Chapter 4

3 0 0
                                    

"Ella, pakikuha nga dito ang pamangkin mo oh. Umiiyak kasi yung kuya nya at nasa labas mama nila, naglalaba pa." Si Mang Bal, nagpapatulong kay Ella sa mga apo nya. 

Graduate na sa college si Ella. At ang saya dahil kabilang na sya ngayon sa libu-libong unemployed college graduate na Pinoy. Hay, buhay mahirap, hirap na makapagtapos ng pag-aaral, hirap pa makapaghanap ng trabaho... Dagdag pa ang Ate Becky nya na kung mag-anak, gusto pa yata talunin si Mang Bal at Aling Emang. Siksikan tuloy sila sa bahay kasi nakikitira sa kanila ang Ate Becky nya. Kaya ito si Ella, sideline sa pagiging yaya ng mga pamangkin nya. Eh di, Wow!

Graduate na nga sya sa kolehiyo, pero ni minsan, hindi nya talaga sinubukan ang magkaroon ng boyfriend. Yung mga lalaking malalapit sa kanya ay pawang malalapit na kaibigan lang para sa kanya. Kuya-kuyahan...

Pero di pa rin maiwasan na minsan, meron din konting pagpaparamdan sa ilan sa mga naging malapit sa kanya.

Nandyan si Benny. BFF ng friend nya na Pa-men. Dinaan sa lasing-lasingan. Paalaga effect, gusto  gawin si Ella na taga alaga, taga hagod ng likod habang nasusuka, at taga alalay papasok sa room nya sa house... 

"Hay naku Benny, kung di lang ako nakokonsensya nun, sarap mong itapon sa kanal!"

Andyan din si John na nag I Love gamit ang nilukot na folder at ginawang tubo, nilagay sa tenga ni Ella at bumulong ng I Love you... Sagot ni Ella?

"Hahaha, ayos ka John ah, anong trip yan? 

Malinaw na malinaw, hindi pa nga dumating ang taong mamahalin ng isang Ella Penaranda!

A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon