Chapter 10

8 0 0
                                    

Pagkatapos ng unang palitan nila ng kamustahan sa text, naging regular na ang pagtext ni Paul kay Ella. Bagay na hindi naman tinutulan ni Ella. Naging constant textmates na nga sila. Minsan, kamustahan lang, kung ano-anong pwedeng pag-usapan sa txt.

Hanggang sa naging palagay na ang loob ni Ella kay Paul. Kahit hindi sila nagkikita ng mga panahong iyon, feeling ni Ella, nakahanap sya ng taong nakakaintindi sa mga trip nya sa buhay. Kung ano man ang kahahantungan ng pagiging magtextmate nila, hindi na inisip ni Ella yun. Basta, napapangiti sya sa tuwing may text na galing kay Paul.

Tit tit... Tit tit...

"Oy Paul, ano gawa mo jan?" sender: Cute Ella

"Naghahanda para sa lunch, ikaw?" sender: Gouko

"Wala, wala kasi ako gana kumain, nakakita kasi ako kanina ng pisak na pusa sa daan... Imagine mo kaya ang itsura ng isang pusa na napisak ng gulong ng trak, kawawa na kadiri!" Si Ella, nangtitrip nanaman. Pero totoong di sya makakain sa nakita nya kanina. Everytime may nakikita sya na ganung scenario sa daan, kahit pusa, daga o palaka man yun, parang babaliktad ang sikmura nya pag naaalala nya. Ewan, bakit ganun ang pakiramdam nya... parang napakamorbid kasi... At gusto nya may karamay, kaya idadamay nya si Paul... Ano, sya lang ang hindi kakain?

"Ganun, bat ka naawa dun, tanga naman siguro yung pusa kaya sya nasagasaan, kasalanan nya yun. Tsaka ano nakakadiri dun? yung mga intsik nga inuulam ang pusa." reply naman ni Paul.

Hmp! Kainis, hindi epektibo ang pang-asar ni Ella...

"Ay ewan, basta kadiri! Eww! hirit pa ni Ella

"Gusto mo pritong butiki for lunch? pampagana...Hahaha!" Ganting pang-asar ni Paul.

Kaya ayun, si Ella, imbes na mang-asar, sya ang naasar. Talo na naman sya! 

Ganyan palagi ang palitan ng text ni Ella at Paul... Kamustahan, asaran, pagnangtrip ang isa, gaganti ang isa. Walang pikunan. They are just making fun of each other lang. And that was fun, hanggang sa namalayan nalang nila na hindi kumpleto at hindi masaya ang araw kung walang text na manggagaling sa isat-isa.

 "Good eve... :)" sender: Gouko

"Bakit? :D" sender: Cute Ella

"Wala lang... Naghahanap lang ng kausap." 

"Ba't parang ang seryoso mo ngayon Mr. Penaranda?"

"Thank you ha."

"Oh, nag thank you ka naman, di kita ma gets. Ano na naman trip mo ngayon?"

'Ikaw talaga, seryoso nga yong tao eh... totoo, gusto talaga kita pasalamatan."

"Bakit, ano ginawa ko? Parang wala naman ako matandaan na dapat mo ipag-thank you."

"Hindi ganun... Thank you lang kasi nakilala kita"

"Wow, ang drama mo talaga ngayon dude! Nakainom ka ano?"

"Konti."

"Kitams! 

"Pero hindi ako lasing... at totoo sa loob ko ang sinabi ko. Nagpapasalamat ako at nakilala kita. Alam mo, nag wish talaga ako kay God na sana meron darating na nakakaintidi sa akin... na hindi basta-basta nagjujudge sa akin... Na magpapasaya sa akin."

"Alam ko, disappointment ako sa family ko. Inaamin ko naman yun... Pero minsan, nasasaktan pa rin ako lalo at totoo ang sinasabi sa akin ng pamilya ko."

"Akala ko manhid na ang pakiramdam ko, na sanay na ako sa mga sinasabi nila sa akin. Pero nasasaktan ako. At mas lalo ko na realize sa mga sinasabi nila, na ganun pala ako ka walang kwenta."

"Kaya thank you, kasi kahit ganito ako, nakipagkaibigan ka pa rin sa akin. Hayaan mo, unti-unti ko babaguhin ang sarili ko."

"Ella, gising ka pa ba?"

_

_

_

_

_

_

_

"Oo... Naninibago lang ako sayo."

"Ayaw mo ba pag ganito ako?"

"Hindi naman, meron ka pala ganyan na side. Alam mo, kung gusto mo ng konting push sa likod minsan, andito lang ako... Pero tandaan mo, kung gusto mong magbago, wag mo gawin yun para sa iba... Gawin mo yun para sa sarili mo"

"Salamat ulit"

"You're welcome! Ngiti na po... Cheer up!"

":D Ganito?

"Hindi,  ganito  ^___^ "

Balikwas...... Balikwas..... Balikwas......

Hindi makatulog si Ella nung gabing iyon. Matapos ang palitan nila ni Paul ng text, ramdam pa rin nya ang bigat na dinadala ni Paul. Parang gusto nya bigyan ng hug si Paul kanina... 

Si Paul...

"Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit bigla ako naging seryoso? Ayoko mag seryoso, masakit ang mga nangyari sa buhay namin. Ayoko seryosohin yun. Ayoko maramdaman ang sakit."

Bata pa lang si Paul, lumaki sya na sunod ang layaw nya. Lahat ng gusto nya, binibili ng mga magulang. Lahat ng utos nya, ginagawa ng mga kasambahay nila at mga Ate nya. 

Spoiled brat. Ganyan sya lumaki. Sa sobrang pagmamahal ng mga magulang nya sa kanya, lumaki sya na walang kwenta. Hindi nya pinahalagahan ang hirap ng magulang. Kahit nung pabagsak na ang negosyo nila, iginapang ng mga magulang ang pagtapos nya sa college. Inuna nila ang mga pangngailangan nya kesa isalba ang kung anong natira sa negosyo nila... Ang laki nyang %*($#^@!

... Kailangan ko nang magbago, at tama si Ella, gagawin ko yun unang una, para sa sarili ko, pangalawa para sa pamilya ko at pangatlo, para sa babaeng nagbigay direksyon sa buhay ko... si ELLA...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon