Mostly Flashback lng po itong Chapter na ito.. Hope you'll like it.. Enjoy!
This chapter is inspired by the song ' Can I have This dance" ng HSM 3.
-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-
Chapter 3
--CAMI'S POV--
Eto na sisimulan ko na. Pero sana, pagkatapos nito hindi na maulit pa. Roee, sorry.
"Si Abel. Abel Darius Rodriguez. First boyfriend at first heartbreak ni Roee. Naging sila noong second year high school sila. First year pa lang nung sinabi sa amin ni Roee na may nanliligaw sa kanya. EVeryday, 'pag dadating siya ng classroom nila, may flowers at chocolates sa upuan niya. Kapag sinasabi 'to ni Roee sa amiin, siyempre inaasar namin siya. Sabi namin, sagutin na niya. Sabi niya lang,'Hindi pa nga nagtatanong eh.' Halata naman sa kanya na gusto din niya si Abel eh. Pero one day, nairita na si Roee kay Abel. Puro kasi bigay ng material things, hindi daw magpakita o makipag-usap man lang. Pero si Abel hindi natakot. So ang ginawa ni Roee, pinagkalat niya sa buong Colossus High na lilipat na siya ng school kasi may peste sa buhay niya." Tumigil muna ako saglit para uminom sa Frap ko.
"Tapos eto namang si Abel siyempre natakot, mawawala na si Roee sa school nila eh. So naglakas-loob siyang kausapin si Roee and ask her on a date. Eto namang isa, syempre tatanggi pa ba siya? Of course not, pinahiya na niya sarili niya, sasayangin pa ba niya yung chance? So ayun nag-date sila, tangdang-tanda pa niya yung date. September 8, 2010. First date nila, dinala niya si Roee sa isang place sa Alabang. Ni-rent ni Abel yung buong place. Mayaman kasi sila Abel kaya no wonder nakya niyang rentahan yung lugar. And 'mind you, LEGAL sila both sides. Tapos ayun, araw-araw hatid-sundi mula bahay hanggang school.
"Na-meet din namin siya at super bait niya. SUper pogi pa kaya napaka-swerte ni Roee. Mukha namang seryoso siya kay Roee kaya sinuportahan na lang namin siya. In fact, alam namin kung kelan siya mag-tatanong ng 'Will you be my girl?'. Habang nasa school sila, lagi silang magkasama. Minsan nga, pumupunta pa sila sa school at hinihintay yung dismissal natin. She's very happy that time at nadagdagan pa yung saya niya nung second year na sila. Valentine's daynun, February 14, 2012. JS nila noon, nung slow dance na, hindi inaya ni Abel si Roee. Instead, pumunta siya sa may stage...."
"Wait, 2nd year tapos JS?" putol sa akin ni Alex
"Ganun kasi sa school nila, all levels pwede umattend pero mandatory sa 3rd at 4th year. So ayun na nga. Instead na yayain siya sumayaw, Abel walked towards the stage and borrowed the mic, sumenyas siya sa isang lalaki na sa pagkakaalam namin ay service man. As if on cue, namatay lahat ng ilaw at bumukas ang spotlight na nakatutok kay Abel na nakangiti ng todo at kay Roee na tulala pa din. Lingid sa kaalaman niya, andoon kami at alam ng buong staff ng school nila ang plano no Abel.
"Bukod na rin kasi sa pagiging mayaman, basketball varsity player din siya. Tapos unti-unting naglakad si Abel papunta kay Roee. At nung nakalapit na siya kay Roee, bigla siyang lumuhod, si Roee naman pilit na pinapatayo si Abel at sinasabing nakakahiya daw sa ibang students pero nagsalita na si Abel. Eto yung sinabi niya, 'Roee, alam kong bata pa tayo pero alam ko na sa sarili ko na ikaw ang gusto kong makasama ngayon at hopefully forever. Pero hindi naman matutupad 'to kung ako lang mag-isa diba? Gusto kitang laging nakikita na nakangiti, pag malungkot ka, gusto kitang pasayahin. At kahit bad mood ako basta makita lang kitang nakangiti, good mood na uli ako. So Lianroe Grace Pangilinan, would you like to continue this story with me?' at syempre eto naman si Roee, ' Oo naman' tuwang-tuwa siya. Of course, pati si Abel kasi after 1 year and 5 months na panliligaw sumagot din si Roee.'So can I have this dance?' At biglang pinatugtog yung kantang yun din. They danced happily. At noong gabing din na yon, silang dalawa ang naging Prince and Princess of Colossus High.
"They made a happy couple. Pero after 1 year, everything changed. 1st year anniversay nila noon. Medyo nagiging cold na si Abel sa kanya. Although, may surprise si Abel sa kanya, hindi pa rin masaya si Roee dahil umalis agad si Abel. Sabi daw sa kanya may training pa sila ng team dahil may laban daw, so pumayag si Roee. Pero ang hindi niya alam, Gang Fight pala yun. Isang araw kasi, nagpunta kaming lima sa mall. Masyado kaming ginabi. Eh sakto pagdaan namin sa isang alley nakita namin si Abel na may kasamang mga lalaki na nakikipag-bugbugan. Of course adrenaline rush, nabigla kami sa ang response namin, tumakbo papunta sa kanila.
"Pinigilan namin sila. Nagulat si Abel na makita kami doon kaya hinila niya kami paalis. Nagalit pa nga siya eh. Paano daw kung mapahamak kami, eh siya na nga yung nakikipag-away, kami pa din inaalala niya. Kung tutuusin ang sweet niya pero after 1 month, nakipag-break si Abel. Sinabi niya na kasali siya sa isang gang. Black Rose yung pangalan, Isa siya sa mga district leader nun. Yung gang daw kasi nila ay buong bansa, meron din naman daw sa ibang bansa pero mas focused sila dito sa bansa. Sobra kaming inis sa kanya lalo na si Roee kaya takot na siya sa mga gangster." At sa wakas, tapos na rin ang kwento.
"Kaya nga ung nalaman namin na break na sila, nalungkot kami. Sayang kasi sila eh." sabi ni Faye.
"Tumpak! At ang sweet kaya nung mga ginawa ni Abel for Roee." si Ampe yun.
"At kaya nakipag break si Abel ay dahil ayaw niyang madamay kami lalo na si Roee sa mga nangyayari sa kanya. Kaya ang sabi ni Abel pustahan lang ang lahat para hindi na magtanong si Roee. Pero sa amin lang sinabi ni Abel ang totoong reason at mahal pa rin niya si Roee hanggang ngayon." say ni Mae na may halong pagka-dismaya sa mukha at boses.
"Gusto pa naman niya gangster type kasi mapagtatanggol siya." habol ni Ampe.
Si Alex naman lalong tumahimik, siguro processing pa rin ang mga information sa utak niya. Pero nagulat kami nang bigla siyang magsalita,
"I'll protect Roee no matter what happens." and with that, bigla siyang umalis.
-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o
Sana nagustuhan niyo yung Chapter. Thanks :D
BINABASA MO ANG
Behind the Silhouette
Teen FictionLove? Pwede kang maging BITTER dahil jan. Dito mo rin malalaman ang true meaning ng salitang CARE at PROTECT pero paano kung yung tao na gumagawa sa iyo nun ay ang uri ng tao na nagkaroon ka ng PHOBIA? Mamahalin mo pa rin ba siya o kakalimutan dahi...