Chapter 5

58 2 0
                                    

Chapter 5

--ROEE'S POV--

"Sa Halcyon High" simula na ng bagong buhay ko at sana maging okay lang ang lahat.

"Halcyon? Sure ka na ba, akala ko ayaw mo?" tignan mo 'tong si Cami, siya nga yung nagco-convince sa akin tapos ngayon, parang kontra pa siya.

"Oo, sure na ako. Bakit ayaw niyo?" pagkasabi ko noon, nag-iba yung facial expression niya.

"Hindi naman sa ganun, pero baka kaya mo lang napili ang Halcyon ay dahil kay Abel. Girl, hindi ka pa rin ba nakaka move-on? Sayang din yung chance mo maging Valedictorian." sabagay may point siya. Pero wala na eh, kahit anong gawin ko.  Malakas pa rin ang impact niya sa akin.

"Okay lang naman sa akin kahit hindi na ako maging Valedictorian eh. Ang mahalaga, may natutunan ako at naa-apply ko siya sa buhay ko. Yung kay Abel naman, aaminin ko. 'Di pa ako fully recovered sa ginawa niya kaya nga pinili kong lumipat ng school para makaiwas sa kanya at sa tsismis sa Colossus." sagot ko.

"Pero paano kung lumipat din si Abel sa Halcyon, 'di lang natin alam?" tanong ni Faye na kani-kanina lang dumating. Her question caught me off guard. Paano nga kaya kung lumipat din siya.

"Hindi 'yon lilipat. Mahal na mahal niya kaya yung varsity team namin. Tsaka sasamahan at dadamayan niyo naman ako 'diba?" tanong ko

"Hindi kami makakasiguro na lagi ka naming matutulungan, Roee. May times na hindi ka namin masasamahan lagi dahil may kanya-kanya din kaming schedule." tama nga naman si Mae.

"Bahala na. Kain na lang muna tayo. Andito tayo para mag-saya. Tsaka ko na lang pag-iisipan yan pag nangyayari na." pinag-patuloy na namin yung pagkain namin.

-o-o-MAE'S POV-o-o-

Hi! Mae here. Sa grupo namin, ako ang pinakamaganda. Chos!. Joke lang, ang totoo ako ang pinakamature. Sunod si Roee. Siguro dahil officer ako ng Student Council. Tsaka na lang ako magku-kwento, kay Roee muna.

Pagka-labas namin ng McDo, biglang natahimik yung mga kasama ko.Siguro inaalala din nila yung nangyari kay Roee.Paano nga kaya kung lumipat si Abel no? Si Faye kasi tinanong pa.

"Uh guys. Mauna na kayo, CR lang kami ni Faye." tapos hinila ko na si Faye palayo doon sa tatlo.

"Oh Mae. Bakit mo ako sinama? Kaya mo na yan."sabi niya sabay talikod pero hinigit ko siya.

"Alam kong may alam ka."sabi ko sa kanya.

"Anong sinasabi mo Mae? Wala akong alam."tignan mo 'to, magde-deny pa.

"Bakit mo tinanong ka Roee yung tungkol kay Abel?"tanong ko sa kanya. Feeling ko talaga may alam to.

"Ano ka ba Mae, kahit sino itatanong yun. Hindi naman kasi natin alam ang takbo ng utak niyang si Abel diba? Malay mo lumipat din siya para maka move-on na kay Roee."sabagay may point siya.

"Fine. Sorry. Paranoid lang siguro ako. Tignan mo nga nung nagkita tayo sa MOA, biglang natulala si Roee. Paano pa kaya kung araw-araw silang magkita sa school diba? Baka hindi na siya makapag-focus."sabi ko.

"Mae kilala natin si Roee. Iba siya sa studies at iba rin siya sa personal life niya. She can handle this one. Let's just trust her, okay?"naku, napa-english na. Frustrated na to.

"Okay, sorry for accusing you. Tara na." yaya ko.

*Kring Kring* "Wait lang Faye, may tumatawag." tapos sinagot ko na.

"Hello Cami?" -ako

[Asan na ba kayo? Akala ko group bonding. Parang kayong dalawa lang ni Faye ang nagbo-bond ah.] - Cami

"Papunta na kami jan. Wait lang. Bye." binaba ko na kasi magda-drama na naman yun.

"Tara na? Mukhang hinahanap na tayo ni baby Cami, hahaha."sabi ni Faye. Si Cami kasi ang youngest sa amin. Kaya ayun, nagtawanan na lang kami.

-o-o-

After some time, nakarating na kami sa videokehan. Aba tignan mo 'tong si Ampe, parang walang pinagdaraanan kung makabirit. Singer din yan eh.

"Oh anjan na pala kayo. Saan ba kayo galing?"tanong ni Roee na naghahanap ng kanta.

"Sa CR lang. Ang haba nga ng pila kaya sa Jollibee na lang kami pumunta."sabi ko. Sorry hindi ko pwedeng sabihin ang totoo.

"Nasaan si Faye?"tanong ni Cami.

"Andito sa li- Asan si Faye?"nagulat ako kasi pagtingin ko sa likod ko wala na si Faye.

"Ikaw yung kasama 'diba, bakit sa amin mo tinatanong?"Ampe, na kakatapos lang kumanta.

"Nasa likod ko lang siya kanina eh. Ba-" ako

"Hi girls :D" nabitin yung sasabihin ko nang may magsalita sa likod ko.

"Uy Kesz, ikaw pala. Anong ginagawa mo dito?"tanong ko. siya si Kesz, kaklase namin.

"Sabi kasi ni Faye andito kayo. Nagulat nga kami biglang pumasok sa booth namin. Sino naman yung kasama niyo? Ganda ah." -Kesz. Baliw talaga to.

"Ah, Roee si Kesz. Classmate namin, kasamahan ko sa Student Council at ka-tropa ni Alex. Kesz, si Roee. Siya yung sinasabi ko sa inyo. Baka maging classmate din natin siya this school year. Lilipat na eh. Sino nga palang kasama mo at asan na si Faye?" ako

"Nice to meet you Roee. Kasama ko ang tropa pwera lang kay Alex. Alam niyo naman yun, busy masyado. Si Faye naman, nandoon sa booth. Nakatitig lang Iñigo." si Faye talaga. 

 "Nice to meet you din Kesz. Pero pwede bang pakitawag na si Faye? Pakisabi aalis na kami."sabi ni Roee. Tignan mo to, inutusan agad.

"Sure Ms. Ganda. Kahit inutusan mo agad ako, susundin ko kasi sabi ng nanay ko, Follow my dreams."banat talaga eh.

"BOOM PANES!"nagulat naman kami sa sumigaw. Si Faye pala.

"Oh Faye. Anong sabi ni Iñigo sa titig mo? Napansin ka ba? hahaha"tignan mo to si Kesz, nang-asar pa.

"Hay naku Kesz. Pagsabihan mo nga yang mga kaibigan mo. Pinakanta ba naman ako sa harap ni Santos. Napahiya tuloy ako."sumbong netong si Faye.

"Okay lang yan Faye. Practice practice din kasing kumanta pag may time. Alam mo namang attracted si Iñigo sa mga babaeng kumakanta. Except lang kay Ampe syempre."sama talaga netong si Kesz.

"Ay naku, nakakahiya naman kasi sayo. Ang galing mong kumanta. Alis na nga. Shoo!."si Ampe talaga.

"Okay. Bye girls. Nice to meet you uli Roee."nag-wave na siya.

"Bye. Shupi na."Ampe.

Pagka-alis ni Kesz. Kinausap namin si Faye.

"Psst Faye. Okay lang yan. Kung gusto ka talaga ni Iñigo, okay lang kahit hindi ka marrunong kumanta."ako

" May point siya, Faye. Sino ba si Iñigo?"tanong ni Roee.

"You'll know him soon, Grace. Soon."

-------------------------------------------------------

Okay, sorry for very late UD...

Behind the SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon