Chapter 3

7 0 0
                                    

"Yehey! pumasa ako sa University! Yes, makakapag college din ako!" Tuwang-tuwa si Ella nung mabasa ang results ng entrance exam sa kaisa-isang University na kinuhanan nya ng exam. Public University ito at maselan ang pagsala sa mga aspiring scholar ng bayan. Sa kurso na napili ni Ella, isang section lang ang kinuha sa mga applicants, at maswerte na nakasama si Ella dun... Di nya alam kung talagang swerte sya, oh naawa ang Diyos sa kanila at binigyan sila ng ate nya ng chance na makapag college kahit na hirap sa pagtustos sina Aling Emang and Mang Bal sa malaki nilang pamilya.

Ang panganay nila Ella ay hindi nakapag tapos kaya pumuta sa Maynila para maghanap ng trabaho. Ang panagalawa, maagang nag-asawa. Kaya si Ella at Liezel, magkasunod na nag kolehiyo at swerteng nakapasok sa sikat na State University sa Lungsod. Sila ay napabilang sa mga iskolar ng bayan. 

Dahil sa estado ng buhay nila Ella at sa hangarin na makapag tapos ng pag-aaral, wala sa isip ni Ella ang maagang pagpasok sa isang relasyon...

"Ella, ano gawa mo? Laro tayo ng scrabble... " Aya ni Ken kay Ella. Si Ken ay kabarkada ng BF ng ate Liezel nya. Taliwas kay Ella, ang Ate nya ay nakailang boyfriend na.

"Sige, kunin ko lang yung board sa taas."

"Oy, kayong dalawa, masaya ba kayo jan sa ginagawa nyo? Aba, masyado naman kayong mga bata sa bait ah. Yung ibang mga estudyante dyan pag walang pasok kung saan nakakarating, kayo talagang scrable lang masaya na kayo." puna ni Aling Pacing sa dalawa. Si Aling Pacing ang naging kasera nila ng Ate Liezel nya simula nung lumipat sila sa lungsod para mag kolehiyo.

"Magtitigan din naman kayo minsan, di yung puro petsas lang ng scrabble tinitignan nyo. Malay nyo, baka may mamuo pa sa gitna nyo... Ayie" kinikilig na susog ng asawa ni Aling Pacing.

"Naku si Kuya Sir, tumiten-edyer ah! Baka kamo pag tinitigan ko tong si Ken, eh matakot at di na babalik dito." 

"Bakit nga ba pareho kayong walang hilig lumabas at gumala?" Tanong ni Aling Pacing.

"Eh, Aling Pacing, araw-araw na ako lumalabas at naglalakad papuntang School, pahinga-hinga naman sa lakad pag may time." Sabi ni Ella sabay pa cute na ngiti. Pero ang totoo nyan, maliban sa hindi talaga nya hilig ang gumala-gala sa mall, iwas gastos na din para sa nagtitipid na estudyante kagaya nya. 

At si Ken ang palaging nakakasama nya... Ayos lang naman silang dalawa... minsan may kasama din sila magscrabble... pero kadalasan, silang dalawa lang...

"Ken, andito ka lang pala, napapadalas ka na yata dito ah!" bati ni Baron ka Ken.

"Nababagot kasi ako dun sa taas, iniiwan nyo naman kasi pag wala tayong practice eh! Ayaw ko naman sumama sa lakad nyo, OP lang ako dun!"

"Eh di sama kayo ni Ella!" Si Baron

"Ano yun? Chaperone?" Sabat ni Ella

"Double date!" Sabi ni Baron sabay kindat.

"Aba Mr. Baron, matiwasay at tahimik ang buhay-buhay namin dito ni Ken, wag mo kami idamay jan sa kalokohan nyo ah!" pandidilat ni Ella kay Baron

"Hindi nyo naman sila kailangan isama sa inyo Baron eh, kahit dito sa bahay, pwede naman sila magdate, ok lang sa amin ni Ate Pacing nyo." dagdag pa ni Kuya Sir na presidente yata sa LT na EllaKen.

"Sige Kuya, dagdagan nyo pa... mamaya di na bumalik dito si Ken, wala na ako magiging kalaro ng scrabble. Ikaw nalang kakalabanin ko. Mas ok nga yun, para palagi ako panalo!" :p 

Matapos ang asaran, naiwan ulit si Ella at si Ken at patuloy silang naglaro ng Scrabble.

"Ella, pasensya ka na ha, nakantiyawan ka tuloy dahil sa akin."

"Naku Ken, wag mo sila pansinin. Sanay na ako sa mga yan. Di na uubra sa akin mga pang-aasar nila. Tsaka wala naman sa isip ko yung mga date-date na yan. Nag-iilusyon lang mga yun, pati ikaw dinamay."

"Oo nga eh..."

"Hay naku Ken, bakit ba mas atat pa yata sila kesa sa atin jan sa mga date-date na yan? Ni minsan di ko naisip yun, ikaw at ako, magdadate? Hahaha di ba nakakatawa?"

"Oy Ken, sabayan mo naman ako tumawa, nagmumukha akong tanga oh! di ba nakakatawa yun?"

"Ha? Eh, Oo nga. Loko kasing Baron, bakit nya pa naisipan yung ganun"

"Basta wag mo nalang pansinin yun, scrabble buddies kaya tayo hanggat uso pa ang scrabble! di ba? Apir nga jan!"

"Sure... Last game na to ah, uwi na ako pagkatapos nito."

"Ok, basta pag bore ka dun sa inyo, punta ka lang dito. di naman ako umaalis dito eh, try din natin yung ibang word games minsan."

Pero nung mga sumunod na araw, buwan, di ulit nakapag laro ang scrabble buddies... Si Ken, palagi na daw busy.... Minsan parang nahahalata ni Ella na parang umiiwas sya... Problema kaya nun?

"Whatever, di naman na uso ang scrabble". 

A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon