Chapter 5

5 0 0
                                    

"Hay, ang boring ng araw na to... Mapapanisan ka talaga ng laway dito... Wala manlang pwedeng kausapin?" sambit ni Ella sa sarili nya.

Kakapalit nya lang kasi sa ate nya na nakamaternity leave sa trabaho, sya ang nirecommend na reliever kaya pansamantala syang nag-oofice sa office ng Ate nya.... ng mag-isa.

Satellite office lang ang office ng insurance company na pinagtatrabahuan ng ate nya kaya one woman team lang ito. Mostly naman kasi ng mga underwriters eh nasa field at pupunta lang ng office para mag pa quote ng product na napili ng kliyente nila. Ang part time janitor na si Boboy eh every after school and Saturday lang pumapasok para maglinis. Kaya majority ng oras ni Ella ay nakatanga lang sa hangin... Di pa kasi uso nun ang mga unli promos kaya tipid din sa load. Minsan lang din nya nagagamit ang 5110 nya na celphone.... disabled din ang ibang website sa company computer at walang speaker na naka install. kaya pag naka open ka ng site na may video, para ka lang din nanonood sa pipi... Tanging libangan nya ay makinig sa FM radio at pag tinopak na talaga, tatawag sa on-air chikahan with the DJ... bet nya kasi si DJ Dave mag English, kaya nagpapakasosyal din minsan si Ella at nakikipag Englishan sa radyo.

... Tok... tok... tok...

Mahihinang katok ang nakatawag sa pansin ni Ella. Nakalimutan pala nya i-unlock ang pinto after nya mag lunch break...

"For a while po." Sagot ni Ella sa kung sino mang nasa labas ng pinto.

Pagbukas ng pinto, bumungad kay Ella (surprise! <3 eto na yata si pag-ibig!) ang isang mama na hindi naman gaanong pandak, pero hindi rin katangkaran... tingin ni Ella nasa 5'5" lang and normal lang ang itsura... Walang dating!

"Good afternoon po" bungad ng lalaki. "Ahm, pinapunta po ako dito ni Sir Gardo para magsubmit ng application for insurance agent."

"Ah, ganun po ba? Sige po, pasok po kayo... Meron lang po kayo forms na need na i fill out for that. Have a seat po." Sagot naman ni Ella... Aba pormal yata ang usapan ng dalawa, kung ang lalaki walang dating kay Ella, si Ella kaya me dating sa kanya???

Habang nag fifill-out ng form si mamang Insurance Agent to be sa harap ni Ella, tinitignan ni Ella ang mga details na sinusulat nito.

So, your from San Isidro po pala? Malapit lang po yan sa amin, I'm from Isap lang po kasi. And meron ako friend nung college na jan din sa School nyo nag grad nung High School." Si Ella, uhaw na uhaw sa kausap... buti nalang kakatoothbrush lang nya after lunch, di pa panis laway nya.

"Ah, opo, sa San Isidro lang po kami. Anong batch po yung friend nyo, baka kakilala ko nga po sya..."

"Batch '97 sya, valedictorian yata sya ng gumaraduate, matalino nga yun eh..."

"Ah, baka si Jona."

"Oo, ka buddy ko yun nung OJT kami, and classmates kami since first year hanggang fourth year."

"Ah, nasa abroad na yata sya ngayon..."

"Ganun ba?"

....katahimikan ulit...

Si Ella, kating-kati pa din ang dila...

"Ahm, kilala mo din ba si Raymart Mondino? Schoolmate namin yun dati, pero lumipat sa school nyo nung grade five sya..."

"Oo, barkada kami nun nung High School"...

".... Ano ba yan, nakahanap nga ako ng kausap, ang tipid naman sumagot..." Reklamo ni Ella sa sarili... kaya minabuti nalang nya ang manahimik muna.

"Ahm, Miss, ilang picture ba ang kailangan para dito? isa lang kasi ang available ko na picture..." basag ng lalaki sa katahimikan.

" Four po sana, 2pcs na 2x2 and 2pcs na 1x1."

A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon