-o- ROEE'S POV -o-
After nung breathtaking scene na yon, pumunta muna ako ng CR bago tumuloy sa Gym. Grabe lang talaga yung nangyari kanina. Pagka-sabi naming dalawa non, nagpalipat-lipat ng tingin sa amin yung mga kasama namin sa table. 'Nung biglang magtatanong sana si Kesz, saktong nag-bell kaya, Yes Safe! Pagkatapos mag-bell, in-excuse ko muna yung sarili ko na pupunta muna ako sa CR.
Noong palabas na ako sa CR. Shit naman, nadulas pa ako dahil medyo basa yung tapat ng CR at dumoble pa ang kamalasan ko dahil natapunan pa ako ng Black Gulaman pagtayo ko.
"Naku Sorry. Hindi ko sinasadya." Sabi nung babaeng nakatapon ng gulaman. Mukha namang hindi sincere.
"Okay lang." paano na ako ngayon? Wala pa naman din akong pamalit.
-o-o- IÑIGO'S POV -o-o-
"Alam niyo, may something diyan kay Lift at Roee. Parang matagal na nilang kilala ang isa't isa. Pero wala namang sinasabi sa atin si Lift na kilala niya si Roee noong sinabi sa atin ni Kesz na may lilipat daba?" ingay naman ni Zack.
"Tama ka diyan tol. Teka lang, Iñigo, bakit ka ba tanong ng tanong kay Roee. Sira ka ba?" isa pa 'tong si Jethro eh.
"Hoy Iñigo!" Aba't binatukan pa ako.
"Ano bang problema niyo? Ang ingay niyo na nga, nambabatok pa. Manahimik nga kayo." sigaw ko sa kanila. Paano ang kulit, nakakainis.
"Eh kasi po nag-tatanong kami, mukhang hindi ka naman nakikinig. Asan ba yung utak mo? Na kay Roee na ba ha? Uy si tutoy, inlababo na." asar naman ni Zack na ginatungan pa ni Jethro. Mga sira ulo talaga.
"Tumigil nga kayo. Kung ano man 'yang tanong niyo, hindi ko alam ang sagot." para manahimik na din sila.
"Pero hindi mo pa nga ala---."
"Sabi ng hindi ko alam ang sagot eh. Kulit." at umalis na ako, tanong ng tanong parang mga detective.
"Ang labo naman." narinig ko pang sabi ni Jethro bago ko binilisan ang lakad ko at makarating sa area ng mga CR.
Pero habang papalapit na ako sa boys room, may nakita akong babae na naka-upo sa harap ng girls CR. Teka, si Roee 'yun ah. Lumapit pa ako ng konti at confirmed, si Roee nga. Lalapit na sana ako nung may makita akong dalawang babae na may hawak na gulaman at saktong pagtayo ni Roee ay binunggo nila ito dahilan para matapon yung gulaman sa damit niya. Mukhang tuwang-tuwa yung dalawa habang shocked pa rin si Roee siguro dahil sa lamig.
"Naku, sorry. Hindi ko sinasadya." sabi nung nakatapon. Sus, hindi naman sincere 'yung sorry niya eh. Plastik!
"Okay lang." eto naman si Roee masyadong mabait. Pagkatapos ng ilang minuto, umalis na yung dalawa at lumabas na ako sa taguan ko.
"Sinadya nila 'yon" mukhang nagulat siya dahil bigla na lang siyang lumingon sa akin.
"Ha?" tignan mo, bingi ata to eh.
"Sabi ko, sinadya ka nilang tapunan ka ng black gulaman." sabi ko.
"Alam ko." sabi niya.
"Alam mo?" tumango siya. "Bakit hindi ka lumaban kung alam mong sinadya nila?" tanong ko na ikinangiti niya. Weird.
"Hindi ako lumaban dahil ayaw kong masangkot sa gulo. First day ko kaya ngayon. Mamaya sabihin ng iba na basagulera ako. Mayabang, ka-bago bago nakikipag-away na agad. Siguro kapag tumagal, tsaka ako lalaban. Sa ngayon, kikilalanin ko muna ang mga tao dito." sabi niya. Tama nga naman siya, pero paano niya nagagawang tignan ako sa mata gayong bakat yung bra niya? Ahhhh, tukso alis!
Sa sobrang ilang ko, hinila ko siya papuntang locker room. Papahiramin ko muna 'to ng damit. Baka mabastos 'to nila Zack eh.
-o-o-ROEE'S POV-o-o-
Pagkatapos ng speech ko, bigla na lang akong hinila ni Iñigo papunta sa I don't know where. Hindi ko pa naman alam ang mga places dito eh. Sana lang 'wag niya akong iligaw dito. Malaki pa naman 'tong school. Hiwa-hiwalay kasi yung mga building eh.
Maya- maya, tumigil kami sa tapat ng, ano kaya 'to?
"Ahmm, Iñigo, asan tayo?" tanong ko pero busy siya sa pag-hahanap ng susi sa pintuan nitong room.
"Uy kapitan, sino yang chix mo? pakilala mo naman kami." sabi nung isang lalake na naka-jersey. Basketball Player ata 'to. Teka Kapitan? ibig sabihin?
"Manahimik ka nga James, kaklase namin to. Magbibihis lang. Ikaw, pumunta ka na sa Gym, magsisimula na ang assembly." sabi niya bago tumingin sa akin. "Ikaw naman, sumunod ka sa akin." nabuksan na pala niya 'yung pinto, hindi ko namalayan.
Pagpasok namin dito sa locker room ata, kumuha siya ng white t-shirt at binigay sa akin. Tinanggap ko naman pero tumitig pa ako sa kanya.
"Magbihis ka na. Ano pang hinihintay mo? Aish, huy bilisan mo, malapit na magsimula ang Grand Assembly." sabi niya at umalis na.
-o-o-
Habang naglalakad kami papunta sa Gym, hindi ko maalis sa isip ko 'yung tawag sa kanya 'nung James, kapitan? Basketball Player ba 'tong katabi ko?
"Anong iniisip mo?" napapitlag ako nang tinanong niya 'yun bigla. Hindi ako sumagot. "Kung 'yung tungkol sa sinabi ni James, huwag mong intindihin. Ang babaw mo naman kung 'yon ang dahilan." litanya pa niya.
"Hindi naman sa ganon. Naiisip ko lang, basketball palyer ka pala, hindi halata." pagkasabi ko non, napatawa ako.
"Sige lang, tumawa ka pa. Hindi mo kilala ang tinatawanan mo." at umismid pa ang loko.
"Seriously, bakit Kapitan?" tinanong ko na.
"Obviously, ako ang Team Captain ng Basketball Varsity ng school. Kaya nga ako may susi ng locker room." ooh, kaya pala ganon.
"Okay. Nagsimula na ba yung assembly? Wala na akong makitang estudyante eh." -ako
"Hindi pa start. Nakasanayan na kasi dito na 30 minutes before time mag-bell para magkaroon ng bonding time ang mga transferees sa mga old students." ganon pala dito. Cool!
-o-
Noong nasa harap na kami ng pintuan nang Gym, rinig na rinig ang ingay ng mga estudyante. Eto siguro yung bonding na sinasabi ni Iñigo. Pagka-bukas niya ng pinto, tumigil lahat, as in lahat ng estudyante at tumingin sa aming dalawa. Okay, anong meron?
'Gosh, may girlfirend na pala si Iñigo.'
'Siya yung transferee diba?'
'Ang swerte naman niya. Ang bait kaya ni Papa Nigs.'
"Okay students, enough with the whispering. Hindi po girlfriend ni Iñigo si Roee." awat ni Kesz gamit ang microphone. Wala palang teachers dito kaya ang ingay nila.
"Eh bakit ganon yung suot niya na shirt?" tanong ng isang boses. Hindi ko alam kung saan galing eh. Tsaka, ano ngayon kung eto yung suot kong shirt?
"Oh, the shirt. That is our class shirt last school year." at nagtawanan na sila, or should I say, sila Kesz lang yung tumawa.
Lumapit ako doon sa isang estudyante, freshman ata to. At tinanong kung anong naka-print.
"Ahh, excuse me, Ano bang naka-print sa likod nitong shirt?" tanong ko.
"'Belongs to 'Iñigo Nathanealle Santos' po ate." sagot nung freshman.
"Ah, yun lang naman pala eh. Wait. WHAT??" at nagtawanan na sila.
-o-o-o-
Pagkatapos ng most embarassing moment of my life na inabot ng mga 30 minutes bago sila makarecover ay bumalik na sila sa reyalidad na hindi ko boyfriend si Iñigo.
"Okay, nahanap niyo na ba ang katinuan? Pwede ko nang i-introduce ang unang guest natin?"- Kesz said, medyo natatawa pa siya.

BINABASA MO ANG
Behind the Silhouette
Teen FictionLove? Pwede kang maging BITTER dahil jan. Dito mo rin malalaman ang true meaning ng salitang CARE at PROTECT pero paano kung yung tao na gumagawa sa iyo nun ay ang uri ng tao na nagkaroon ka ng PHOBIA? Mamahalin mo pa rin ba siya o kakalimutan dahi...