Chapter 1

14 0 0
                                    

Hoy Bong! Halika nga dito! Naku, yang mga libag mo ang kakapal na, pwede na yata magtanim ng sibuyas dyan. Halika at kuskusin din kita pagkatapos ni Dodoy. Naku, talaga kayo puro laro lang inaatupag nyo... 

Ganyan si Ella sa mga kapatid, pang-apat sya sa walong magkakapatid pero sya ang maasikaso sa mga nakakabatang kapatid na pawang mga lalaki. Isa syang maalaga pero mabungangang Ate sa mga ito. Pero minsan, para din syang kuya sa mga ito. Sya ang gumagawa ng mga bagay na dapat ay ginagawa ng nakakatandang kapatid na lalaki, Kuya na hindi sila nabigyan dahil puro babae ang unang pinanganak ng Nanay nila. Bale, naka apat na ere muna si Aling Emang sa apat na magkakasunod na babae. Sinukuan na sana ni Aling Emang ang magkaroon ng anak na lalaki, pero nadala sa pangungulit at hirit ni Mang Bal kaya nung nakabuo ng lalaki, nasundan pa ulit at nasundan pa hanggang sa naging walo silang lahat na magkakapatid. Four girls and Four Boys... 

Dahil sa mga nakagawian ni Ella simula ng sya ang naging lalaki sa bahay nila nung maliliit pa ang mga nakakabatang kapatid, nakilala sya na boyish kung kumilos, mahilig sa sports (larong lalaki) at kadalasang napagkakamalang tomboy.

Yan ang akala ng nakararami. Minsan nga tinatawag pa syang Toto ng mga kaibigan pag naglolokohan sila. Kaya siguro, dahil na din sa pagkakilala ng mga tao sa kanya sa school, she Goes with the flow nalang ika nga... Astig din naman kasi eh! 

Pero looks can be deceiving...

"Oh Ella, ba't nagmamadali ka?" Bati sa kanya ni Lola Eles pagdating nya sa boarding house. First year high school na nun si Ella, sa bayan sila ng Ate Liezel nya nag aaral kaya kailangan nila mag rent ng room para pansamantalang titirhan habang nag-aaral sila ng high school. Si Lola Eles ang kanilang kasera.

"Naiihi po kasi ako la!" sagot ni Ella. Pero hindi sya sa CR dumeretso. Dali-dali itong pumasok sa room nila ng Ate nya at nagsara ng pinto. Pumatong sa papag na shared nila ng ate sa maliit na kwarto at patingkayad na sumilip sa bintana... Naku, si Ella... nagdadalaga na... nagka-Crush na sya! Crush pala nya ang bunsong anak na lalaki ng negosyanteng kapitbahay nila Lola Eles.... pero secret lang ni Ella yun... dyahe kasi! Tsaka classmate pa naman nya yung makulit na pamangkin ni Pete, patay sya pag nalaman nya yun!

A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon