Untitled Part 6

4 0 0
                                    

Silip sa pagkatao ni Paul... 


Spoiled Son... Yan ang pagkakilala ng karamihan kay Paul. Lumaki na little boss sa pamilya nila. Dahil na din siguro sya ang nag-iisang lalaki at bunso sa kanilang magkakapatid. Lahat ng gusto nya, nasusunod... Walang alam na trabaho dahil merong tagagawa ng mga gawain sa bahay para sa kanya.

Oo, maayos ang pamumuhay nila Paul. Dati yun... Nung malakas pa ang kita ng kanilang restaurant, nung hindi pa nabenta ang bakeshop nila... Iba na ngayon... Matapos bumagsak ang negosyo ng mga magulang nila dahil sa pananamantala ng mga tauhan at ibang kamag-anak ng tatay nya, biglang nawala lahat ng karangyaan na dating tinatamasa ng mag-anak.

Nakapagtapos si Paul sa kursong Computer Science. Nasa 4th year na sya nung bumagsak na totally ang bakeshop nila. Niloko sila ng mga tauhan nila sa bakeshop, hindi nila nireremit ang mga singil sa pautang ng deliveries ng bakery kaya unti-unting nalugi ito. At para mairaos ang huling taon sa college ng bunso ni Mang Edison, binenta nalang nila ang naipundar na bakeshop.

Nung gumraduate si Paul, pilit na lamang iginagapang ang natira at orihinal na negosyo ng mag-anak. Ang dating malakas na restaurant sa bayan, naging isang mala karinderia na lamang.

At dahil nga nasanay sa maalwan na buhay, lumaki si Paul na walang ambisyon... kuntento na sa buhay porket pag humingi, meron naibigay sa kanya.

Pero sa estado nila ngayon, kailangan na nyang tumayo sa kanyang mga paa nang hindi umaasa sa kanyang mga magulang.

Kaya nga kahit nakapagtapos sya ng Computer Science,  sumasma sya sa bayaw nya sa project nitong road rehabilitation... Kahit papano, di na nya kailangan manghingi pambili ng needs nya para sa sarili...

At dahil nga sa pagsunod nya sa Nanay nya para maipakita naman dito na nagpupursige sya makahanap ng maayos-ayos na trabaho, nasayang ang isang araw nya na kikitain sana sa trabaho. 

"....Whoa! That smile! ba't parang iba ang dating sa akin? Di naman perfect ang teeth ni Ella pero bakit iba ang dating ng smile nya sa akin? Tsaka parang ang bait-bait nya yata... Teka lang, ito na ba ang sagot sa wish ko nung Simbang Gabi?"

Biglang pumasok sa isip ni Paul ang wish nya nung nakaraang Disyembre. Nayaya sya ng mga kaibigan nya noon na magsimbang gabi. Sabi kasi nila, pag kinumpleto daw ang 9 mornings, kung ano ang hihilingin mo ay ibibigay sayo...

Bonding na din nilang magkakaibigan ang pagsimbang gabi... kadalasan, sa mga nakaraan simbang gabi, hindi nya nakukumpleto ang 9 mornings. Tinatamad sya palagi at hindi naman sya motivated dun sa hiling nya.

Pero swerte ngayong taon na to at nakumpleto nya ang 9 mornings! Ang hiling nya, hindi naman ganun ka seryoso... Parang for the sake na meron lang sya hiling, hiningi nya kay God na sana, ibigay na sa kanya ang babaeng mamahalain, seseryosohin at mapapangasawa nya.

Sa mga nakaraang nakarelasyon ni Paul, isa lang ang tumagal ng taon... yung mga nauna eh, puro laro laro lang... puppy love, na nung nagkaedad at naging pilyo, puro mga fling-flings nalang. Wala pa kasi sa isip nya ang mag-asawa. Ang kaisa-isang girlfriend nya na tumagal sila ng almost 5 years na si Gigi ay hindi rin nya makitaan ng wife material. Sabi nga nya, Maganda lang sya, period.  Hindi nga nya alam kung bakit sila nagtagal... On and Off ang relasyon nila, kung kelan may communication, yun lang sila nagiging mag dyowa. Nag umpisa sila as puppy love, tapos di nagpansinan, nag girlfriend ng iba si Paul, nung nag break sila ng isa nyang syota, magbabati na naman sila ni Gigi, tapos sila nanaman ulit... 

Hanggang sa lumuwas ng Maynila si Gigi, dun lalo parang nawalan ng saysay ang pagiging magdyowa nila. Limitado ang kumunikasyon, at kung magkakausap din sila, nauuwi palagi sa away ang usapan nila...   Hanggang sa napagod at na realize ni Paul na hindi nya mahal si Gigi. Siguro nga, ginawa nya lang itong pantapal sa ego nya. Para lang di mabakante ang lovelife nya kuno... At isa pa, mukhang ganun din sa part ni Gigi... 

Kaya nung umpisa ng simbang gabi, single sya... and umaasa na makahanap ng babaeng karapadapat sa kanyang tunay na pagmamahal...

"Ok po Mr. Paul, ifoforward ko nalang po itong application form nyo, then wait nalang po kayo sa text ko if ever need nyo po pumunta to attend product knowledge trainings and for the schedule ng exam. Sige po, thank you po"...

Bumalik sa kasalukuyan ang isip ni Paul, pero napaisip pa din sya dun sa wish nya nung December. At tignan mo nga naman, nagdedebate pa nga ang utak nya kung hihingi sya ng number ni Ella or hindi pero eto at sinabi ng huli na itetext daw sya? Ano kaya ibig sabihin nito, nakikialam na ba si Destiny sa kanilang dalawa?

"Oh, ok Ms. Ella, antayin ko yung text mo. Thank you talaga ha... Pasensya ka na, hindi ako handa eh."

"Naku, ok lang po yun... magkakapitbayan naman tayo eh! Tsaka maliit na bagay lang naman yun."

A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon