CHAPTER 15

183 5 0
                                    

CHAPTER 15

"Mommy kailan po natin makikita di Daddy? " Inosenteng tanong ni Princess.

Hindi ako makasagot, ano ba dapat sabihin ko alam kung hindi masyadong maniniwala si Princess pag sinabi ko na ang kanyang Ama may trabaho lang at busy.

Matalino si Princess kahit bata ayoko naman din na lumaki siyang hindi nakikilala ang Ama.

Sa banda ng pag iisip ko kung anong isasagot sa anak ko napatingin ako sa isang lalaki na naglalakad at may kasamang babae.

Nung una hindi ko makilala kung sino, namumukahan ko siya para bang nakita ko na siya at yung babae.

Then I realized........... It's Drake and Sofia.

Nagtago ako sa likod ni Ashton para hindi nila ako makita teka bakit ako magtatago? Wala naman akong kasalanan eh.

"Bakit ka nagtatago? Akala ko ba handa kana? " Tanong no Ashton.

"Hindi ko din alam eh Ashton paano na? Kapag nalaman niya na nandito na kami baka kunin niya sakin si Princess" Sabi ko.

"Sa tingin mo hahayaan namin yun syempre hindi gagawa tayo ng paraan para dyan" Sabi niya.

"May number kaba ni Keirra? " Tanong ko.

"Mabuti naman naisip mo si Keirra" Sabi niya.

"Bakit?" Nag tatakang tanong ko.

"Kasal na si Keirra noong isang taon hinihintay ka niya na sa mismong kasal niya makita ka niya"

"T-Teka hindi ko alam yun" Sabi ko.

"That time kasi may problema ka pa kaya hindi na muna namin sinabi sayo buntis ka din nun kaya nag aalala kami" Sabi niya.

"Kahit na dapat sinabi mo" Sabi ko.

"Nandoon din si Sofia at Drake sa tingin mo magiging ok ka? Hindi mas delikado lang yun sa baby mo" Sabi niya sa akin.

"Akin na number ni Keirra tatawagan ko siya" Sabi ko.

Binigay niya yung number ni Keirra sakin.

"Doon na tayo sa kotse para makapag usap kayo ng maayos"

Tumango ako at sumunod sa kanya.

Kasal na pala siya sana lang masaya siya sa piling ng asawa niya kasal ng kaibigan ko wala ako hayyss.

Siguro kung pumunta ako magkakagulo lang dahil nandoon si Drake at Sofia noon masakit sa puso na lagi silang mag kasama pero ngayon ok lang kinalimutan ko na si Drake.

Si Sofia na best friend ko inahas ako sana siya nalang nag pakasal dati kay Drake sana hindi magulo buhay ko.

Pero nagpapasalamat pa din ako na ibinigay ni God sakin si Princess siya ang naging pag-asa ko at nang dahil sa kanya lumalaban pa din ako.

Tatlong kaibigan na meron ako si Ashton, Thea at Keirra sila lang.

Magsisisi ka din sa huli GIAN DRAKE MONTEREY.............

MY SWEET REVENGE IS COMING!











Christinemarianne

Arrange Marriage (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon