48 (Chasing Time)

396 28 11
                                    


LISA'S POV.

Humahangos kaming nakabalik dito sa kuwarto ni Jane at heto nga natutulog siya.

Ang payapa nang pagkakahimbing nya. Naawa ako sa asawa ko habang pinagmamasdan siya. Ang dami nang pinagdaanan naming hirap pero pasalamat ako dahil magkasama pa rin kami. Alam kong pagod na din siya pero pinapakita nya sa akin na malakas siya para di ako mapanghinaan ng loob.

Alam kong lahat ng bagay ay makakaya ko dahil kasama ko siya, ang babaeng iniharap ko noon sa altar at isinumpang mamahalin hanggang sa huling sandali ng buhay ko.

~~~~

"Lisa, ano na tititigan mo nalang ba si Jane dyan??" usisa ni unnie na nasa tabi ko lang.

Dapat kasi gigisingin na namin siya para ipaalam ang mga nangyayari, ang kaso maaabala ang pahinga nya tapos injured pa siya. Knowing Jane kasi alam kong magkukumahog syang umalis dito kapag nalaman nya yun.

"Unnie, paano ba toh? Sabihin na ba natin? Magaalala siya ng husto eh kailangan nya munang magpahinga. Hindi nya kaya sa ganyang kalagayan." worried kong sagot.

"Pero Lisa kilala mo yang asawa mo, ayaw nya nang pinaglilihiman siya. Kahit ano pa yan, lalo na at tungkol yan sa safety ng mga anak nyo. Sa tagal namin na magkasama alam ko yung determinasyon nya. Malakas siya at matatag kaya wag kang mag-alala. Kahit buhay nya kaya nyang itaya para sa inyo Lisa." pag papa-alala nya sa akin.
.
.
.
"Wait! Ano yan? Anong pinag-uusapan nyo? Lisa, may tinatago ka na naman ba sakin??"

Laking gulat ko nang nagising na si Jane at nakatitig sa akin.

"Ahh ehh kasi hon..."

"What Lisa??!"

Aiiisshh so heto na wala na akong lusot, kailangan ko nang sabihin.

"Hon, kalma ka muna. Listen to me first ah." panimula ko.

She looks bothered now.

"I will so tell me now Lisa, kung ano-ano naiisip ko." sabi nya.

"Hon kasi si rosé tumawag kay unnie kanina at ang sabi nya galing dun si taehyung.."

"W-what?? That bastard!! Kapal nyang pumunta dun traydor siya!!" gigil nyanv sinabi.

"We know hon. And you know what's worst huh? Taehyung warned them na may masamang plano si Tzuyu sa kanila dun kaya na alarma agad kami ni unnie. Hindi pwedeng magtiwala sa taehyung na yun!!" sabi ko pa.

"Talagang hindi!! Aiiisshh Lisa we need to go home there as soon as possible! Kinakabahan ako!" utos nya sa akin.

Sabi na nga ba at ganito ang susunod na eksena eh hays.

"Hon relax you're still injured mahihirapan ka lang din. Sinabihan namin si rosé na magpadagdag ng security kay daddy habang wala pa tayo dun at nag-iisip ng mas effective na plano." pagpapaliwanag ko. I need to calm her kasi di makakabuti sa kanya.

"Let's go home. Ngayon na! Kaya ko toh, ito lang eh! I'm dead worried Lisa yung mga bata what if makuha na naman ng demonyitang Tzuyu na yun??!" giit nya. Nagpupumilit na syang bumangon subalit pinipigilan ko.

"Hon, sandali. Uuwi din tayo agad pero sa ngayon magpahinga ka muna kahit mga ilang oras lang. How can we save them if wala kang lakas so please makinig ka muna. For the mean time mag-isip din muna tayo ng plano. Okay??"

"Tama si Lisa. Ipunin mo muna yang lakas mo Jane dahil kakailanganin natin yan pag hinarap na natin sila. Sige na."

Dalawa na kami ni unnie na nangungumbinse sa kanya.

Love You Till The End Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon