CHAPTER 17

190 6 0
                                    

CHAPTER 17

Kinabukasan nag handa ako ng breakfast namin tulog pa si Princess kaya mabilis lang ako natapos sa gawain ko. Nakita ko si Mama na papunta sa akin.

"Good morning Ma!" Bati ko sa kanya.

"Good morning din,ikaw ba nagluto nito lahat?" Tanong ni Mama

"Opo Ma" Sagot ko.

"Teka yung apo ko gising na ba?"

"Gigising ko po yun Ma para sabay na tayo kumain"

Umaakyat ako papuntang kwarto ko kung asan mahimbing na natutulog ang aking anak.

"Baby gising na,maghilamos kana at kakain na tayo"

"Mommy I'm sleepy pa" Reklamo niya.

"Kailangan mong kumain at hinahanap ka ni Lola" Sabi ko sa kanya.

"Ok babangon na po"

Napangiti ako.

May ugali talaga si Princess na nakuha niya sa akin ganyan din ako tuwing ginigising ni Mama.

May ugai din siya na nakuha sa Papa niya at yun yung mabilis lang mapikon.

Ilan are ko ka din hindi sila nakikita at mabuti ng ganun ayoko na makita ni Princess na yung Ama niya ay may ibang pamilya.

"Nakakamiss pa din yung dati" Bulong ko at ngumiti.

Those are my past memories with the man who broke my heart.

Hindi ako marupok!

Hindi na ako babalik sa lalakinh yun ok na ako masaya at kasama ko ang aking anak.

My dalawang kaibigan pa naman ako at Pamilya wala na along iisipin pa.

Kakausapin ko din si Mama at Papa tungkol sa company namin kung kaya pa ba nila ihandle or ako nalang.

Sabay-sabay kami kumain tumatawa pa si Mama at Papa dahil sa kakulitan ni Princess.

"Anong gusto ng apo namin?" Tanong ni Mama kay Princess.

"Gusto ko po makasama Papa ko" Sabi niya.

Natahimik kami.

"Apo,gusto ko ba talaga makita ang Papa mo?" Tanong ni Papa.

"Opo" Sagot ni Princess.

"Sigee mag-uusap kami ng Mama mo tungkol dyan" Sabi ni Papa.

"Thank you Lolo!"

Hindi ako makangiti nasasaktan ako dahil gusto ng anak ko na makita ang kanyang Ama.

Pwede naman kasi kami nalang wag na Papa niya.

Pero hindi ko din masasabi na patay na ang Papa niya nakakaawa din kasi ang bata na naghahanap ng Ama.

Nang matapos kaming kumain nag usap kami ni Mama at ni Papa tungk dun sa sinabi ni Princess.

"Anak, naghahanap na ng Ama ang apo namin" Sabi ni Mama.

"Pero Ma, ang hirap kasi sabihin na may anak kami ni Drake" Giit ko.

"Iyuna,nakakaawa yung bata gusto niya lang naman makilala ang kanyang Ama" Sabi ni Papa.

"I'll try to talk to Drake,pero hindi ko maipapangako na masasabi ko talaga ito sa kanya" Sabi ko.

Tumango sila sa akin.

Ito na din siguro ang tamang taon para malaman ni Drake na may anak kami hindi ko na din hinahangad na mag balikan kami kasi sila na ni Sofia.

May kanya-kanyang kaming sariling buhay kung may pamilya na siya edi ok mabubuhay naman ako kahit walang asawa.

Gusto ko lang makita na masaya si Princess.

"Mama,Papa pwede po ba akong magtanong sa inyo?"

"Sigee anak ano yun"

"Yung companya po natin sino na ang humahawak? Kayo pa din ba?" Tanong ko.

"Oo Naman,bakit gusto mo ba na ikaw na ang humawak nun?" Tanong ni Papa.

"Opo sana kung papayag kayo" Sabi ko.

"Hays mabuti nalang nagtanong ka balak ko talaga ipahawak Sagot ang companya" Sabi ni Papa.

"Kailan pa?" Tanong ko.

"Kahapon pero busy ka pa kaya hindi kita nakausap" Sabi ni Papa.

"Sigee po ako na ang hahawak ng companya simula bukas"

"Ok I will announce tommorow na may bagong boss na sila" Sabi ni Papa.

Tumango ako at nagpaalam sa kanila na pupuntahan si Princess.

"Ano kayang pwedeng gawin ngayon afternoon?" Bulong ko.

Tinawagan ko si Keirra.

"Hello"

"Keirra are you busy today?"

"Not really,why?"

"Mall Tayo kasama yung dalawang bulilit"

"Sige ba"

"Ok I'll call you later"

"See you"

Pinatay ko yung tawag at pinuntahan si Princess sa loob ng kwarto.

"Anak gusto ko ba mag Mall tayo?" Tanong ko sa kanya.

"Opo yehey Mall!!" Tumatalon-talon siya sa kama.

"Bilis bibihisan kana ni Mommy"

"Mommy kain tayo ice cream mamaya ha"

"Oo naman"

"Thank you po Mommy"

"As always my baby"

Bukas busy na rin ako kaya ibibigay ko na lahat ng oras ko kay Princess baka kasi magrekalamo siya na bakit wala ako palagi.



••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
•••••••••••••••••••

Next Chapter ay may pasabog na darating!

Hindi ko lang alam kong kailan ko siya maiiuupdate.

Christinemarianne ♥️

Arrange Marriage (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon