I just want you 06

73 5 1
                                    

Habang nagpeperform kami ng mga kaklase ko, di ko maiwasang lumingon-lingon sa audience para hanapin si Jessie pero di ko talaga sya makita bukod syempre sa'min lang nakatutok ang ilaw. Spotlight malamang.
Hindi ba sya pumasok ngayon para manuod? :/ Bigla tuloy akong nawala sa mood at muntik nang magkamali sa performance namin. 

---
Jes' POV

 I decided to leave after ng performance ng section namin. Yun lang naman ang inabangan ko sa event na yun..

Christmas break na nga pala. Yehey! :D But wait, naalala ko bigla nung mini concert. Parang nawala sa mood si Nathan habang nagpeperform.. Parang di rin sya mapalagay at may hinahanap.. Hmmm? Sino naman kaya? Pinapunta nya kaya si... Ugh! Nevermind. 

[FLASHBACK]

 "Elle, uwi na 'ko"

"Ha? Bakit bessy, may masakit ba sayo?"

"Oo, puso ko. Joke! HAHAHA"

"Jokes are half meant", loka talaga tong babaeng to

"Baliw.Gusto ko lang umuwi"

"Oh, e hindi pa tapos yung concert ah? Hindi mo ba hihintayin sila Nathan para i-congrats?"

"Best naman... Alam mo namang gusto ko na nga syang iwasan eh..Kesa magmukha akong tanga kaka-assume na may gusto rin sya sa'kin dahil lang sa close kami." :|

"Haaaay. Osige na best. Kita na lang tayo kahit Christmas break na ha?" ^_^

"Sure. Oh ano, di ka pa ba sasabay?" 

"Hehe. Alam mo na. Hihintayin ko pa si Alex my loves" :>

"Aysus. Sige na una na'ko ha." ^_^

---

   So ayun nga, iiwasan ko na lang si Nathan.. Yun din naman makakabuti para sa'kin diba? I should save my heart bago pa ko lalong masaktan..

 "Okay okay, so anong gagawin ko ngayon?", isip-isip Jessie

 Medyo excited na ko sa Christmas kase si papa uuwi na next week tapos pupunta rin dito sina ate sa Pasko. Weeeeee! :D Sobrang miss ko na sila.

 "Ano kayang pwedeng iregalo sa kanila?" ^__^

 Bigla namang tumunog yung cellphone ko, si Elle natawag.

 [Hello bessy!!!!]

ouch! makasigaw naman to

[Uso sigawan best? New Year na ba?]

[Hahahaha sorry]

[Oh, bat ka tumawag?]

[Ay oo nga pala, may sasabihin ako kaya ako tumawag. HAHAHAHAH]

[Hoy Elleine! Naka-drugs ka ba? Para kang ewan dyan!]

[Baliw! Oh. Eto na nga. Kita tayo mamayang 6pm dun sa park malapit sa village nyo]

[Bakit, anong gagawin naten dun?]

[Mag-yoyoga best. Pumunta ka na nga lang wag ka na magtanong]

[Nice answer Elleine]

[Haha antaray ng bestfriend ko. By the way, mag-dress ka ha. Osha byebye!!]

[Para sa--]

 *tootooot toot toot*

Ang galing talaga ng babaeng to, binabaan agad ako. -__-

I Just Want YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon