Chapter 7

4 0 0
                                    

Dalawang linggo.... Wala pa din text mula kay Ella... Parang nawala na din sa isip ni Paul na minsan, inisip nya na si Ella ang sagot ng panginoon sa hiling nya. Natural reaction lang yun siguro para kay Paul na mag-isip ng ganun. Kasi after nung simbang gabi, maliban sa mga kaibigan nya, si Ella lang ang matinong babae na namet nya.  

Tit tit... tit tit..

"Hi Mr. Paul, good afternoon. Are you available to attend the training this coming Saturday?"

"Teka, English to ah, paano ko to sasagutin? Hirap pa naman ako sa English. First text kaya dapat di turn off ang sagot"....

"Yes." Send ko na ba to? Parang ang igsi eh... Kaso ano pa ba idudugtong ko dito? debate ulit

"Pre, punta ka sa bahay maya!" sigaw ng lalaking nasa owner type jeep pagdaan sa tapat ng tindahan nila Paul. Si Larry yun, bestfriend nya since kinder. Isa lang ang ibig sabihin nun. May tagay session na naman sila.

Send... Opps, napindot na pala nya ang send button.

Tit tit... tit tit...

" Ok po, please look for Ms. Liezel, sya na ang incharge dun ngayon. Bumalik na sya from her leave kaya wala na ako dun. Pero I will see kung available din ako on Saturday. Hope to see you there again."

"Ok"... pangatawan ko na nga lang ang one word reply... "

"Nay! punta po ako kina Larry, wag nyo po ilock ang pinto mamaya."

"Naku Paul, hayan na naman kayo ni Larry. Di talaga kayo mapaghiwalay. Hanggang kelan kayo ganyan? Ok lang yan kay Larry kasi kahit di sya maghanap ng trabaho may naipundar naman ang parents nya para sa kanya, eh ikaw? Paano ka? Paano pag nag asawa ka na?." himutok na naman ng Nanay ni Paul.  

"Di ba naghahanap na nga ako ng trabaho Nay? Nagtxt nga yung taga Insurance kanina, may training daw kami sa Sabado" sabi ni Paul para matigil ang dakdak ng Nanay nya.

"Alis na po ako!"

"Hayan, lalayasan mo na naman ako. Hoy Paul, magbago ka na!" pahabol ng Nanay ni Paul

Rinding-rindi na si Paul sa paulit-ulit na pangangaral sa kanya... Alam nya na may kailangan na syang gawin... Hindi kailangan paulit-ulit, na halos lahat ng myembro ng pamilya eh parepareho ang sasabihin sa kanya. Nakakarindi na nakakatamad lalo...

"Tol, lalim yata ng iniisip mo ah" si Larry...

"Nababagot na ako Tol sa takbo ng buhay ko. Di ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Hindi naman yata pwede isang pitik lang, magbago na ang lahat di ba? Hindi ko alam kung saan magsisimula"

"Wow, Tol, me lagnat ka?"

"Hindi Tol, naisip ko lang, kailan ako magiging handa? Tayo?"

"Tol, kung ano man ang bumabagabag sayo ngayon, kakayanin mo yan Tol. Let's drink to that!"

"To Paul, Cheers! at nauwi sa tawanan at asaran ang usapan ng magkaibigan

A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon