I just want you 03

74 5 1
                                    

 Oo, may gusto ako kay Nathan, nung 2nd year pa kami. Maraming nagkakagusto sa kanya, mga kaklase namin nung highschool, yung iba taga kabilang section pa. Magaganda yung mga babaeng yun.. Pero di naman nya pinapansin. Eh ako, simple lang kaya pano naman nya ‘ko mapapansin? Oo mabait sya sa’kin ngayon, pero ayokong bigyan yun ng meaning. Mabait lang siguro talaga siya. Ayoko rin naman kasing umasa na may ibang ibig sabihin kung bat sya ganun sa’kin.. Masakit kung ang isang bagay na inaasahan mo e hindi naman pala tugma sa iniisip mo.

“Bessy, may balak ka na ba this sembreak?”

“Wala pa.. Yung exam muna iniisip ko”

“Gusto mo mag-beach tayo after exam? Tutal di tayo nagkasama nung summer eh.” ^_^

“Hhmmmm.. Pwede rin.” ^___^

 Before the examination day, pinasa na namin kay Mrs. Valdez yung project namin sa Journalism. Tas parepareho na rin kaming naging busy para sa examination.

[Last day of examination]

 “Pass your papers in front.” Sabi nung teacher na nagbabantay sa’min

 “No more papers? Okay you can go home now.”

 Sigawan naman yung buong klase, sa wakas din kasi tapos na ang exam at sembreak na. Whooooo!

 “Uwi na tayo best” yaya sa’kin ni Elle

 “Kamusta exam?”

Napalingon ako, si Nathan pala.

“Ayos naman, nasagutan lahat.” :)

“Nathan!” tawag sya ni Miko

“Hi Jes, Hi Elle” ^^

“Hello” :)

“Oh bakit Miko?”

“May pupuntahan ka ba this sembreak?”

“Wala pa naman, bakit?”

“Swimming tayo! Nagyayaya rin si Alex eh.”

“Wait pasingit. Hehe. Kami rin kasi ni Jessie nagbabalak mag-beach this sembreak… So mas maganda siguro kung sama-sama na lang tayo?” ^_^

“Yun pala eh! Oh ano Nathan, swimming tayo?”

“Sige lang.. Sino-sino tayo?”

Nathan’s P.O.V

After exam, nilapitan ko si Jessie.. Yayayain ko siya dapat mag-ice cream ulit kaso ito naman si Miko bigla akong tinawag. Nagyayaya mag-swimming.

“Swimming tayo! Nagyayaya rin si Alex eh.”

“Wait pasingit. Hehe. Kami rin kasi ni Jessie nagbabalak mag-beach this sembreak… So mas maganda siguro kung sama-sama na lang tayo?” ^_^

“Yun pala eh! Oh ano Nathan, swimming tayo?”

“Sige lang.. Sino-sino tayo?”

Pumayag na ko nung nalaman kong kasama si Jessie.. ^___^ mukhang magiging masaya ata ang sembreak ko ah. :D

 [Sembreak]

Jes’s P.O.V

 Naghahanda na’ko ng gamit ko para bukas. Bukas na kasi yung swimming namin nila Elle, Alex, Miko, and Nathan. May rest house daw kasi ang family ni Miko sa isang beach sa Batangas. Magkikita-kita na lang daw kami sa park malapit sa school para sabay-sabay na susunduin ng van nila Miko. Overnight daw, may tatlong kwarto naman daw dun sa resthouse nila Miko kaya ayos lang, magkasama na lang kami ni Elle sa isang kwarto. 7am kami umalis para di pa masyadong traffic.

I Just Want YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon