Epilogue

62 6 0
                                    

 2 months ago nung nangyari ang gabing yun. One of the unforgettable moments in my life. Bago nga pala natapos ang month of December, umattend kami nina Alex, Elle, Miko, and Jessie, sa kasal nina ate Cate and kuya James. Nakwento ko na kay Jes yung tungkol sa mall na nakita nya kami ni ate Cate. Sinabi ko sa kanya na nag-usap kami that time para makipag-ayos sa isa't-isa. I accepted her apology tungkol sa pag-alis nya dati at pag-iwan sakin but it's not a big deal anymore. She also congratulated me and Jessie. Masaya na kong nagkaayos kami at nalaman na ni Jessie na walang namamagitan samin ni ate Cate. Baliw kasi yung babaeng yun, selosa. Hahaha!

 Anyway, andito nga pala ako sa bahay nila, hinihintay sya. Nameet ko na yung papa at ate nya after Christmas, ganun din sya sa family ko. Close nga agad sila ni mama eh. Ang sarap sa pakiramdam dahil nakasundo naman agad namin pareho ang mga families namin. Mas nauna nga palang nalaman ng mama ni Jessie ang tungkol samin dahil kasabwat ko si Tita sa paghanda nung surprise candlelight date. Or should I say candlelight confession? Kahit ano dyan basta mahalaga kami na. HAHAHA!

"Iho pababa na si Jessie."

"Sige po tita, dito po muna ko sa sofa."

"Nako naman. Tita pa rin ang tawag mo sakin? Boyfriend ka na ng anak ko so you should call me 'mama'." :)

"S-sige po.. Mama." :)

"Good. Oh, teka lang ha kukunin ko lang yung camera para mapicturan ko kayo bago umalis.", saka ito umakyat ulit

 Pagkaalis ni tita, este mama pala, napatingin ako sa relo ko. 5:30pm na pala. Sakto ring nagtext si Miko na andun na raw sila nina Alex at Elle. Nireplyan ko na papunta na kami.

"Nathan"

Napalingon naman ako sa tumawag sakin. And there she is. She looks like a princess with her dark blue lace gown while going down on the staircase. Perfection standing right in front of me. Just like the first time, I'm stuck on her like there's a glue on my shoes. 

"So ano? Magtititigan na lang ba tayo dito buong gabi?", ayun ang nagpabalik sakin sa katinuan ko

"You look absolutely amazing future wife."

"Aba, wife agad? Ang guwapo kong boyfriend nambobola na naman. Hahaha!", inayos nya ang bowtie ko na kasingkulay ng gown nya

"Oh bakit, syempre dun din tayo papunta someday. Atsaka totoo naman ah. Lalo kang gumanda, mas nakakainlove tuloy lalo."

"Wusus"

"Sa tabi lang kita ah, baka bigla na lang may sumayaw sayong iba. Syempre bukod kina Alex at Miko."

"Grabe naman to. Ang possesive."

"Syempre, sakin ka lang dapat." then I kissed her forehead nang biglang may nag-flash

 Napatingin tuloy kami pareho and then we saw her mother. Tuwang-tuwa na kinuhanan kami ng picture.

"Awwwww! You look perfect together."

"Si mama talaga."

"Oh dali anak, one last picture then you can both go para di kayo ma-late ni Nathan sa prom."

 Nilagay ko ang kamay ko sa bandang bewang nya, ganun din naman ang ginawa nya.

"Okay, smile!"

 *click*

"Be back at 12 midnight okay? Nathan please take care of my daughter. Enjoy the night!"

"Opo ma", sabay pa naming sabi at parehong natawa bago sumakay ng kotse.

.....

 There's nothing perfect in this world. But perfection is also contentment. Things become perfect when we learn how to be happy and contented with it. That is perfection for me. Accepting each other's flaws and imperfection. Parehas kaming hindi perpekto but I'll make anything perfect for her. Yes. Cause she's the only one that I love (syempre bukod sa mama ko) and the only girl that I want.

I Just Want YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon