Nathan's P.O.V
“Guys, meet my older brother, Kuya James and his fiancee ate Cate.” ^_^
Nagkatinginan kami.. Alam ko nagulat din sya na andito ako pero pareho na lang naming hindi pinahalata.. na para bang di kami magkakilala.
“Hello po.” Sabay na bati naming lahat sa kanila ng kapatid ni Miko.“Hi.” ^_^
“Pre.. si Cate ba yan? Yung nambusted sayo dati.” Bulong sa’kin ni Alex
“Siya nga.” Sabay lumabas muna ‘ko para magpahangin… Ngayon alam ko na kung bat sya umalis… Dahil may iba syang mahal.. Bat di mo man lang sinabi sa’kin Cate? Hindi yung basta mo na lang akong iniwan nang di ko alam ang dahilan mo..
Umupo muna ‘ko sa buhangin.. Napahiga na lang ako at pumikit. Bigla namang may tumakip sa liwanag… Napadilat tuloy ako, nagulat na lang ako nang sya na pala yung nasa harap ko.
“Kamusta?” sabi nya nang parang walang nangyari dati
Umupo siya sa tabi ko saka nagsalita ulit..
“Binata ka na, naalala ko nung bago ako umalis, 1st year highschool ka pa lang.. Pero ngayon mas matangkad ka na sa’kin.”
Ayan na naman yung tipid at kalmadong ngiti nya.. walang pinagbago, tulad pa rin ng dati.
“Siya ba?” napatingin siya sa’kin.. tumingin rin naman ako sa kanya.
“Siya ba ang dahilan Cate kung bakit bigla ka na lang umalis nung inamin ko sayo ang nararamdaman ko?” narinig kong nagbuntong-hininga siya.
“Hindi.. Hindi siya yung main reason. Kailangan ko lang talagang umalis dahil sinama na ‘ko nina mama papuntang Canada.. Dun nya na ‘ko pinag-aral. Wala na ‘kong nagawa dahil andun ang trabaho nila ni Papa.. Wala akong makakasama dito sa Pilipinas kaya sumama na ko sa kanila.. At dun ko rin nakilala si James.”
“Bat di ka man lang nagpaalam sa’kin? Hindi mo man lang ba naisip kung anong mararamdaman ko nun? Na nasaktan ako nung bigla ka na lang umalis nung inamin ko sayong mahal kita? Bigla ko na lang nabalitaan na pumunta ka na ng ibang bansa na di ko man lang alam ang dahilan?” medyo galit na yung tono ko pero ayokong sigawan siya.
“Sorry Nathaniel.. I’m so sorry” :’( “Sorry kung di ko man lang nasabi na aalis na kami. Sorry kung di man ako nagparamdam sayo for almost 3 years.. Naisip ko kasi na wag na talagang magparamdam sayo para din sa ikabubuti mo. Para tuluyan mo na ‘kong makalimutan.” :’(
“Makalimutan?! Oo siguro nakalimutan ko nga yung naramdaman ko sayo noon. Pero yung ginawa mong biglang pag-alis, yun ang di ko pa nalilimutan. Dahil sa tatlong taon na yun pumapasok pa rin sa isip ko kung anong dahilan mo bat bigla ka na lang nawala!” tuluyan na ngang tumaas ang boses ko kaya lalo rin siyang napahagulgol.
“F-forgive me Nathan, please. I-I’m so sorry. Sana m-maintindihan mo rin ngayon na kaya di na rin ako nagparamdam sayo simula nung umalis ako ay dahil di ako bagay sayo.. 5 years ang tanda ko sayo.. Masyado ka pang bata nun.. Bata ka pa, marami ka pang makikilala.” Tuloy-tuloy pa rin sya sa pag-iyak habang sinasabi yun…
“Para san pa yung sinabi mo na ‘age doesn’t matter when it comes to love’ Ha? Sana di mo na lang sinabi yun para di ko na rin inamin sa’yo yung nararamdaman ko noon.”
“Yeah that’s true.. pero Nathan, di mutual ang feelings natin.. Na-appreciate ko nung mga time na protective ka sakin kahit mas matanda ako sayo.. Pero hanggang dun lang. Hanggang dun lang yun dahil nakababatang kapatid lang ang tingin ko sayo.. Ayaw kitang masaktan kaya natakot din ako, di ko alam kung pano ko sasabihin sayo na kapatid lang ang turing ko sayo nung inamin mo sakin na mahal mo ‘ko.”
BINABASA MO ANG
I Just Want You
Teen FictionA/N: My first ever story :) This story is inspired on Aj Rafael's song the title itself. :) Comments and votes are highly appreciated. Enjoy reading guys. Thank you in advance ^___^