I just want you 02

110 5 0
                                    

[Kinabukasan sa school…]

“Ano?! Hindi mo man lang nailagay yung pangalan mo??” – Alex

“Wag ka ngang sumigaw. Ume-echo yang boses mo dito si C.R oh.”

“HAHA! Ganyan ba talaga pag inlove? Pati sariling pangalan nakakalimutan?” – Miko

“Bat naman kasi nakalimutan mo pare? Anong balak mo ngayon?”

“ Eh sa nakatulugan ko nga nung tinatype ko yun, pinrint ko na lang agad paggising ko. Hindi ko pa alam.”

 [Classroom]

  Kinwento ko kay Elle na sabay kaming umuwi kahapon ni Nathan.. Pati na rin yung tungkol sa love letter.

“Wala man lang nakalagay kung kanino nanggaling??”

“Ewan ko, basta nagtapat lang about feelings eh. Di sinabi kung sino siya” -_-

“Sabay kayong umuwi ni Nathan kahapon diba?”

“Oo, bakit?”

“Parang base dun sa kwento mo best, parang may something sa kanya? Eh kasi sabi mo may sinabi sya na di mo lang naintindihan kasi may tricycle na dumaan. Tapos sabi mo parang nahihiya siya sayo..”

“Oh? Anong meron dun?”

“Ang talino mo sa mga acad. subjects tapos di mo magets yung gusto kong sabihin? Ay nako best” -_-

“Ano ba yun?”

“What I’m trying to say is, baka si Nathan yung nagbigay ng letter sayo.”

“Eh?” O_o

 Magrereact pa dapat ako nung biglang pumasok sa pinto sina Nathan…

 …………………………….

 Normal school days have passed. Hindi na lang muna inisip masyado ni Jessie ang tungkol sa letter, tinuon na lang muna nya ang atensyon at oras sa mga lessons at first quarter exam nila nung nakaraan. Kung sinuman ang nagbigay ng letter ay bahala nang magpakilala sa kanya.

  Mabilis ang panahon, two weeks na lang before their 2nd quarter exam. Nag-aannounce ang teacher nila sa journalism about their project for the second grading period.

 Mrs. Valdez: Okay, class. Before your 2nd quarter examination day, gusto kong maipasa nyo na ang project nyo. I’ll make it easier. By partners ito, so ang gagawin nyo lang ay maghanap ng isang story sa isang libro. Then gagawan nyo ng report yun through powerpoint presentation. Report about what the story is all about, and what are the lessons that you have learned from it. Any books, okay? I’ll announce your partners. Ms. Badenas & Mr. De Jesus, Ms. Dela Cruz & Mr. Fernandez…. Ms. Marquez & Mr. Santos…………….. Ms. Ortega & Mr. Torres….

 Any question?

 Elle: Ahm maam any type of story po? English or tagalog?

 “ Kahit ano Ms. Dela Cruz”

“Thanks maam”

“No more questions? You can go to your partners now.”

 “Osha bessy, punta na ko kay Alex my labs ah.” :”>

“Oo na sige, saya mo eh HAHAHA”

“Babye!” ^_^ “Oh, andito na pala si secret admirer mo”, bulong sakin ni Elle

Nathan’s P.O.V

 Nagulat ako nung inannounce na si Jessie ang partner ko. Sina Alex at Miko naman, tumingin ba naman sakin at ningitian ako ng nakakaloko. Psh may saltik talaga tong mga kaibigan ko. Kaya pagka-announce ni Mrs. Valdez na pumunta na raw sa partners, tinulak agad ako nung dalawa. Ang awkward pa nga nung paglapit ko kay Jes.

I Just Want YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon