Chapter 9

7 0 0
                                    

"Morat, punta ka sa bahay sa Saturday, opening ng fiesta celebration dito sa lugar namin, punta tayo sa sayawan." sender: Morat1

It's that time of year na naman kung kelan maraming fiestahan sa Barangay. Summer na kasi. Kaya si Jolina, nagyayaya... 

Best friend ni Ella si Jolina nung 4th year college na sila. At since magkalapit lang ang mga bayan nila, may mga times na pumapasyal si Ella at nananatili ng ilang days sa bahay nila. Matagal-tagal na din na hindi sila nagkita. Tutal, wala pa naman trabaho ngayon, nagpasya si Ella na pumasyal kina Jolina.

"Ok, punta ako jan Sat morning." sender: Morat2

Sabado...

"Oy Morat, tuwang-tuwa si Jojo nung malaman pupunta ka ah. Lakas yata ng tama sayo Morat!"

"Hoy Adik ka, ganyan na ba ako ka desperada? Ok lang sya sa akin maging kaibigan pero di ko sya papatulan, loko ka talaga!"

Si Jojo, mas bata ng ilang taon kay Jolina and Ella, may sariling tricycle kaya kaya na daw nya magbuhay ng pamilya. Mahilig sa tagay at higit sa lahat, may Girlfriend.

"Tsaka I am happy and contented with my single life... Ayoko sumakit ang ulo no!"

"Hay naku Morat, wala ka pa rin pinagbago."

"Hay ka din Morat, ba't ba ako ang piangdidiskitahan mo? Pareho lang naman tayo zero sa lovelife ah!"

"Pero, hoy ka ulit Morat, sino kaya ang NBSB sa ating dalawa?"

"Kahit na, pareho lang tayo zero kaya asikasuhin mo muna pagpapacute mo dun kay Julius. Advise ko lang, galingan mo mamaya ha, Good luck!" asar lalo ni Ella sa kaibigan...

Tit tit... Tit tit...

"Aba, himala, me nagtext?"

"Morat, wag mo sabihin, pumapatol ka na ngayon sa textmate? Akala ko ba di ka desperada?" Balik asar ni Jolina kay Ella.

"Naku naman, malisyosa ka talaga na babae ka! Di ko pa nga nababasa ang text di ba?" 

Kahit ganun ang takbo ng usapan nila Ella at Jolina, hindi na sila nagkakapikunan. Sanay na kasi sila sa ugali ng isat-isa. Para na din silang magkapatid... si Jolina ang bunso sa kanilang magkakapatid. Kaya din siguro nagustuhan ni Ella ang pamilya ni Jolina kasi dito sya nakahanap ng Kuya na matagal na nya gustong magkaroon.

"Morat, sino nagtext?" pangungulit ni Jolina...

"Si Vice Ganda." ayaw pa din tumigil ni Ella sa pang-asar.

"Di nga?"

"Bakit, naniniwala ka? Hindi, applicant to dati sa work. Nangangamusta lang. Kinakamusta na din siguro ang application nya." palusot ni Ella.

Pero ang totoo, napaisip si Ella, bakit nangangamusta si Paul Penaranda sa kanya? Di ba sabi ni Mang Gardo, di na sya tutuloy kasi pumunta sya sa Tito nya sa Maynila?

"Hi, kamusta?" sender: Mr. Paul Penaranda

"Ok lang. Kayo, kamusta? sender: Cute

"Ok lang din. Pero miss ko na jan sa atin. Boring dito, wala ako makausap, puro tagalog tao dito eh."  sender: Mr. Paul Penaranda

"Ahm, ok lang yan... Ganun talaga pag bago ka sa lugar, nakakapanibago talaga" sender: Cute


"Huli ka! mukhang seryoso ka jan sa textmate mo ah! hirit na naman ni Jolina

"Me nangtitrip kasi sa akin, pagtripan ko din kaya?"

"Lakas mo mangtrip, seryoso?"

"Eh, kanya-kanyang style lang naman yang sa pangtitrip diba?"

"Ingat lang sa pangtitrip, baka madale ka..." paalala ni Jolina sa kaibigan.

Samantala...

"Nakakabagot talaga... anong oras kaya uwi ng mga tao dito?" si Paul, kausap na naman ang sarili... mag-iisang linggo pa lang sya sa bahay ng Tito nya. Pumunta sya dun para magbakasyon... nagkatampuhan kasi sila ng Tatay nya... Kaya minabuti nalang nya muna lumuwas sa lugar ng Tito nya.

Pero bakit parang ang tagal na nya dun? yun ang pakiramdam nya... Bakit parang na hohomesick sya? di naman sya OFW na may naiwang pamilya pero bakit parang ganun ang pakiramdama nya?

Kinuha nalang ni Paul ang cellphone nya para maglaro at libangin ang sarili. Pero imbes na maglaro, binuksan nya ang phonebook nya para magbura ng mga numbers na hindi na active at hindi rin importante sa kanya. Una nya tinanggal sa phonebook nya si Gigi... sumunod ang iba pang mga babae na kung hindi nya naging ka relasyon, naging ka fling nya. Meron din number ng bugaw na binigay ng kasamahan nila sa trabaho. Meron daw kasi ito hawak na magaganda at ke babatang chicks... Binura din yun ni Paul. Ni minsan di naman nya natawagan ang number na yun.

Sa kanyang pag-iisa, nagmuni-muni si Paul, na realize nya na ganun pala sya ka walang kwentang tao... Kailangang nyang magbago. Isang buntinghininga ang pinakawalan nya. Pampatanggal bara sa naninikip nyang dibdib.

Tinignan ulit ni Paul ang CP nya. 1st person na sa phonebook nya... Cute... 

Hi, kamusta?" sender: Mr. Paul Penaranda

"Ok lang. Kayo, kamusta? sender: Cute

"Ok lang din. Pero miss ko na jan sa atin. Boring dito, wala ako makausap, puro tagalog tao dito eh."  sender: Mr. Paul Penaranda

"Ahm, ok lang yan... Ganun talaga pag bago ka sa lugar, nakakapanibago talaga" sender: Cute


Bigla bumalik ang ngiti sa labi ni Paul... Kailangan na nga nya talaga ang magbago...

A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon