Calm down Jane! Halos mapupudpod na yang daliri mo kakadutdot sa phone mo eh." sabat ni Taehyung.
.
.
.
"SHUT UP AND JUST DRIVE!!" pambabara ko sa kanya. Kairita!

I know i'm kinda mean but wala eh. Masyado na akong nawiwindang ganitong kanina ko pa di ma kontak si Lisa.

Maya-maya lang ay nandito na kami sa park. Agad na ipinarada ni Taehyung ang sasakyan at mabilis akong bumaba.

"Lisaaaa???!" sigaw ko

Dis-oras na ng gabi kaya wala nang halos tao na nandito.

Kung saan-saan ko siya hinanap, sa may swing kung saan nya ako niyayaya para kumain ng ice cream, sa bench sa ilalim ng puno kung saan kami nauupo para manuod ng sunset, at sa may fountain kung saan kami nagwiwish.

But i didn't found her.

Ni walang bakas ni Lisa.
.
.
.
"ARRGGHH!!! Where are you?!" sigaw ko out of frustration.

"Jane, hays.." pag-aawat ni Taehyung sakin.

Naupo muna ako dito sa bench at muli ay sinubukan ko syang kontakin. Almost 3hrs na kaming naghahanap sa kanya pero ni maski anong sagot o text wala akong nakuha galing sa kanya.

She's not like this.
Kahit nagkaka-away kami noon hindi nya hinahayaan na mag worry ako ng husto.

*The subscriber cannot be reached. Please try your call later.*
.
.
.
"WTH! Hindi na nagriring ang phone nya. Nag off ba siya?? Ano??? AAAAHHH!!"

"Calm down Jane baka na dead batt lang. Saan pa ba siya pwedeng magpunta??" tanong ni taehyung.

"Sa Beach!! Dun siya nagpupunta kapag masama ang loob nya sakin! TAEHYUNG BILIS!!" utos ko.

Agad akong tumayo at patakbong bumalik sa sasakyan.

"Hurry up. Yun nalang ang huling lugar na naiisip ko." wika ko pa.

Ilang sandali ang lumipas;

Madilim dito. Tanging ilaw nang ilang barko at bangkang dumadaan ang nakikita ko.
.
.
.
"LISAAAAA??!! Nandito na ako Mahal. Magpakita ka na. Please..." sigaw ko sa gitna ng kawalan.

Wala akong ibang naririnig kundi ang malalakas na hampas ng alon kasabay nang malamig na hangin na dumadampi sa balat ko.

Naglalakad-lakad ako habang tinatawag ang pangalan nya. Pina-iwan ko na si Taehyung sa kotse dahil ayaw kong makita siya ni Lisa kung sakali.

"Mahal, lumabas ka na oh. Alam kong masama ang loob mo sakin. Alam kong nasaktan kita. I'm so sorry. Hindi ko sinasadya. Patawarin mo ako. Please magpakita ka na. Sobrang miss na kita asawa ko. Nalulungkot na ako." sambit ko habang naglalakad at lumuluha.

My fault. It's all my fault, she is about to surprise me well same thing i have something for her also. Kaso paano ko maibibigay ngayong wala siya? Patapos na ang anniversary namin pero pwede namang maihabol.

"Mahaaaaal. Bumalik ka naaaaa.." mahina kong nasabi.

Napasalampak nalang ako dito sa buhanginan at nakatingin sa gitna ng karagatan.

Love You Till The End Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon